4 - Sarah.

23 2 0
                                    

Author's Note: Hello guys! Alam nyo bang lumalamon ako habang ginagawa to? Na-writer's block tuloy ako. HAHAHAHA. Paramdam naman yung iba dyan. Ireready ko narin ibang chapters habang hindi ako busy. Tapos saka ko na ipa-publish. Enjoy reading. :D

By the way, Si Ellaine ay yung kumopkop kay El. Magkaiba si Ellaine at El, okay? Baka malito kayo eh. Haha. This is just a short update.

- JustAnotherWriter7

~~~

4TH CHAPTER - Sarah.

 "Hijo, may pabor ako sayo. May out of town kasi ako next week para hanapin yung totoong anak ko. Hindi ko naman pwedeng isama si El dahil mas makakabuti kung dito muna sya. Baka ano pang mangyari sa kanya pag sumama sya sakin duon."

"Ganun po ba tita Ellaine? Hanggang ilang araw po kayo duon?"

"Siguro one week, Rae. Pwede bang bantayan mo muna si El habang wala ako dito? Tignan-tignan mo lang sya." Nagulat si Rae. Bakit sa kanya pinagkatiwala ang dalaga? "Hijo, ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko dito. Pero kung hindi ka naman pwede, edi--"

"Sige po tita. Babantayan ko po sya." Pinutol ni Rae ang sasabihin ni Ellaine. Ngumiti si Ellaine at nagpasalamat sa binata. No choice naman si Rae. Nang malaman nya kasi ang nangyari kay El dati, parang gusto nyang protektahan ang dalaga.

"Ellaine!" Sigaw ni El. Nakabalik na ito at may dalang bulaklak. "Oh. El, Hija, ano yang dala mo?" tanong ni Ellaine kay El. "Bulaklak po. Bumili kasi ako ng cat food ni Meow, eh may nadaanan akong Flower shop. Kaya naisipan kong bilhan ka ng bulaklak. Ang ganda kasi eh." Pangiting saad ni El.

" Ikaw talagang bata ka. Nag-abala ka pa. Salamat ha, El." Kinuha naman ni Ellaine ang mga bulaklak mula kay El. "Oh sya, El, next week na ang alis ko ha. Wag kang pupunta kung saan-saan. Alagaan mo ang sarili mo." Tumango naman si El kay Ellaine.

"Mauna na akong umuwi sa inyo dalawa, ha?" Tumango naman si El at Rae. Umalis na si Ellaine. "So... Anong plano mo ngayon, El? It's saturday." Saad ni Rae. "Edi ano pa ba? Sasamahan mo ako!" Nanlaki ang mata ni Rae kay El. "HA?! S-Saan nanaman? Next time nalang. Tinatamad ako eh."

Tinulak naman ni El si Rae paakyat sa kwarto nya. "Maligo ka na bilis! Sasamahan mo ako! Aantayin kita dito sa baba ha. Bilisan mo!" Napilitan nalang si Rae.

~

Nasa bus sila ngayon. Gusto kasi ni El na mag-commute nalang daw sila. "El, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Rae. "Sa mga anak ko." Bulong ni El. Nanlaki ang mata ni Rae.

May anak na si El? Hindi halata sa itsura nito. Mukha syang inosente at hindi mo talaga iisiping may anak na ito. Parang nalungkot si Rae sa nalaman nya. Parang may kumirot sa dibdib nya pero hindi na lamang niya ito pinansin.

Nakarating sila ni El sa isang simbahan. Nagtaka naman si Rae kung ano ang ginagawa nila dito. Ngayon lang rin nya napansin na may hawak si El na malaking box. "El, ako na magbubuhat nyan." Tumango si El at pinabuhat ang kahon kay Rae.

"Mommy!" Sigaw ng isang batang babae na 9 years old ang itsura. Lumapit ito kay El at niyakap sya ng mahigpit. Nagtaka naman si Rae. "14 years old ba tong si El nang mabuntis? Bakit parang ang tanda na ng anak nya?" Katanungan iyon sa isip nya Rae.

"Si mommy El oh!"

"Mommy El!!!!"

"Mamaaaaa!"

Nagtakbuhan ang 10 bata kay El at pinagyaya-yakap sya ng mga ito. Mukhang naliwanagan na si Rae. Hindi talaga ito mga anak ni El. Kundi mga bata sa ampunan at mukhang kilalang-kilala nila si El. Siguro madalas ang dalaga dito.

"Tara Rae, pasok tayo sa loob." Pagpasok nila ay binuksan ni El ang kahon at punung-puno ito ng mga damit at laruan. "Pasensya na kayo ha. Yan lang naiambag ko sa mga namimigay for charity." Pagpapaumanhin ni El.

"Okay na nga ito mommy eh. Madami ka nang naitulong samin. Sobrang dami na." Sabi ng isang bata. Medyo hapon na ng makaalis sila dun. Nagkwentuhan, tawanan at nakipaglaro pa sila sa mga bata.

Inakala pa nga nila na boyfriend ni El si Rae. Parang natuwa si Rae sa thought na yun. He was never addressed as someone's boyfriend.

"Paano mo nakilala yung mga batang yun?" Tanong ni Rae kay El habang kumakain sila sa mall. Niyaya kasi ni Rae si El na manuod sa sine tutal wala naman syang gagawin sa araw na iyon.

"Long story yun. Yun yung umalis ako sa bahay ni Ellaine para magikot-ikot. Napadpad ako sa simabahan na yun at ilang araw rin akong namalaagi dun kasama ang mga madre at mga bata. Inalagaan nila ako pansamantala hanggang sa matagpuan ako ulit ni Ellaine."

"Ikaw naman kasi, napaka-gala mo." Tumawa si Rae at pinalo sya ng mahina ni El. "Adik ka talaga." Maya-maya pa ay nanuod na sila ng sine. Comedy ang pinili ni El na palabas. Mahigit isang oras din sila tawa ng tawa sa palabas at nagdesisyon na silang umuwi na.

Naglalakad na sila sa exit nang tumigil si El at ituro ulit yung shop. "Rae oh. Diba ito yung shop nung nakaraan?" Tumango si Rae. "Hmmm... Sarah's Bags&Shoes..." Biglang may naisip si Rae.

"El! Gusto mo ba ng sariling pangalan?"

"Ha?"

"I mean, another name. Yang El kasi ay galing kay tita Ellaine, diba?"

"Ay.. Oo nga eh."

"How about this, I'll give you a new name."

"A new name?" Tumango si Rae at tinuro yung shop kay El. Tiningnan naman nya ito. "Sarah's Bags&Shoes? May nais ka bang bilhin dyan, Rae?" Ngumiti si Rae at inakbayan si El.

"From now on, you are Sarah."

Her another Life. [Filipino] (On-Going)Where stories live. Discover now