Chapter 26 Missing

3.7K 91 0
                                    

Chapter 26 Missing


***ANALINE POV***

PANAY ang dasal ko nang nasa loob na ako ng sasakyan ni Nate Joshua. Hinila niya ako papasok with force. Kung itatanong ninyo kung nasaang parte na ako ng earth, hindi ko po alam basta panay ang takbo nito.


I bit my lower lip. I don't know what to do! Sana walang gapangan! Kakasuhan ko talaga ng rape. Sumpa yan! >__<


(Do you want to play a snowman...)


(Common lets go ang play.)


Napatitig ako sa phone kong hawak. Nagri-ring kasi ito at ang tumatawag ay ang anak ko. Paano ko nalaman? Inilaan ko talaga ang ringtone na ito para lang sa kanila. Sinagot ko ito.


"Hello?" ^__^


(Mom, may ibang sumundo sa amin... ang sabi niya busy ka pa daw.)


Si Tita Sabrina yata ang tinutukoy niya. Pero bakit hindi man lang niya tinatawag na Tita? =__=


"Yes... I'm so sorry if I can't accompany you for now... something bad happened." Kinidnap ako ng papa ninyo! Tsk!


Hanggang utak na lang muna ang reklamo ko, wala akong balak na ipaalam sa kanila ang totoo lalo na't katabi ko ang Nate Joshua na ito.


Pasimple kong tiningnan ang lalaking katabi ko. Abala ang mga mata niya sa daan.


=__=


(It's okay mom. Take care. I love you.)


Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sobrang lambing talaga ng baby ko.


"So do I... I love you too bab... Ay palaka!" nabitawan ko nang hindi oras ang phone ko dahil sa biglang pagpreno ni Nate Joshua.


Mabuti na lang hindi sumubsob ang mukha ko sa unahang parte ng upuan, naka-seatbelt ako e. Paano na lang kung hindi? E di papanget na ako! Naman e! >__<


"Ano ba ang problema mo?!" >__<


"Tss!" iyan lang ang isinagot niya at muli na namang nagpatuloy sa pagmamaneho.


Sira talaga! =__=


Kesa naman pansinin ko ang pagiging topakin niya, kinuha kong muli ang phone ko na ngayon ay nasa kandungan ko na. Sa kamalas-malasan naka-off na. I tried to open it kaso namamatay. Low buttery.


Ang malas naman! >__<


BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon