Chapter 46 Thoughts

3.2K 85 0
                                    

Chapter 46 Thoughts


***ANNA LIAN POV***

PINAGMASDAN ko ang larawan ng mga apo ko sa phone kong hawak. Matagal ko na itong nakuha, nang mga sandaling kasama ko pa ang mga ito. That time, nayakap ko pa sila, nahagkan at nakausap ngunit ngayon ay iba na, hanggang larawan na naman ako. Napakabilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang ang lahat.


Sunod kong inilipat sa panibagong larawan, ang picture ng anak kong si Analine. Nakangiti pa siya rito habang kumakain. Makikita mo talaga ang kasiyahan sa mga mata niya. Hindi kagaya ngayon.


I take a deep breath. Nahihirapan na ako sa kalagayan ng unica hija ko. Ang laki ng ipinagbago niya magmula ng mawala ang mga apo ko. Wala na akong ibang makita sa mga mata niya kundi lungkot, kalamigan, at paghihinagpis.


Lalo na kahapon, sobrang lamig niya. Alam ko na may nangyaring hindi maganda. Medyo maayos pa naman siya bago siya umalis ngunit nagbago ang lahat pagkabalik niya.


Nanghihinang inilapag ko ang phone ko, sabay sapo sa noo ko. Hindi ko na alam ang gagawin, o iisipin ko. Bakit kailangan na mangyari ang paghihirap na ito sa amin? Kung pwede lang sana na ako na lang ang pumasan ng lahat ng paghihirap niya.


Ang mga apo ko, masyado pa silang bata para danasin ang pagpapahirap na ito. While my daughter Analine, mula pa pagkabata, puro pasakit ang ibinigay ko sa kanya.


It's all my fault. Kung ipinaglaban ko lang ang mga apo ko noon, tiyak na hindi na hahantong sa ganito ang lahat.


Marahan kong minasahe ang noo ko. Gusto kong kalmahin ang sarili ngunit nahihirapan na akong gawin ito. Napakadaming problema, sa sobrang dami parang mababaliw na yata ako! >(>__<)<


"Drink this..."


Naiangat ko nang hindi sa oras ang paningin ko, may nag-iingay kasi. Sinalubong ng mga mata ko ang isang cup na may lamang... tea? Natitiyak ko na hindi ito coffee, iba kasi ang aroma.


"Until when are you going to stare at it?"


This time tumingin na ako sa nagmamay-ari ng kamay na humahawak sa tea. Hindi na ako nagulat sa nakita. Mula pa naman noon ay ganito na siya. Kapag sumasama ang loob ko idinadaan niya sa pag-inom ng tea ang lahat.


Siya ang dati kong matalik na kaibigan, na katunggali ng namayapa kong asawa sa pagpapasaya sa akin.


It's Esmeraldo Sandoval!


"Take it." he's so formal.


"Esmeraldo." Blangko ang anyong tinanggap ko ang ini-offer niyang inumin. "Sandoval."


Pansin ko ang paniningkit ng mga mata niya, bago siya umupo sa upuang hindi kalayuan sa akin. Isang tipid na ngiti ang itinugon ko bago ininom ang tea na ibinigay niya.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now