Chapter 14 Chopsuey

4.5K 107 3
                                    

Chapter 14 Chopsuey


***ANALINE POV***

"S-SINO ang nagluto ng lahat ng ito?" nakataas ang mga kilay at nagtitimpi sa galit na usal ko.


Hindi ko alam kung ano ang dapat na e-akto ko. Itong kilay ko kasi non-stop sa pagtaas. Paano nga ba naman kasi... ang sira kong katabi feel magyayang dito ako kumain tapos ang mga pagkaing inihanda niya... sinayang niya lang.


Argh! +__+


Paano ko makakain ang mga ito kung tostado? Nangingitim pa ang hotdog, yung sopas naman niya latang-lata. Hindi na niya binigyan ng justice ang mga pagkain. Kung buhay lang ang mga ito, tiyak na nakatikim na siya ng demanda! >__<


"Me." Walang anumang sagot niya, sabay tulak sa akin paupo.


"W-what?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Hindi ninyo ako masisisi kung ito ang reaction ko, sa dinami-rami ng mga nagugutom ngayon sa planet earth, nagagawa pa niyang magsayang ng mga pagkain! >__<


Ngumiti siya ng alanganin matapos sulyapan ang mga pagkaing... iniluto niya? Naman e! Parang hindi tao ang nagluto. Biruin niyo yun? Sa gwapo niyang iyan hindi siya marunong magluto?!


>__<


"N-Nate Joshua..." nakangiwing sinundan ko siya ng tingin, nakaupo na siya sa katapat kong mesa.


"Yes?"


Naman e! Paano niya nagagawang umaktong cool matapos ang kapalpakan niyang ito? >__<


"S-sure ka bang talaga na..." Muli kong sinulyapan ang mga niluto niya. Hindi kapani-paniwala talaga! "I-ikaw ang nagluto nang lahat ng ito?"


Nang tumango siya, doon na ako nanghina. Paano niya nagagawa ang kabrutalang ito? Maliban sa hindi na niya binigyan ng justice ang pagkain, balak rin niya akong patayin. Makaka-cancer kaya ang mga sunog na food.


"Nate Joshua naman e!" >__<


"What?" tila clueless niyang tanong.


Sarap niyang batukan! Superb! >__<


"Doctor ka hindi ba?" >__<


"Yes." ?__?


"Bakit nagagawa mong ipakian sa akin ang lahat ng ito?" >__<


Nagpakawala siya ng isang sobrang lalim na buntong-hininga tapos tila nanghihiyang tinitigan ang mga niluto niya.


"I'm sorry... May lagnat kasi ang katulong ko kaya naman hindi na siya nakapagluto. I tried to cook but..." sinulyapan niya ang mga niluto niya. "Palpak lahat."

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon