Ang Labanan

20 2 0
                                    


" Kamahalan! patawad!!! ngunit hindi namin nagawang madakip si Marindok...sapagkat hindi po ito nag-iisa kasama po nito ang kanyang kawangis at ang dalawa pang magkawangis at isang nakakatakot na halimaw,ngunit patungo po sila sa direksiyon natin..."
wika ni Lagit...
na nakayuko at nanginginig na sa kaba.

" mahusay!!! kung ganoon ay magkakasama na ang mga kambal...? "
tugon nito na napahalakhak pa sa balita...

nagkatinginan naman ang dalawang tagasunod at napatawa na din...
pero ng huminto sa pagtawa si Dalisay ay tanging tawa na lang ng mga ito ang naririnig...
huminto naman din ang mga ito ng mapansin na tinitingnan na sila ng masama ni Dalisay...

" patawad kamahalan! "
sabay na saad ng dalawa...

" humayo kayo at dalhin sila sa akin..isama ninyo ang lahat ng mga alagad ko...at huwag kayong babalik ng hindi sila kasama!!! Maliwanag???"
maotoridad na utos nito...na hindi maikubli ang kagalakan...

at inipon nga ng mga ito ang mga alagad ni Dalisay...
at nag-umpisa ng humayo patungo sa kinaroroonan ng mga kambal...

SAMANTALA...

sa paglisan pala nina Amnesio ay may nakakita sa kanilang hunters...at nagtawag pa ito ng kasamahan at sinundan sila...

napag-alaman naman ito nina Ruth at nagpasyang sundan ang mga humahabol na hunters...

ang rinig kasi nila ay nakita ang halimaw kasama ng ilang salamangkero...

__------_----_--_

bagaman nakalayo na ang grupo nila Amnesio ay patong-patong na ang panganib..
bukod sa hnaghahanap sa kanila na Hunters ay patungo na din ang kampon ni Dalisay sa pamumuno ni Lagit at Banawak...

" nakasunod pa rin ba sa atin ang mga Hunters Amnesio? "

" hindi ko na sila nakikita,subalit sigurado ako na sinunsundan parin nila tayo...kaya't kailangan natin na makalayo at makalabas dito sa kagubatan Caliex!..."

" Sandali mga kasama...may mga naririnig akong mga yabag ng mga kabayo sa unahan natin..hindi to maaari!,mga alagad ni Dalisay!!! "
ani Marindok...

" ang mga Hunters,natatanaw ko na sila palapit na sila rito! anong gagawin natin?..."
saad naman ni Caszil...

kahit saan sila tumakbo ay wala ng pag-asa na makakatakas sila at hindi sila makikita ng bawat panig ng naghahabol sa kanila...

" kailangan lumaban,humanda kayo mga kasama..."
sigaw ni Amnesio...

at nagpang-abot na nga ang kanilang mga kalaban...ngunit sa halip na sila ang puntirya ng mga hunters ay ang alagad ni Dalisay ay kanila din na kinalaban...

mga sigaw ng pakikipaglaban,mga nagpipinsingang mga sandata...
mga hiyaw ng sakit at kamatayan ang pawang naririnig sa lugar ng labanan...

lahat nais magwagi,lahat gustong mabuhay...

maging ang grupo ni Amnesio ay nakipaglaban...

at dumating na din ang grupo nina Ruth at nagkita-kita na nga sila...pero hindi sila dapat magsaya dahil kailangan nilang makipaglaban...

bagaman nakikipaglaban ay umaabanti ang mga bida sa unahan para tuluyang makalayo sa labanan..

na siya namang nangyari..
ngunit nagawa man nila ang makaabanti ay may ilan paring kalaban ang kumalaban sa kanila...

at isa doon sina Banawak at Lagit...

naging matindi ang labanan sa pagitan ni Banawak at Marindok..
si Lagit naman at si Caliex...
samantalang ang iba ay sa ibang kalaban nakikipagtunggali...

sa bandang huli ay natalo ni Lagit si Caliex...at nahawakan sa leeg...

nagpumiglas si Caliex subalit nakatutok rito ang patalim ni Lagit...

natapos ang labanan sa pagitan ng ating mga bida at nina Lagit at Banawak ng bihag ng mga kalaban si Caliex.

matapos niyon ay bumalik na kay Reyna Dalisay ang mga kampon nito...
dala si Caliex...

habang naglalaban parin ang ilang hunters at alagad ni Dalisay ay nakalayo na ang ating mga bida na pilit na sinundan sina Lagit at Banawak dala si Caliex...

" anong gagawin natin? bihag nila si Caliex!..baka kung anong gawin nila rito!.."
hapong turan ni Samantha...

" sa ngayon nasisiguro ko na hindi pa nila sasaktan si Caliex,dahil kailangan pa ni Dalisay si Caszil at maging kayo Amnesio kailangan nila kayo para sa gagawing pag-aalay para mas maging malakas ito.."
saad ni Ruth sa mga kasama..

" anong ibig mong sabihin Ruth? "
takang tanong ni Amnesio...

at ipinaliwanag nga ni Ruth ang lahat ng kanyang nalalaman...

" sa ngayon ay kailangan muna natin na magplano-"
hindi natapos ni Ruth ang sasabihin ng biglang dumating si Danaya...

at ibinalita nito na nais ng Reyna Anastacia na dalhin sa Engkantasya para makita ang mga kambal..
dahil magagawa ng Reyna na baliin ang sumpa sa mga dayo para makabalik na sila sa panahon na kanilang pinanggalingan...

ngunit hindi na iyon magagawa pa ng Reyna dahil bihag na ni Dalisay ang isa sa kambal...

------__-------__

" Mahal na Reyna narito na po sila!.. "
buong galang na turan ni Danaya...

tumayo ang Reyna sa kanyang Trono para lapitan ang mga bisita..

at ipinabatid nito ang sanang paraan para mapaso ang sumpa ni Dalisay para makabalik na ang mga dayo sa kanilang tunay na panahon...

at gamit ang kanyang kapangyarihan ay binalik ni Reyna Anastacia si Litisha sa anyo nito gamit ang hawak na baston...

at tinuon muli ang atensyon sa mga kambal...
ngunit ng hanapin niya ang kakambal ni Caszil ay wala ito...

doon lang nila pinabatid sa Reyna ang nangyari,na bihag ni Dalisay si Caliex...

ng biglang isang uwak ang dumapo sa may bintana at nagsalita...

at boses ito ni Dalisay...

ITUTULOY.....

_---_-----_----_

malapit na ang pagtatapos...
kaya patuloy niyo pa sanang basahin hanggang sa katapusan...

thank you...

wag kalimutang mag vote...
:)
hehe...v

Dream of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon