10 - Pinaka-cute na babae sa mundo.

55 1 0
                                    

10th CHAPTER - Pinaka-cute na babae sa mundo.

"Naalala mo pa  ba?"

"S-Sino ka? Wala akong.. Wala akong maalala."

"Hindi pa ito ang tamang panahon. Pero darating ang isang araw na maaalala mo ang dati mong buhay. At malalaman mo kung anong misyon ang nakalaan para sa iyo."

"Hindi ko maintindihan. S-Sino ka ba? Nananaginip ba ako?"

"Natutulog ka ngayon. Pero hindi panaginip itong pinaguusapan natin. Maaalala mo ang lahat sa takdang panahon. Mapalad ka, Hija, at isa ka sa mga nabigyan ko pa ng pangalawang pagkakataon."

 Dahang-dahang minulat ni Sarah ang kanyang mga mata. Hindi nya alam kung panaginip ba talaga yun. Hindi nya alam kung sinong kausap nya. Agad syang nagpunta sa banyo. Ayaw na muna nyang isipin ang boses na laging kumakausap sa kanya sa panaginip nya. 

~

"Saan ka pupunta, Sarah?" Tanong ni Ellaine dahil napansin nyang bihis ang dalaga at palabas na ng bahay. "Ellaine, may importante lang akong dadaanan. Babalik rin ako, promise!"

"Teka! Papano pag hinanap ka ni Ezekiel?"

"Sabihin mo nalang, m-may ginawa lang ako! About sa flower shop! Sige, byeee~" Dire-diretso na sa paglabas ng bahay si Sarah. 

Nasa garden ng university ngayon si Rae. Nakatunganga lang sya. Hanggang ngayon kasi iniisip nya kung papano nya sya makakatulong sa kumpanya.

"Rae..." Bulong sa kanya ng isang babae. Napalingon sya. "Sarah!" Ngumiti sa kanya ang dalaga. Hindi alam ni Rae pero sobrang saya ang nadarama nya nang magkita sila ng dalaga. "I-Ikaw ha... Iniiwan mo ako agad-agad. Pumunta ka pala sa ibang bansa. Ang daya nito!" sabay batok ni Sarah kay Rae ng mahina.

"Haha! Nagbalik na nga ako, batok parin ang sasalubong sakin mula sayo?" Patawang sabi ni Rae. "Hehe! May klase ka pa ba?"

"Wala na eh. Kakatapos lang ng last subject ko. Teka, anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Pinuntahan lang talaga kita."

"Paano mo nga palang nalaman na nasa ibang bansa ako?"

"Nung mga nakaraang araw kasi kasa-kasama mo si Bryan. Sa kanya ko nabalitaan." Kumunot ang noo ni Rae. Kasa-kasama nya yung Bryan? "Bakit ka naman sumasama du--"

"Sarah!" Napalingon si Rae at Sarah. Biglang dumating si Bryan. Yayakapin sana ni Bryan si Sarah nang bigla syang harangan ni Rae. "Hey hey hey! Rae! Nagbalik ka na pala. Sabi nila hindi ka na daw babalik eh. Natakot lahat ng fans mo. Haha." Pagbibiro ni Bry. "Hindi noh. I'd always come back here." Sabi ni Rae at tinitigan nya si Sarah.

"Anyway, let's eat dinner, Sarah?" Pagaaya ni Bryan. "Gusto ko sana, Bryan. Kaso baka makita ako ni--" 

"Teka, Bryan. May usapan kami ni Sarah eh. Sasama sya sakin ngayon. At magdidinner kami." Matigas na sabi ni Rae. Nagtitigan naman ang dalawang binata. Parang nagsusukatan ng tingin. Nagtaka naman si Sarah. Wala naman atang sinabi si Rae na lalabas sila ngayon ah?

"Edi, sasama nalang ako sa inyo. Siguro naman hindi yan couples date diba?" Ngumisi si Bryan. "C-Couple date?!" Namula si Sarah. "From what I know, Rae, you never date women. That's why I'm surprised na madalas mo atang kasama itong si Sarah nuong nakaraan." Tanong ni Bryan habang nakangisi.

"Bro, kung sasama ka, edi sumama ka. Hindi yung madami ka pang sinasabi." Biglang hinawakan ni Rae ang kamay ni Sarah at hinila ito parating sa sasakyan nya. Sumunod nalang si Bryan at sumakay narin sa sarili nyang sasakyan.

"T-teka Rae. Wala naman tayong usapan na magdidinner tayo, ha?"

"Nagde-date ba kayo ni Bryan habang nasa Japan ako?" Nagseryoso ang mukha ni Rae. Nag-isip naman si Sarah. Date nga ba yun? Pero sabi kasi ni Bryan, 'Friendly date' yun. Edi date narin. "Oo." maikling sagot ni Sarah. Huminga ng malalim si Rae.

"You shouldn't date that guy."

"Why? It's none of your business." Naiinis lang kasi si Sarah lalo na't biglang umalis itong si Rae ng walang paalam nung nakaraan. Kaya makikipagtalo nalang muna sya rito.

"It's none of my business? Sarah, ipinabantay ka sakin ni tita Ellaine nung wala sya rito. Of course it's part of my responsibilities. Ano nalang sasabihin ni tita Ellaine kung may nangyari sayo?"

"Sus, ikaw nga iniwan mo ako eh." Bulong ni Sarah habang nakatingin sa window ng sasakyan. Tumingin si Rae sa kanya. "What did you say, Sarah?"

"Wala. Sabi ko, mabait naman si Bryan eh. And he never left." Natahimik naman si Rae sa sinabi ni Sarah. Narinig nalang nya na huminga ito ng malalim. Nakarating sila sa isang restaurant. Tahimik habang kumakain silang tatlo. Biglang nag-ring ang phone ni Sarah. Napatingin na lang si Bryan at Rae sa kanya.

Sarah: Uh.. H-Hello?

[Baby, it's me. Where are you? Anong oras na ah. It's already pass 7pm.]

Sarah: Ay! Ikaw pala. May ginawa lang ako. Uuwi rin ako. May ginawa lang ako saglit.

[Anong ginagawa mo? Where are you? Tell me your location and I'll go there right away.]

Sarah: Hindi na. Wag na. Uuwi na ako. Hindi ko na napansin yung oras eh. I'm sorry.

[Good. I'll wait for you, Sarah. Uwi ka na ha. Ingat, Baby.]

*End of call*

"Rae.. Bryan.. Aalis na ako. Hinahanap na ako sa bahay eh."

"Hatid na kita!" Sabay na sabi ni Rae at Bryan. Natawa tuloy si Sarah habang masama ang titig nila sa isa't-isa. "Hindi na. Nakakahiya na eh. Salamat pala ha. Sige, alis na ako." Agad na umalis si Sarah, hinabol sya ni Bryan kaya humabol narin si Rae.

"Uy. Ano bang ginagawa nyo? Hehe. Ako na bahala. Sige na, umuwi na kayo. Sige ha." Ngumiti nalang si Sarah. Tinignan naman ni Bryan ang phone nya. Bigla syang humarap kay Rae. "Rae, ihatid mo na si Sarah. I've got something to do pa pala."

"Kahit naman hindi mo sabihin, gagawin ko talaga yun. Tabi nga dyan." Ngiting-wagi si Rae habang papalapit sya kay Sarah. "Dun mo sya ihatid sa bahay nya ah!!!" Galit na sigaw ni Bryan. Natawa nalang tuloy si Rae.

"Hey Sarah, sumakay ka na."

"H-Hindi na--"

"I insist. Sumakay ka na. Gabi na eh." Wala nang nagawa si Sarah at pumasok nalang sa sasakyan. "Rae.. Dun mo nalang ako ibaba malapit sa bahay ah." Tumango nalang si Rae. Bakit kaya? Nakarating na sila sa bahay malapit kay Sarah. Bumaba na sya at bumaba rin si Rae.

"Sarah.."

"Oh?"

"Your.. Your number.." Binigay ni Rae ang phone nya kay Sarah. "Ang number ko? Bakit naman?"

"Basta. As I've said, your my responsibility now for Tita Ellaine. Para lang macontact kita." Tumango nalang si Sarah at nagpipipindot na sa phone ni Rae at isinoli na ito sa kanya. "Sige Rae, ha. Salamat ulit. Bye-bye." Umalis na si Sarah at agad pumasok a bahay nya.

Nakauwi narin si Rae at agad binaksak ang katawan nya sa kama. Agad nyang naalala ang mukha ni Sarah. "Why are you always on my mind?" bulong nya sa sarili. Naisipan nyang tawagan si Sarah. Sinave nga pala ito ni Sarah sa phone nya. He started to search Sara'h name on his contacts.

"The heck?!" Wala syang makitang "SARAH" sa contacts nya. He scrolled the screen 'til the end of the list. At napangiti sya sa napansin nyang bagong number na nasave. Natawa pa sya ng makita nya kung anong name ang nilagay ni Sarah dun:

"Pinaka-cute na babae sa mundo ;)"

Her another Life. [Filipino] (On-Going)Where stories live. Discover now