Chapter 27-The Crime

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hey hon,I'm sorry na.” hinawakan niya kaagad ang kamay ko ng mahabol niya ako. “Pumapayag na nga ako 'di ba?Kaya kausapin mo na ako.” dugtong pa niya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili na 'wag tumawa.Akala niya talaga siguro ay nagtampo o galit ako.

“Sige,pagtawanan mo lang ako Violet.” saad niya.

“Ang corny mo kasi.” natatawa kong sagot.

“Dahil pinapa-corny mo ako.” sagot niya rin.Natatawa din siya.Mabilis niya akong inakbayan at ginulo ang buhok.

“Mico naman.Baka may makakita sa atin oh.” mabilis kong saway sa kanya.

“Then let's get a room hon.” pilyo niyang saad at saka kumindat pa.

“Shut up Mico.” natatawa ko ring sabi.

Inihatid niya lang ako sa kwarto ko at pagkatapos ay lumabas na siya.At siyempre bago siya lumabas,mawawala ba ang goodnight kiss at mahigpit niyang yakap sa akin?

“Alam mo Mico,mahal na mahal ng mom ko ang kapatid niyang si uncle Ernie.Kaya nga kahit anong hinihingi niya noong nabubuhay pa parents ko ay ibinibigay sa kanya ng mga ito.” simula ko sa pagke-kwento habang binabaybay na namin ang daan papunta sa tiyuhin ko.Totoo naman kasi iyon.'Yon nga lang,naging dependent na ang pamilya ni Uncle Ernie sa amin.Pero noong namatay ang mga magulang ko,bibihira na lang humingi sila.

“Ganyan naman talaga kapag mahal mo ang pamilya Violet.Mahirap tumanggi.” sagot nito na nakatutok sa daan ang paningin.

“Pero naging malayo ang loob ko sa kanila.Nagsimula lang ng pinaslang ang mga magulang ko.Alam mo naman siguro kung paano sila pinatay ng mga hayop na iyon 'di ba Mico?Kaya masisisi mo ba ako kung napuno ng galit ang puso ko.Dahil kitang-kita ko Mico.Kitang-kita ko kung paano binaril ang mga magulang ko.” pakiramadam ko biglang nag-flashback sa isip ko ang lahat.

At dahil nandito na ito sinimulan ko na ang magkwento kay Mico.

Flashback

“Mom and dad,gusto ko po sanang magbakasyon sa Paris ngayong Christmas vacation together with my friends please.” pakiusap ko sa kanila.Nag-puppy eyes pa ako.

Binabaybay na kasi namin ang daan pauwi.Galing kasi kami ng party.Birthday party ni Uncle Ernie.Kaya medyo ginabi kami.

“Matatanggihan ko ba ang kaisa-isa kong anak?Of course you can my daughter.” hindi nagdalawang isip si daddy na payagan ako.

“Yehey!Thank you mom and dad.” masaya kong papasalamat sa kanila.

“Because we love you anak.” si mommy.Niyakap pa ako at hinalikan sa noo.

“I love you also mom and dad.” hinalikan ko sila pareho.

“Asos.Inuuto mo na naman kami ng mommy mo.” tukso ni dad sa akin.Sasagot pa sana ako ng may biglang humarang na sasakyan sa harapan ng kotse namin.Mabuti mabilis na naka-preno si daddy.

May mga bumaba na tao sa van na itim na humarang sa amin.Pumunta sila sa gawi namin.Mga naka-bonnet at naka-maskara ang iba.

At sa 'di kalayuan ay may napansin pa akong naka-motorsiklo na sumusunod sa van na ito.Naka-bonnet din ang sakay nito at mabilis na huminto.

“Baba!” sigaw ng isang lalaki matapos niyang basagin ang salamin sa bintana ng kotse.

Kaya nawala ang paningin ko sa taong naka-motorsiklo.Abot-abot ang kaba ko.Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.Nanginginig ako sa takot.

“S-sino k-kayo?...” nanginginig na tanong ni daddy sa taong ito na parang demonyo kung makangisi.

Madilim sa labas at walang may dumadaan ngayon dito.Marami pang punongkahoy at matalahib ang lugar.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon