Chapter 9 His Picture, Her things

4.5K 99 0
                                    

Chapter 9 His Picture, Her things


***ANALINE POV***

TARANTANG ipinasok ko ang ilang gamit ng mga anak ko sa travelling bag. Kailangan kong mailayo si Joshua sa mga anak ko. Natitiyak ko kasing kukunin niya ito sa akin. Tama na ang yaman namin na kinuha nila, kalabisan na kung pati ang mga anak ko.


"Mom... where are we going?" narinig kong tanong ni Nate. Kaso hindi ko pinansin nagpatuloy lang ako sa pag-impake. Ipinasok ko na ang lahat na pwedeng maipasok ko.


"Mom..." This time it's Nathy's voice.


Huminga ako ng sobrang lalim at hinarap ang mga anak ko. Niyakap ko silang dalawa ng buong higpit. "I love the two of you.... That's why I'm doing this...." I let go of them. Hinawakan ko ang pisngi ng dalawa. "Doon muna kayo sa States. Ha?"


"But Mom... Ayokong mahiwalay sayo..." Napapadyak na angal ni Nathy.


"Why Mom?... Don't you love us anymore?" may hinanakit sa mga matang tinitigan ako ni Nate.


Mabilis ang ginawa kong pag-iling. Hindi yun totoo. mahal na mahal ko silang dalawa. Maraming nangyari sa buhay ko... at sila lang ang nagbibigay lakas sa akin para lumaban dahil para sa kanilang dalawa ito.


Ginagawa ko ang lahat para sa kinabukasan ng dalawa dahil ayokong sila ang maghirap. Na sila ang papasan sa kasalanang ako gumawa.


"I love you so much.... I love the two of you... I'm doing this because I'm afraid that someone will take the two of you away from me..." Hinimas ko ang buhok nila.


Hindi ko matatanggap na kukunin ni Joshua sa akin ang mga anak ko. Meron na siyang anak kaya bakit inaalam niya pa ang sa amin? Hindi pa ba yun sapat, kaya feel niyang agawin ang mga baby ko?! >__<


"Mom..." napakurap ako nang damhin ni Nate ang pisngi ko. "Oras na hindi ka sumunod... hindi ako kakain don hanggang sa hindi ka dumating." =__=


"Baby Nate!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ugali kasi nito ang manakot tapos tutuhanin pa. >__<


"Promise Mom that you'll come... Promise that." Seryosong sabi niya.


Kapag ganito siya... wala na akong magagawa. I know him. Sasama ng husto ang loob niya sa akin oras na hindi ako sumunod.


I sigh. "Promise..."


"Mom..." It's Nathy, she hug me so tight. Nakiyakap din naman si Nate. Buti na lang, pinalaki kong mapagmahal ang mga batang ito.


"Annie, dear..." napatingin ako kay Tita Sabrina. Bakas sa anyo niya ang pagkabahala. Humingi ako sa kanya ng pabor. Siya muna ang mag-aalaga sa mga angel ko don sa America. "Are you sure about this?"


Desidedo na ako!


Kumawala na ako sa kambal. Marahan akong tumango kay Tita Sabrina. Para ito sa mga anak ko.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now