Chapter 35 Nightmares?

4.2K 91 0
                                    

Chapter 35 Nightmares?


***ANALINE POV***

UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Hindi ko maintindihan ang nangyayari at sa mga nakikita ko. Kasi naman, wala akong ibang makita kundi kadiliman.


Brown out ba? (?__?)?


Takang bumangon ako at muling sinulyapan ang paligid kaso ang dilim talaga.


*tingin sa kaliwa


*tingin sa kanan


"Bakit ang dilim?" Left and right na ang ginawa ko kaso ganun parin. Sobrang dilim.


Kahit wala akong nakikita kundi kadiliman nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Kung may bagay man ako na pinasasalamatan ngayon, iyon ay ang kadahilanang HINDI AKO TAKOT SA MULTO. Isang bagay lang naman ang kinatatakutan ko, iyon ay ang mawala sa akin ang mga anak ko. Sila lang ang kinatatakutan ko.


"Nate... Nathy..." mahinang anas ko.


Sa tuwing iisipin ko sila ay nakakaramdam ako ng labis-labis na sakit dito sa puso ko. Na para bang ikamamatay ko.


Tumigil na ako sa paghakbang. Nakakaramdam kasi ako ng panghihina. Ewan ko ba kung bakit basta nahihirapan na akong humakbang. Sa halip na labanan ang panghihina ko umupo na lang ako sa... sahig? Malamang sahig ito, hindi naman pwedeng maging kisame.


Napangiti ako ng pagak. Biruin niyo yun? Nagagawa ko paring magbiro sa sarili ko sa ganitong sitwasyon?


Muli kong sinulyapan ang paligid. Hanggang ngayon ay sobrang dilim parin. Wala akong ibang makita. Ewan ko ba, kapag ganito, na ako lang mag-isa, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot.


Mariin kong ipinikit ang mga mata. Sa ginawa kong ito nakikita ko sa balintanaw ko ang nakangiting mukha ng kambal kong anak.


"Nate..." Hindi ko na mapigilan ang maluha. Nalulungkot ako at sobrang nangungulila sa kanilang dalawa. "Nathy..."


Gusto ko na kayong makita. Gustong-gusto!


"Nasaan na ba kayo..." niyakap ko na ang sarili at umiyak lang lalo. "Miss na miss na kayo..." I bit my lower lip. "Please bumalik na kayo sa akin... please..."


May nararamdaman akong napakainit na bagay ang dumadampi ngayon sa pisngi ko. Sobrang init nito.


Ang init!


"Mom..."


Ang boses na yon!


Naimulat ko bigla ang mga mata ko, sabay hanap ng nagmamay-ari ng tinig kaso wala akong ibang makita sa harapan ko. Wala kahit ni isa.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now