"I can't sleep Jas" napailing nalang ako sa sinabi niya. Nagsuot ako ng tsinelas at tumayo.

Tinignan ko si Ate Pin at tulog na tulog ito.

"Come let's go" sabi ko sakanya at lumabas kami.

Habang naglalakad kami ay nakakarinig kami ng ingay. Napalunok ako.

"Jade ano yon?" mahina kong bulong sakanya. Napahawak pa ako sa kamay niya.

"Hindi ko din alam, Jas. Do you remember yung kwento satin ni Jerem. Marami daw talagang mumu sa barko" napakunot ang noo ko.

"Naniniwala ka kay Jer?" natatawa kong sabi pero napatalon ako nung nakarinig kami ng ingay ulit.

Mukhang maniniwala na ako kay Jerem.

Nakita naming bukas ang ilaw sa bar.

"Want to check?" mahina niyang bulong sakin pero pinanlakihan ko siya ng mata.

"Let's just go back" sabi ko at hinihila na siya pabalik. Pero ayaw niyang sumama at nakatingin pa din doon.

"Hindi rin tayo makakatulog. Might have some adventure.." napanganga ako sa sinabi niya.

Hinila niya ako at kahit anong pigil ko ay ayaw magpapigil nito.

Pumasok kami sa bar at napabuntong hininga ako sa nakita ko.

"Bro! Talo na si David!" Narinig kong sabi ni Josh. Si David, Dylan at Josh ay umiinom. Close na talaga sila.. I wonder bakit hindi ko napansin na sila pala ang magkaka sosyo.

Tumalikod si Jade at aalis na sana pero nagulat ako nung tawagin siya ni Josh. Pati ako ay tinawag din.

"Hey" bati ko at ngumiti. 

"Sige.. tuloy niyo na yan" sabi ko at hinila na si Jade pero tinawag ako ulit ni Josh.

"Can't sleep?" tanong niya. Lumingon na din si Jade. 

"Yup" sabi ko at mapaklang ngumiti. Randam ko ang init ng titig niya sa akin.

"Dito muna kayo" sabi niya pero nag dalawang isip ako. Pero I don't have any reasons to say no so unti unti ay lumapit kami doon.

"Jas" narinig kong tawag ni Jade sa akin at naalala ko si David.

"Tulog naman siya" sabi ko at ngumuso siya. Umupo ako sa sofa doon at ganon din si Jade.

"We were just having a game. Patibayan sa pag inom. David slept on us" natatawang kwento ni Josh. Nakita kong napatawa din ng mahina si Dylan.

"Tara.. let's help David to go to his room" sabi ni Josh at mabilis naman kaming tumayo ni Jade. Inalalayan nila si David at halatang tulog na tulog ito. 

Tuwing parang mahuhulog siya ay parang gusto siyang tulungan ni Jade pero nagpipigil lamang siya.

Narating namin ang kwarto ni David at pinasok namin siya sa kwarto. Natigilan kami nung makita namin ang frame sa bed side table niya. Kinuha iyon ni Jade.. picture niya iyon. Nag gulat ako nung mabitawan yon ni Jade at nabasag iyon.

"Jade? Bakit may.. I mean that picture.. ikaw yan diba?" tanong ni Josh pero hindi makasagot si Jade. Napatingin ako kay Dylan at nakita kong walang emosyon sa mukha niya. Sigurado akong may alam siya. 

"A-ako na mag aayos nito. A-ako ang n-nakabasag. It's okay." tumango ako at hinila si Josh at Dylan palabas ng kwartong iyon. I saw Jade's eyes. Naluluha na siya, I don't know what happened between them but I know that its something serious.

"Jas! Bakit iniwan natin si Jade don! She is a girl for people's sake!" naiinis na sabi ni Josh at nagupumilit pumasok pero pinigilan ko siya.

"Josh! Lasing si David wala siyang gagawin kay Jade at isa pa, she is a responsible girl. Dumi ng utak mo. Can't you see.. she needs to fix something. Bumalik ka na nga sa kwarto mo" ginamitan ko siya ng boses ko tuwing pinapagalitan ko sila. I am still the third eldest sa aming mag pipinsan and they know when to follow me.

Bumuntong hininga ito at hinalikan ako sa noo. 

"Goodnight Jas" sabi niya at tumalikod na sa akin. Tumungo na siya sa kwarto niya.

Nagulat ako nung hawakan ni Dylan ang noo ko at pinahid iyon ng dahan dahan. Napaawang ang labi ko.

"I know it's wrong.. to get jealous. I know he is your cousin but I can't help it" seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung epekto ba to ng alak o ano.

Nababaliw na ba siya?

"Uh.. you should rest now" sabi ko at ngumiti sakanya. 

Ipinatong niya ang noo niya sa noo ko at napapikit ako dahil doon. My heart.. this man will be the death of me.

"Damn.. you are so beautiful." napakagat ako sa ilalim kong labi sa sinabi niya.

"I love you Jasmine" ngumiti ako sa sinabi niya at hinawakan ko ang mukha niya. Hinaplos ko ito at tinignan ko siya sa mga mata niya. Mapupungay na ang mga ito at halatang inaantok na siya.

"I love you too.. so much" mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya. Ngumiti siya sa akin at naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. 

Hindi dahil sa sakit o dahil sa kalungkutan kung hindi dahil sa kasiyahan. Sobrang saya ko.. sana ay ganito nalang. Dito nalang kami.. kung pwede lang.

"Why are you crying" hinaplos niya ang mukha ko at pinahid ang luha ko. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. 

Umiling ako at tinignan siya muli sa mga mata niya.

"Nothing.. I am just so happy" sabi ko sakanya at yinakap niya ako. Yinakap ko din siya..

I felt his warm hug. Like his life depended on it. 

"I am.. I am also happy" lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

This happiness is worth fighting for. I am ready.. I am ready to fight for this.

Facing The Legacy (FS # 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن