Chapter 28 Revelation: Forgiveness

4.1K 92 2
                                    

Chapter 28 Revelation: Forgiveness


***ANALINE POV***

PAGKAHILO, iyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ang paligid ko naman ay sobrang dilim, na hindi ko naman mawari kung bakit.


Huminga ako ng sobrang rahan, nakakaramdam kasi ako ng labis-labis na panghihina. Pilit kong pinakiramdam ang paligid. May naririnig akong ingay na parang isang aparato. At ang amoy ng paligid... masyadong pamilyar sa akin.


Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Sinalubong ng paningin ko ang puting kulay ng kisame. Nang tumingin ako sa kaliwa't kanan, ganoon parin. Hindi nagbabago ang paligid.


"This place..." Muli kong inilibot ang mga mata ko. Baka sakaling namamalikmata lang ako, kaso kahit anong gawin kong left and right na pagtingin, hindi nawawala ang ganitong paligid. "Bakit ako nasa... ospital?" ?__?


Sinubukan kong mag-isip kaso sumakit lang ang ulo ko.


Sobrang katalinuhan, ito ba ang magiging ending?! >__<


Ngali-ngaling batukan ko ang sarili, wala akong mapapala sa ganito. Ang mag-isip ng out of the world. Minasahe ko na lang ang noo ko para naman kahit papaano ay maibsan ang pagkahilo ko.


I look again at my surroundings. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Bakit ba kasi ako nandirito sa....


(Mom, may ibang sumundo sa amin... ang sabi niya busy ka pa daw...)


My eyes widened. Napabitaw ako bigla sa ulo ko. Kasi naman... muli ko na namang narinig ang boses ni Nathy.


(It's okay mom. Take care. I love you.)


Naririnig ko ang huling sinabi niya bago matapos ang tawag. Muling nakaramdam ng kaba at takot ang puso ko.


Nawawala pa sila!


"Nate.... Nathy... ang mga anak ko." nagpilit akong bumangon kahit ang totoo niyan ay labis-labis akong nahihilo at nanghihina. Hindi nga sana ako dapat na makaramdam ng ganito. Hindi naman kasi ako naaksidente e. Kung makaramdam ako ng panghihina ngayon parang daig ko pa ang nasagasaan ng sasakyan! >__<


Nang magtagumpay na akong makabangon, aksidenteng napatingin ako sa kamay ko. Kagaya nang dati, may bagay doong nakadikit at isa itong kahindik-hindik na bagay.


I gulp. It's a needle.


Amputiks naman! Hanubayan?! Bakit kailangan pang e-dextrose ako? Hindi naman ako malala! >__<


"Paano ko ba ito tatanggalin?" napabuga ako ng marahas sa sobrang frustration habang tinititigan ang kahindik-hindik na nakadikit sa pulsuhan ko.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now