11 - Anger.

24 0 0
                                    

11th Chapter - Anger.

"Rae!" Tawag ni Sarah. May usapan kasi sila ni Rae na magkikita sila ngayon sa garden ng school.

"Oh my god. Did she just called our Rae?"

"Sino ba yang babaeng yan? Feeling close naman kay Papa Rae."

"Di naman kagandahan. Hindi nga sexy eh. Hindi papansinin ni Rae yan!"

Sari-saring bulungan ang maririnig sa paligid habang sabay na naglalakad si Rae at Sarah. Yumuko na lamang si Sarah habang naglalakad. "Wag mo nalang pakinggan yang mga yan." Napatingin si Sarah nang bumulong si Rae. "Naiinggit lang sila sayo, Sarah." Namula naman si Sarah.

"OMG! Nakangiti si Rae!"

"Ang pogi talaga! Foreverrrr!"

"Kinikilig ako girl! Ang gwapo talaga!!!!"

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa sasakyan ni Rae. Nakasakay na sa passenger's seat si Sarah. Sasakay na sana si Rae sa driver's seat ng biglang lapitan sya ng isang babae.

"Hi Vincent... Missed me?" Napatigil sa pagbukas ng pinto si Rae. Dahan-dahan syang tumalikod. "What the f*** are you doing here?!?!!" Sigaw nya sa babae. Ngumiti naman ang babae sa kanya. "Aw. Is that how you treat your babe?" Hinawakan ng babae ang kamay ni Rae.

Nanunuod lang si Sarah habang nakasilip sa bintana ng sasakyan. Tinted naman ang windows kaya hindi sya nakikita sa labas. "Babe? Babe your a**. I'm telling you this for the last time, stay away." Tinanggal ni Rae ang mga kamay ng babae.

"Why don't we have a date today, Rae? Dinner lang naman. Tara?" Maglalakad na sana ang babae papunta sa passenger's seat ng pigilan sya ni Rae. "No. Stop it, Sabrina."

"Haha! How dare you to reject me again, Vincent?! Ikaw rin. Kung ako sayo maghahanap na ako ng ibang paraan para mabuhay pa ang pamilya ko. Hahahaha! Oh well. You have my number, just call me kung gusto mo pang masalba ang pinaghirapan ng parents mo ha? Bye, babe. I love you." Nakatingin lang si Rae sa babae hanggang sa makaalis na ito.

"S-Sino yun, Rae?" Tanong ni Sarah pagkaupo ni Rae sa tabi nya. "She's nothing, Sarah. Don't mind her, okay?" Napatango na lang si Sarah. "Wait.. Nakita ka ba nya kanina habang magkasama tayo?" Pag-aalalang tanong ni Rae. "Ewan ko lang eh..." Huminga ng malalim si Rae.

"Sarah.."

"Oh?"

"Gusto kong alalahanin mo ang mukha ng babaen yun."

"H-Ha? Bakit naman, Rae?"

"If you see her, make sure to stay away from her." Napatango na lamang si Sarah. Tahimik ang byahe hanggang sa makarating na sila sa isang restaurant at dun na nag-dinner.

~

Papunta na ngayon si Sabrina sa bahay nya. Naisipan naman nyang guluhin ulit si Rae kaya tinawagan nya ito.

[What the heck do you need?!]

Sabrina: Vincent, babe, why are you so hot-headed pagdating sakin ha? Para namang wala tayong pinagsamahan.

[WALA TALAGA! Will you stop ruining my life?! Stop calling me!]

Sabrina: Hmm.. Bakit ang ingay ata dyan? Where are you? At... sinong kasama mo? Hahaha.

[It's none of your business.]

Sabrina: Ah. Ganun? Okay... Mag-iingat ka Rae ha. I'll never stop to make your life miserable. Hahaha! Good bye.

*End of call*

An evil smile formed on Sabrina's lips. Hinding-hindi nya titigilan si Rae. Lalo na't ngayon. She will never stop until he becomes miserable. "Humanda ka, Rae... Hindi lang ikaw.. Pero buong pamilya mo, pagsisisihan ang ginawa sa pamilya ko!"

~

Nasa bahay na ngayon si Sarah. Nagtataka sya kung anong nangyayari kay Rae kanina sa restaurant. After kasi nyang kausapin yung sa phone, bigla nalang nawalan ito ng gana.

"Sarah..." Napatingin si Sarah kay Kiel. "O-Oh. Kiel..." Umupo ito sa tabi nya. 

"Sarah.. These days napapansin kong madalas ka nang wala sa bahay. What have you been doing?" Halatang may galit sa mga mata ni Kiel. Mula kasi nang kupkupin ni Ellaine si Sarah, lagi lang syang nakadikit kay Kiel. Niligawan na nga sya ni Kiel dati pero hindi nya muna ito sinagot.

"May.. May pinagkaka-abalahan lang ako, Kiel.."

"Are you sure? Wala kang kasama?"

"Wala Kiel..." Napakastrikto kasi ni Kiel. At overprotective talaga sya pagdating kay Sarah. "So, that explains this?" Nanlaki ang mata ni Sarah sa inabot na litrato ni Kiel. Larawan ito nilang dalawa ni Rae habang nag-uusap sa garden ng school.

"T-Teka Kiel.. What's this? How did you get this? Saan mo nakita to?" Natatakot na si Sarah. Ayaw kasi ni Kiel na may ibang kasama si Sarah maliban sa kanya o kay Ellaine. "I hired a private investigator and bodyguards to watch over you.. secretly." Nagulat naman si Sarah sa ibinunyag ni Kiel. Natatakot sya ngayon.

"Kiel.. I'll explain. Please wag ka munang magalit. This is just a misunderstanding. Ayokong nagagalit ka." Halos pabulong na sabi ni Sarah. "Explain? Okay.. Sige, Sarah, iexplain mo kung bakit may kasa-kasama kang lalaki, na hindi ko naman kilala!!!" Tinapat ni Kiel ang larawan sa mukha ni Sarah.

"Explain this to me, Sarah!!! Ano to, ha?! Boyfriend mo ba to?!!?!" 

"No Kiel. Hindi ko--"

"So that's why you've been lying to me, huh?! And you even have another friend." Tumulo na ang luha ni Sarah ng itapon sa kanya ni Kiel ang iba pang larawan na nandun sya habang kasama nya si Rae at Bryan. "Umalis lang ako, nagkakaganito ka na?!?!!" Hindi na nya mapigilan ang mga luha nya dahil galit na galit si Kiel sa kanya.

"K-Kiel.. Kaibigan ko lang sila.. W-Wag k-kang magalit.. P-Please...." Hindi makapagsalita ng maayos si Sarah sa sobrang takot at sa mga luha na umaagos sa kanyang pisngi. Hinawakan sya ni Kiel sa braso ng napakahigpit. "A-Aray Kiel.."

"What?! Don't tell me, nakilala mo lang sila kung saan, tapos sumasama-sama ka na agad!!! S**t! F**k that, El!!!!!!" 

"K-kiel.. Hindi ganun. Please calm d-down... Please..."

"You can't just trust everyone in this world, El!" Kitang-kita ang galit sa mga mata ni Kiel. Ewan ni Sarah kung bakit nagkakaganun si Kiel. 'El' narin ang tawag sa kanya nito. Iniangat sya ni Kiel at lalo pang humigpit ang paghawak nya sa mga brase ni Sarah.

"Stop it! EZEKIEL JAMES RINCO!!! Sinasaktan mo na sya! Tumigil ka na!!!" Malakas na pagsigaw ni Ellaine. Parang nagising si Kiel at nawala na ang galit sa mga mata nya. Nakita nya ang umiiyak na Sarah sa harap nya. Binitawan nya ang mahigpit na pagkahawak nya kay Sarah. Lumuhod sya kay Sarah.

"Sh-S**t.. S-Sarah.. I'm sorry. Di ko sinasadya. Masyado akong nagpadala sa galit. I'm so sorry, baby. Stop crying please.. I'm very sorry..." Hinawakan ni Kiel ang dalawang kamay ni Sarah. Binawi naman ito agad ng dalaga at tumayo sya. "Sarah, saan ka pupunta?" Tanong ni Ellaine. Naglalakad na palabas ng bahay si Sarah.

"Sarah, don't leave me, baby please! Don't go anywhere!!!"

"Sarah, Hija, where are you going?" 

"LEAVE ME ALONE!!!" Nagulat si Kiel at Ellaine sa pagsigaw ni Sarah. Punong-puno parin ng luha ang mukha nya. "I need to be alone.... babalik rin ako." Tumakbo na sya palayo ng bahay. Hahabulin sana sya ni Kiel pero pinigilan ito ni Ellaine. "Leave her alone muna, you shouldn't have done that to her. We should talk, Ezekiel."

~

Author's Note: Hmmm.. Anyare kay EzeKIEL? Bakit nagkakaganyan yan? Kausapin nyo nga! Haha. Keep reading.  More twists sooooooon :D

- JustAnotherWriter7

Her another Life. [Filipino] (On-Going)Where stories live. Discover now