Chapter 30 Lost

3.9K 90 0
                                    

Chapter 30 Lost


***ANALINE POV***

KALMADONG bumaba ako sa taxi nang kusa itong tumigil. Sinulyapan ko ang kabuuan ng kompanyang pinanghahawakan ng matandang sakim. Gusto ninyong malaman kung sino? Hindi na ninyo kailangan pang manghula. Isang nilalang lang naman ang kinaiinisan ko mula pa noon, magpahanggang ngayon.


Esmeraldo Sandoval, ang ama ng lalaking... lihim kong minamahal mula pa nang una ko itong makita.


Humakbang na ako papasok, wala akong ibang kasama kundi ang sarili ko lang. Bakit? Dahil umalis ako nang hindi nila namamalayan, abala kasi sila sa pagtulog. Kaya naman sinamantala ko ang lahat. Kahit takot akong hilahin ang karayom na nakakabit sa pulsuhan ko, nagawa ko parin itong hilahin. Sa katunayan napahiyaw ako sa sobrang sakit. Kontodo tiis naman ako para hindi lumakas ang boses ko.


Ngunit bago ako tumapak sa lugar na ito. Dinalaw ko muna si Dad, sa sementeryo.

********************


***FLASHBACK***

***ANALINE POV***

MARAHAN kong dinama ang pangalan ni Dad na nakasulat sa marmol. Siya ang una kong pinuntahan dahil napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Nagawa ko siyang saktan at paglihiman. Ako ang dahilan ng pagkakasakit niya, ng pagkamatay niya.


"D-Dad..." itong mga mata ko, muli na namang uminit. Gusto kong umiyak kaso pinipigil ko lang, baka kasi sumama pa ng husto ang loob niya sa akin. "I'm sorry..."


Humingi ako ng sobrang lalim sabay tingin saglit sa itaas para pigilin itong luha ko sa pagpatak.


"I'm sorry for everything, for not being a good daughter... for not listening to what you said... Sorry kung sarili ko lang ang iniisip ko noon..." I bit my lower lip. "Ano... kasi dad..." ang bigat-bigat ng dibdib ko. Maliban sa sobrang humahapdi na ang mga mata ko, nakikisama pa ang lalamunan ko sa sobrang sama. "Tawag iyon ng kabataan ko. Hindi ko magawang mag-isip ng tama... I'm so sorry..."


I bit again my lower lip. Hindi muna ako nagsalita, baka kasi hindi ko na mapigil pa, tapos tumuloy-tuloy na talaga.


"D-Dad... ang... ang kompanyang natitira sa atin..." ewan ko ba, nahihirapan na akong magsalita. "I'm sorry kung hindi ko na siya maipagpapatuloy pa, sorry kung isusuko ko na ito." Huminga ako ng sobrang lalim. "Dad, sana mapatawad mo ako sa gagawin kong ito..." ibinaba ko na ang isa kong kamay at ngumiti ng pilit. "Ipinapangako ko, dadalhin ko dito ang dalawa kong anak. Ang napakaganda at gwapo mong apo mula sa akin." Bahaw akong tumawa. "Natural naman na ang pogi at ang ganda ng mga anak ko, sa atin nagmana e. sa mga Abellarde nagmana."


Muli akong huminga ng sobrang lalim, sabay yakap ng buong higpit sa mga dokumentong nakapaloob sa brown envelope.


"Sa mga gagawin ko Dad... sana... mapatawad mo ako..." Nag-iwan muna ako ng isang ngiti bago tuluyang umalis. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may naramdaman akong hanging medyo may kalakasan na dumampi sa pisngi ko.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora