15 - Sarahllia?

36 1 1
                                    

15th CHAPTER - Sarahllia?

Nagpaalam na si Rae kay Ellaine at dumiretso sya sa barkada nya. Nasa bar sila ngayon. "Dude! Why are you here? Mukhang may malaking problema ka ah?" tanong ni Mark, kabarkada nila. "Haha! Maybe super bored lang kaya nadaan dito." Patawang sabi naman ni John, blockmate ni Mark na friends din nila.

"Bro, what's the problem ba? Yung.. Sarah? Sarah ba yun?" Tanong ni Dylan kay Rae. "No! Bakit naman magiging problema ko yun?!"

"HAHAHAHHA!" Napatawa naman lahat ng barkada ni Rae. "Eto na ba yun? For the first time, nagambala ng isang babae ang utak ni Rae!!!" Huminga nalang ng malalim si Rae.

"Ezekiel.. Wag na nating ituloy ang flower shop." Nagulat si Kiel sa pahayag ni Sarah. "Bakit naman? Gusto mo bang ibang shop nalang baby?" Umiling si Sarah. "No.. Ayoko na. Sige, aalis na muna ako."

"Pupuntahan mo ba yung Rae na yun?"

"Bakit ba napasok sa usapan si Rae?"

"Sarah, nagseselos ako." Napatigil si Sarah. "Ano ka ba, Kiel? Ano bang pinagsasasabi mo?" Nilapitan sya ni Kiel at niyakap sya nito.

"Sarah...  Ayoko nang mawala ka pa sakin ulit.. Diba nangako ako sayo na kapag bumalik na ako dito, tutulungan kita?" Tumango nalang si Sarah. Bago kasi umalis si Kiel, nangako ito na tutulungan nya si Sarah na malaman ang identity nya.

"Tutulungan kita. Po-protektahan kita... Mamahalin kita. Kaya you don't need someone else. Hindi mo na kailangan ang Rae na yun."

"Kiel.. Pwede ba--"

"Ayoko na mawala ka sakin ulit. Kapag nawala ka sakin ngayon, wala na akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko." Bumitaw si Sarah sa pagkakayakap kay Kiel at umalis na ang dalaga.

"Ezekiel, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi sya ang fiance mo? Maaaring kamukha ny ito pero, hindi patay na si Sarahllia?" Napatingin si Kiel kay Ellaine. Yumuko na lamang sya at ipinikit ang mga mata nya. Naalala nya ang fiance nya dati.

***FLASHBACK***

"Sarahllia.. Mahal na mahal kita. Yan ang tatandaan mo." Bulong ni Kiel sa kanyang kasintahan. "Alam ko naman yun eh. Mahal na mahal rin kita, Kiel..." 

Biglang nag-ring ang phone ni Kiel. Tiningnan ito ni Sarahllia. "Si Sabrina? Bakit ka tinatawagan nyan, Kiel?" Agad na tinago ni Kiel ang phone nya.

"W-Wala to.. Hindi ko rin alam eh. Pabayaan mo na sya."

"Are you hiding something, Kiel?"

"Wala, baby. Magtatago pa ba ako sayo? Eh ikaw na ang fiance ko."

"Stop that, Kiel. Nahahalata na kita. Akala mo ba hindi ko alam? Pinagmumukha nyo akong tanga!"

"Baby. Don't think like that. Alam mong ikaw lang ang babae sa buhay ko." Umiwas nalang ng tingin ang dalaga ngunit tinitigan parin ito ni Kiel. Napaka-maamo ang mukha nya. Ngunit hindi nya alam na yun na pala ang magiging huling pagkikita nila.

***END OF FLASHBACK***

"Ellaine.. Kahit anong pag-alala ang gawin ko, it's still her. Si Sarah at si Sarahllia... I really think iisa lang sila. I'm sure sya yon. Lalo na't tinago ng Family nya kung nahanap ba ang bangkay nya o hindi. Ni-sila nga lang ang pwedeng pumunta sa burol at libing ni Sarahllia eh!"

"Matagal nang patay si Sarahllia, Hijo. Stop wasting your time like that." Agad na umalis si Ellaine kaya naiwang nag-iisip si Kiel. "Kahit anong mangyari, magiging akin ka ulit.. Sarahllia... Sarah."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her another Life. [Filipino] (On-Going)Where stories live. Discover now