13 - Ligaw.

15 2 0
                                    

13th CHAPTER - Ligaw.

"A-Ang lamig, Rae..." Bulong ni Sarah kay Rae. Agad naman umakyat si Rae para kuhan si Sarah ng kumot at unan. Bumaba sya at kinumutan na si Sarah. "Sarah, I'm gonna get you some medicines. Meron ako dyan sa kitchen. Saglit lang ha?" Tumango lang si Sarah.

Agad tumakbo si Rae sa kusina at hinanap yung medicine box. Hinanap nya agad yung gamot para kay Sarah at agad kumuha ng tubig. Bumalik sya sa living room. "Sarah!" Tumakbo sya papunta kay Sarah na nasa sahig. "Anong ginawa mo?"

"S-Sorry... Tutulungan sana kitang kumuha ng g-gamot.. Hehe." Nakangiti parin si Sarah. Hinawakan ni Rae ang noo nya at inaapoy sya ng lagnat. "Kaya mo bang tumayo Sarah? Let's go upstairs." 

"W-Wag. Dito nalang please.." Tumango nalang si Rae at inalalayan si Sarah para makahiga na sa couch. Muntikan nang tumumba si Sarah. Mabuti na lamang at nasalo sya ni Rae. "Dyan ka nalang sa foam. Mahirap matulog sa couch. Biglang binuhat ni Rae si Sarah. Yung bride style. At dahan-dahan nyang nilapag sa may kama sa baba ng couch. Kinumutan nya rin ito.

"Wait for me, okay? I'll make some soup." Ilang minuto lamang ang lumipas at agad bumalik si Rae dala-dala ang soup. "You don't need to take care of me, Rae..." Bulong ni Sarah. "Just eat this soup, okay?"

Natapos na sya at napainom narin ng gamot. Nakahiga lang si Sarah sa kama habang binabantayan sya ni Rae. Umupo sa tabi nya si Rae at lumapit rito. "May gusto ka bang kainin, Sarah?" Umiling si Sarah at tumango si Rae. "Dito ka lang.." Bulong ni Sarah kaya naman nanatili si Rae sa tabi nya.

"Manunuod lang ako ng TV dito, tulog ka na." Sambit ni Rae. Tumango nalang si Sarah. Ilang minuto lang ay pumipikit-pikit na ang mata ni Rae. Inaantok na sya pero nilalabanan nya ito. Gusto nyang bantayan ang dalaga.

Dumating na ang umaga. Hindi parin dinidilat ni Rae ang mga mata nya kahit gising na sya. Ang sarap kasi ng tulog nya. Para bang baby na napakahimbing ng tulog habang may yakap-yakap.

Ganun rin naman si Sarah. Parang wala na yung sakit nya at niyakap pa nya lalo yung unan habang nakapikit sya. Dahan-dahan nilang minulat ang mga mata nila...

"AAAAAAHHHHHH!!!!" Sabay na pagsigaw nilang dalawa kaya napatayo si Rae at lumayo naman si Sarah. "BAKIT KAYAKAP KITA?!"

"Aba! Malay ko!" Tatayo na sana si Sarah ng biglang, "Aray!!!" Napahawak sya sa magkabila nyang braso. "Anong nangyari, Sarah? Let me see." Itinaas ng kaunti ni Rae ang sleeves ng shirt ni Sarah at nakita nya ang mga pasa dito.

Agad namang ibinaba ni Sarah ang sleeves ng shirt nya at umiwas ng tingin kay Rae. "What was that, Sarah? Sinong gumawa sayo nun?"

"That was nothing, don't mind me."

"How can this be nothing? Medyo malaki yung pasa mo oh.."

"T-Teka! Ano bang nangyari kagabi ha?! Bakit andito ka sa tabi ko?!"

"Aba malay ko ba. Nanunuod kasi ako ng TV at nakaupo ako dyan sa tabi mo. Malay ko bang makakatulog ako. Sus." Tumayo nalang si Rae at lumayo. Si Sarah naman ay dumiretso na sa banyo.

Natapos narin silang kumain ng breakfast. Naisip naman ni Sarah na magdilig ng halaman dun banda sa gate. "Anong ginagawa mo?" Kunut-noong tanong ni Rae sa dalaga. "Nagdidilig. Obvious naman diba?" Pagtataray ni Sarah. "Bawal kang magpagod. Mamaya magkasakit ka nanaman."

"So what? It's none of your business, Rae."

"Ah ganon?" Kumuha ni Rae ang hose at binasa ang mukha ni Sarah. "AHAHAHAHAHAHA!!!" Malakas na pagtawa ni Rae. Sumama naman ang titig sa kanya ni Sarah. Dahan-dahan nyang nilapitan si Rae at inagaw ang hose.

"Aaaaah! S-Sarah tama na! Basa na ako!" Sigaw ni Rae dahil basang-basa na sya. "Hahahaha! Buti nga sayo Rae! Mukha ka tuloy basang sisiw!" 

"Grabe ka talaga! Pasalamat ka may sakit ka kung hindi mas basang sisiw ka pa sakin." Pinunas-punasan naman ni Rae ang sarili nya at napatitig sa kanya si Sarah. Eh kasi naman, naka-white tshirt si Rae kaya nung nabasa, medyo nahalata yung body nya. Bigla namang namula si Sarah at umiwas ng tingin.

"Magbihis ka na nga, Rae!"

"Ayoko. Binasa-basa mo ako tapos magsisisi ka? Haha!"

"E-Ewan ko sayo!" Ramdam na ramdam ni Sarah ang pamumula ng mukha nya kaya itinuon nalang nya ang pansin nya sa mga bulaklak sa garden ni Rae. "Dapat inaalagaan mo to Rae oh. Sayang naman kung mamamatay lang."

Lumapit naman si Rae at tinignan rin ang bulaklak. "Andyan naman ang mga maids para diligan yan eh."

"Pero diba, iba parin kung ikaw mismo ang mag-aalaga?" Nagkatinginan naman sila ni Sarah at panandaliang tumigil ang oras para sa kanila.

"SARAH!" Napalingon naman si Sarah at Rae sa sumigaw. "K-Kiel!" Napatayo si Sarah. Nakita nya si Kiel kasama nito si Ellaine. Kaya siguro nalaman kung saan sya nagpunta. "Sino yan, Sarah?" Pagtataka ni Rae.

"P-Pamangkin ni Ellaine..."

"Yung kasamang nagligtas sayo?" Tumango si Sarah kay Rae at bahagyang nagtago sa likod nya ang dalaga. Tinitigan naman ni Rae si Kiel. "Rae, natatakot ako." Bulong ni Sarah kaya naman nilapitan ni Rae si Kiel.

"Sarah, let's talk. It's about last night. I didn't mean to--"

"TITA ELLAINE! Kamusta ka na?" Napatigil si Kiel sa pagsasalita sa biglang pagsingit ni Rae. "Okay naman, Hijo, naparito lang kami kasi nawala si Sarah. Mabuti na lang at kasama mo sya. Salamat ha?" 

"Wala yun tita. Alam mo namang basta si Sarah eh." Nagbigay ng mapang-asar na ngiti si Rae kay Kiel. Namula naman si Sarah. "Sarah, Hija, dito ka ba muna? Pupunta kami ng mall gusto mo ba sumama?" Umiling nalang si Sarah kay Ellaine.

"Oh sige, Oh, kayo Rae, Anong gusto nyong pasalubong ni Sarah at dadalhan ko nalang kayo dito mamaya." Napangiti naman si Rae kay Ellaine. Kahit kailan talaga ay napakabait nun. "TEKA NGA LANG!" Napatigil silang lahat sa pagsasalita ni Kiel.

"I came here to take El-- I mean, Sarah back. Sarah, let's go home. We'll talk. I'll apologize to you, okay?" Mahinahon na sabi ni Kiel. Tumango nalang si Sarah. "No. Tita Ellaine. Dito lang si Sarah sakin." Hinawakan ni Rae ang kamay ni Sarah. Nagulat nalang sya.

"Osige Hijo, dadalhan ko nalang kayo--"

"NO! Sarah, you'll go with us." Nagkakasukatan sa tingin ngayon si Rae at Kiel. Huminga ng malalim si Rae.

"You know what, Tita Ellaine knows me. Kilala nya ako at si Sarah, may trust rin sya sakin. I don't see anything wrong kung sa akin nyo ipapaubaya si Sarah. Alam nyo bang kagabi kung hindi ko sya nakita, baka kung ano pang nangyari sa kanya sa labas."

"Pinapahaba mo pa eh. Ano bang punto mo?!" Naiinis na si Kiel kay Rae.

"Tita Ellaine." Mahinang sambit ni Rae. "Yes, Rae?" pagtatanong ni Ellaine.

"Liligawan ko si Sarah."

Her another Life. [Filipino] (On-Going)Where stories live. Discover now