Chapter 23 School

4.3K 97 0
                                    

Chapter 23 School


***ANALINE POV***

"NATE nakalimutan kong ilagay ang twalya mo sa..." Hindi ko na natuloy ang pagpasok at pagsasalita ko nang magsisigaw ang batang ito. Example...


"MOM NAMAN! HUWAG KANG PUMASOK! BINATA NA AKO!" inis niyang sigaw habang nagtatago sa gilid.


"Pero nakalimutan kong..."


"MOM!" muling angal niya.


Bago ko nga pala makalimutan, nandito na kami sa bahay ni Tita Sabrina, dito kami tumutuloy, mahirap nang mahuli ni Nate Joshua. Matapos naming mamasyal, ito na kaagad ang next destination namin. Pinasok ko ang naliligong si Nate. Feel ko lang kulitin. You know na, bonding-bonding pag may time. Malay ko naman na sisigaw pala.


Lumabas na lang ng banyo matapos kong ipatong sa loob ang twalya. Hindi ko mapigilan ang matawa. Biruin niyo yun, nagagawa na niya akong sigawan tapos kung makatakip sa katawan akala mo kung sinong binata, e six years old pa lang naman.


Napapailing na muli kong sinulyapan ang nilabasan ko. Ang hirap ng ganito, iyong ipinanganak na matalino ang dalawa kong anak. Nag-a-advance kasi ang utak, maliban doon may mga bagay na hindi pa nila dapat malaman kaso nalalaman nila at naiintindihan. Kung pwede lang sana na tulad sila ng mga ordinaryong bata, na walang ibang gusto kundi ang maglaro ng maglaro. Ang e-enjoy nila ang kabataan hindi itong na-pre-pressure sila sa buhay nila ngayon.


Pero... may maganda din naman naidudulot ang katalinuhan, nakakapunta sila sa tamang lugar. Kung sakaling bobo ang dalawa tiyak na nasa kalagitnaan parin sila ng daan.


>__<


Sa tuwing maiisip ko ito, hindi ko mapigilan ang matakot. Ang dalawang angel ko, sila na lang ang meron ako ngayon. Pati na rin pala si Mama kaso wala naman siyang alam.


Aish! Ang hirap ng buhay. Ang lahat ng bagay ay komplekado! >__<


Lumabas na lang ako ng silid ngunit bago iyon, nag-iwan muna ako ng sweet message sa baby ko.


"Nate, nasa higaan na ang mga damit mo... pagkatapos mo diyan bumaba ka kaagad dahil sabay tayong kakain!"


"Thanks mom." ganting sigaw niya. Hindi naman ako magagalit e, kasi naman hindi kami magkakarinigan oras na bumulong siya.


Ikinibit ko na lang ang mga balikat, sabay layas. Tinungo ko na ang kusina, nakapaghanda na kasi ako, kanina pa. Nasa upuan na si Nathy, nauna kasi siyang maligo kesa kay Nate, ladies first daw e. Buti nga iyon, lalaking gentleman ang baby ko! ^__^v


Matapos ang ilang sandali sumulpot na si Nate. Kumain na kaming apat, syempre bago iyon nag-pray muna kami. Huwag na kayong magtaka kung bakit apat. Nasa bahay kasi kami ni Tita Sabrina kaya tama lang na apat lang talaga. Nakakahiya naman kung hindi isama si Tita.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now