Chapter 39 I'm Sorry

3.6K 83 1
                                    

Chapter 39 I'm Sorry


***ANNALINE POV***

WALANG tigil ako sa kaka-back in forth. Labis-labis na kasi akong kinakabahan. Nasa crime scene na sina Anthony at ang mga kasamahan niya, at sobrang lapit lang ng kinalalagyan ng mga anak ko sa akin.


Kinagat ko ang dulo ng kuko ko. Bakit? Dahil sobrang kabado lang ako. Hindi kasi ako mapakali. Huwag ninyong iisipin na gutom ako, masyado akong busog. At isa pa wala akong time para kumain.


>__<


Nasa alanganing sitwasyon na ang mga baby ko! Nasa kalagitnaan silan ng panganib at hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano na ang mga nangyayari.


Naman! Ano ba ang nangyayari ngayon sa...


"Annie..."


May naramdaman akong kung sino ang gumagap sa isa kong kamay. Hindi ko na kailangan manghula pa dahil alam na alam ko na kung sino ito.


It's Nate Joshua!


Hinila niya ako papalapit sa kanya at buong pagsuyong niyakap ng sobrang higpit.


"Hush sweetheart." He said.


I just bit my lower lip and close my eyes so hard. Gusto ko siyang sundin, gusto kong kalmahin ang sarili ko. Kaso ang hirap talaga. Napapakalma niya ako ngunit saglit lang naman. Mabilisan!


"Nate Joshua kinakabahan ako..." napakapit ako sa damit niya. "Sobra... Paano na lang kung may mangyaring hindi maganda? Paano na lang kung mawala sila sa akin? Paano na ako? Hindi ko kakayanin na mawala sila sa akin... Hinding-hindi." >__<


"Annie, hindi sila mawawala sa atin."


Atin?


"Walang mangyayari na hindi maganda."


I bit my lower lip again. Napapaisip lang kasi ako sa sinabi niyang ATIN. Marami ang pwedeng mangyari oras na makuha ko ang mga anak ko. Kahit kinasusuklaman ko ang pamilya ni Nate Joshua, hindi ko parin maipagkakailang may karapatan siya dahil siya ang ama nito.


"Natitiyak ko iyon." Bahagya siyang humiwalay sa akin, sabay dama sa pisngi. "So please stop worrying."


Stop worrying? Paano ko magagawa ang bagay na iyan kung may panibagong dagok ang magpapakita oras na maibalik na sila sa akin.


"N-Nate Joshua..." mahinang anas ko. May gusto akong malaman. Gusto kong marinig sa mismong bibig niya ang desisyong gagawin niya sa anak naming dalawa. Sa custody ng mga ito.

"Hmmm?"


"T-Tungkol sa..." I bit my lower lip. Para ayoko na lang sabihin. Kinakabahan kasi ako, baka kasi sabihin niya na aakuin niya ang mga ito. Na aagawin niya sa akin ang mga anak ko.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now