ang hiwaga ng maliit na kahon

68 5 0
                                    

ng makauwe si Caszil sa barung-barong na tirahan ay agad nito na sinalin ang hininging kaunting pagkain sa pinagtatrabahuan na restaurant...
mabuti na lamang at mabait si Digna ang kanilang head cheff at talagang pinagtatabi siya nito ng pagkain para madala niya pag-uwi...batid kasi nito na ulila na siya at mag-isa na lamang na itinataguyod ang kanyang pag-aaral...

ng maihanda ang dalang pagkain ay kumain na ito...
matapos kumain ay binuklat ang ilang mga notes para mag-aral...
at bigla niyang naalala ang maliit na kahon na binigay ng matanda...

ipinatong muna niya ito sa ibabaw ng lamesa at tinungo ang lagayan ng mga damit,kukuha pa lang ito ng pampalit ng mapansin ang kahon sa lamesa na nagliwanag...
ng lapitan niya ito ay nawala na ang liwanag mula sa loob ng kahon...
kung noong una ay hindi niya ito magawang buksan ngayon ay nabuksan na niya ito...

at may isa pang mas maliit na kahon at isang susi sa loob nito...

"kakaiba naman,ang weird! ano kayang laman nito...?"
tanong ni Caszil sa sarili..

kinuha nito ang susi at ang maliit na kahon at akmang bubuksan na ito ng may mapansin siyang nakasulat sa loob ng mas malaking kahon...

" balikan ang lumipas at baguhin ang hinaharap..."
ano naman kayang ibig sabihin nito...

at binuksan na nga nito ang maliit na kahon pero pagtingin niya rito ay wala naman itong laman...
binaliktad pa niya ito pero wala talaga itong ano mang laman...
napansin niya ang nakasulat pa sa loob ng mas maliit na kahon...
binasa niya ito,nakasulat ito sa ibang linguahe kaya't hindi niya ito naintindihan...
"ano ba iyon?..ang weird talaga ng matandang iyon..."
napakamot na lang si Caszil sa ulo niya...
at inilagay na lamang nito sa tokador ang mga maliliit na kahon...at humiga na para matulog...

hindi na napansin ni Caszil ang muling pagliwanag ng kahon...
dahil nakatulog na ito...pati ang pagkulog at pagkidlat ay hindi na nito namalayan...

SAMANTALA.....

patungo si Caliex sa Mansion ng kanyang lolo at lola,tumawag kasi ang mga ito at pinapapunta siya ng mga ito sa mansion...
ng biglang kumulog at kumidlat...

sa isip ni Caliex na baka may bisita na naman ang mga ito at irereto na naman sa kanya ang anak ng kanilang bisita...
sanay na siya sa ganoong eksena...
ilang beses na ba na ginawa ng kanyang lolo at lola ito..
siguro ay higit sampo na..
hinaing ni Caliex sa sarili
pero nagagawan niya ito ng paraan para ang babae na mismo ang umayaw sa kanya...minsan nga nagpapanggap pa siya na binabae,at dinidiscourage ang mga ito para lang umayaw at lubayan na siya ng mga ito...
wala na itong pakialam kung natsitsismis pa siya...

ayaw lamang niya na magalit ang matatanda sa kanya...
kaya napipilitan siyang sundin ang mga ito...

pagkapasok ng minamanehong sasakyan sa garahe ng mansion ay tumungo na si Caliex sa loob ng mansion...
nadatnan niya ang dalawang matanda na may kinakausap...
at tulad ng hinala niya may ipapakilala na naman ang mga ito sa kanya...

binati ni Caliex ang dalawang matanda at ipinakilala naman ng mga ito sa kanya ang bisita nito...
at maging ang anak na dalaga ng mga ito...
na agad naman na ngumiti sa kanya...

"ikinagagalak ko po kayong makilala Mr and Mrs.Cruz,masaya din akong makilala ka Samantha!..."
magalang na bati nito sa bisita...

ilang sandali lamang ay sabay-sabay sila na nagDinner...

tahimik lamang si Caliex at Samantha habang nagkukwentuhan ang iba pa...
panay business at tungkol sa mga ari-arian lang naman ang topic ng mga ito...

humingi ng pahintulot si Caliex na magtutungo siya sa labas para magpahangin since tapos na din naman ito sa pagkain...
niyaya naman niya si Samantha para sumama sa kanya...na hindi naman nito tinanggihan...
ginawa lamang niya ito para matuwa ang lolo at lola niya...

sa harden ng Mansion ay umupo si caliex sa damuhan at tumabi naman sa kanya ang dalaga...

tumingin si Caliex sa kalangitan at tsaka nagwika...
"akala ko uulan,kumulog at kumidlat kasi kanina..."

"kumulog at kumidlat pala? parang hindi ko naman napansin.."
wika ni Samantha na nakatingin sa gawi ng binata na nakatingala naman sa kalangitan...

"ang weird naman,ako lang pala ang nakapansin ng pagkidlat!..."
patawang wika ni Caliex...

"baka hindi ko lang siguro napansin"
nahihiyang sagot ng dalaga...

ilang minuto din na tumahimik sa pagitan ng dalawa...
ng muling magsalita si Samantha...

"ahm..Caliex anung sea creatures ang pogi?"

"ha?"
takang tanong ni Caliex...

"eh di pogi-ta"
dugtong ni Samantha...
at tumawa...

doon lamang nakuha ni Caliex na nagjojoke pala ito...

bahagya naman siyang napangiti ng mapagtanto ito...

madami pang joke si Samantha na kinatawa ni Caliex...

pero naputol ang kanilang tawanan ng dumating ang mga magulang ni Samantha at nagpaalam na ang mga ito na uuwe na...

matapos makaalis ang mga ito ay tinungo na din ni Caliex ang kanyang silid sa Mansion...

at binagsak ang sarili sa kama...
ilang sandali lang ay nakatulog na ito...

hindi na nito namalayan ang muling pagkulog at pagkidlat...





Dream of the PastWhere stories live. Discover now