6 - Friendly Date.

30 1 0
                                    

6th CHAPTER - Friendly Date.

[Hahaha. Why are you so mad at me? I already know where you live there in the Philippines, Vincent! Namiss ko narin umuwi dyan kaya maybe I'll visit you. Vincent, Vincent, Vincent.. Akala mo siguro matatakbuhan mo ako noh? Mag-iingat kayo lagi ha? Goodbye~ I missed you, Vincent Rae Friald.]

*End of Call*

Napahigpit ang hawak ni Rae sa phone nya. Halos madurog na ito sa sobrang galit. Bumaba si Sarah at nilapitan si Rae. "Rae, ayos ka lang ba?" Nagulat  ang binata. Tumayo sya at nagpaalam kay Sarah.

"Sarah, kailan ang uwi ni tita Ellaine?"

"Siguro next week pa, bakit?"

"Ah.. Wala, wala." Napaisip si Rae. Kailangan munang umalis ni Rae. May kailangan syang asikasuhin. Hindi nya ito masabi sa dalaga dahil ayaw nyang iwan ito.

"Rae... Kung may importante kang pupuntahan, ayos lang. Naiintindihan ko." Nginitian nalang ni Sarah si Rae kahit pilit. Tumango na lamang si Rae at nagpaalam na. "Uuwi na ako Sarah. I-lock mo ang pinto ng bahay nyo ah. Saka wag ka munng pumunta sa kung saan-saan."

"Opo. Haha. Goodbye, Rae."

"Goodbye, Sarah..."

~

After 2 Days...

Nagba-byahe ngayon si Sarah papunta sa simbahan. Gusto lang nyang bisitahin ang mga bata ngayon. Tutal mukha namang busy si Rae at walang oras para samahan sya. Hindi na nagpakita sa kanya ang binata. Hindi narin nagabala pa si Sarah na pumunta sa tirahan ni Rae dahil baka naaabala lamang nya ito.

Ilang oras ang nagdaan at lumabas na sya ng simbahan. Pauwi na sana sya ng biglang may sasakyan syang napansin na parang sinusundan sya.

Yumuko nalang sya at mas binilisan ang lakad nya papunta sa sakayan ng bus. Nagulat sya ng bigla na lamang syang harangan ng sasakyan. Kinakabahan si Sarah. Hindi nya alam kung anong gagawin ng taong nasa sasakyan.

Biglang bumukas ang pinto ng car at lumabas ang nakasakay.

"B-Bryan?!" Ngumiti si Bryan at lumapit kay Sarah. "Hello, Ms. Single." Napangiti na lamang si Sarah. Akala nya kung sino na ang sumusunod sa kanya. "Ikaw lang pala, Bryan." Napatawa ng mahina si Bryan.

"Bakit mag-isa ka nanaman? Buti nalang nakita kita." Nagngitian sila. Aalis na sana si Sarah ng bigla syang ayain ni Bryan.

"Why don't we have a dinner?"

"Umm.. Bryan kasi.. Ano eh..."

"I know, you don't trust me?" Nagulat si Sarah. Paano nalaman ng lalaki ang tingin nya rito?

"I study Psychology, same school kami ni Rae. Hahaha! Don't worry, it's alright. Naiintindihan naman kita, Sarah." Namula tuloy si Sarah. Nahihiya tuloy sya sa binata. "S-Sorry..." Ginulo ni Bryan ang buhok ni Sarah. "Ayos lang yun noh. Pero, kailangan mo akong samahan mamaya."

"Saan ba tayo pupunta, Bry?"

"We'll just eat dinner. Kahit sa mall nalang para maraming tao, gusto mo? Consider it as a.. Friendly date."

"Date?"

"Friendly date, Sarah." Tumango naman si Sarah. Nagdadalawang isip parin kasi sya. Pero tumango narin sya. Tulad ni Rae, niligtas rin naman sya nito kaya wala namang masamang mangyayari, diba?

~

Nagdi-dinner na ngayon si Sarah at Bryan. Nagkukwentuhan ng kung anu-ano.

"So, how did you meet Rae?" Tanong ni Bryan kay Sarah. "Paano ko sya nakilala? Hmmm.. It's funny. Kasi nung una ko syang makausap nuon, bigla kong naramdaman na hindi sya masamang tao. Tinulungan pa nga nya ako eh."

Kinuwento ni Sarah ang buong pangyayari kung paano sila nagkakilala ni Rae. Totoong nahihirapan si Sarah magtiwala sa mga tao. Pero ewan ba nya kung anong meron sa ugali ni Rae at napatiwala agad sya sa binatang yun.

"Oh.. Kung sa bagay, kung kakausapin at titignan mo naman si Rae, mukhang napakabait na tao talaga. Kaso, masungit. I know because sikat sya sa campus. Halos lahat ng tao dun kilala sya. May fansclub nga syadun eh." Nagulat naman si Sarah sa kwento ni Bryan.

"But I never heard of him having any girlfriend before." Parang natuwa si Sarah sa nalaman nya. Hindi rin nya alam kung bakit.

"But, anyway, Sarah... papayag ka namansiguro na ligawan kita, diba?" Nanlaki ang mata ni Sarah sa tanong ni Bryan. "H-HA?!!? Wag ka namang magbiro ng ganyan Bryan..." namula tuloy si Sarah.

"I'm not joking. Siguro na-Love at first sight ako sayo." Nailang na tuloy si Sarah. "Napaka-honest mo naman Bryan. Nasobrahan ka na ata sa pagiging honeest mo." Natawa si Bryan sa sinabi ni Sarah.

"Hahaha! You're so funny, Sarah. Anyway, uwi na tayo? Hatid na kita. It'll be dangerous kung mag-isa ka pa." Tumango na lamang si Sarah. Tama nga naman si Bryan. Mas maganda nang si Bryan ang kasama nito kesa sa kung sino pa.

Nasa sasakyan na sila ni Bryan. Nakatingin lang si Sarah sa may bintana. "Ito talagang si Rae, noh?" Napatingin si Sarah kay Bryan. "Iniwan ka nanaman. Diba sabi ko sa kanya wag iiwan ang isang tulad mo?" Napangiti nalang rin si Sarah. "Hindi naman sa ganun. Mag-isa lang talaga akong umalis. Ayoko kasing maging abala sa kanya."

"Ganun... Pero I'm glad nakita kita today. Nasa Japan daw kasi yang si Rae. Kaya rin siguro di ka nasamahan." Nagulat si Sarah sa mga narinig nya. "Nasa J-Japan si Rae?!"

"Oo. Kalat na kalat yung balita eh. Meski sa website ng campus namin sya ang trending dun. Nagpunta daw sya ng Japan." Parang nalungkot naman si Sarah. "K-Kailan daw ang balik nya? B-Bakit nandun sya?"

"Hindi ko rin alam, Sarah eh. Pero from what I know kasi, andun parents nya. Siguro pinuntahan nya. I'm not sure though kung kailan pa sya makakabalik." Tumango na lang si Sarah at tumingin ulit sa may window ng kotse.

Parang naiinis sya na nalulungkot. Parang may kirot sa puso ni Sarah and she can't explain it.

Umalis si Rae? Napakalayo ng Japan para makapagkita ulit sila ng binata. Bakit hindi man lang sila nakapag-usap bago umalis si Rae?

~~~

Author's Note: Grabety. Inulit ko pa yung Chapter 5 at itong chapter 6. Nagkandagulo-gulo kasi eh. HAHAHAHA! -.- Anyway, Vote and Comment ha. :D

- JustAnotherWriter7

Her another Life. [Filipino] (On-Going)Where stories live. Discover now