hinagpis

47 2 0
                                    

muli ay nagising ang kambal sa nakaraan...

paggising pa lang ni Caszil ay iba na ang pakiramdam nito...
ito ang alaalang hindi nito nais balikan...

taong 2003
ito ang taon na pumanaw si Carmela ang kanyang ina...

" Aleng Titay si Mama po nakita niyo? "
tanong ni Caszil sa kanilang kapitbahay ng hindi niya makita ang ina...

" nakita ko na may sumundo,sumakay sila sa kotse!"

" po? sino po? tsaka saan po sila pumunta?

" ay naku! hindi ko alam,basta patungo sila sa direksiyon na iyon..."

ng malaman ang direksiyon ay agad na pumara ng tricycle si Caszil para hanapin ang sinasabing kotse ni Aleng Titay...walang may magarang kotse sa kanilang lugar ni may mapadaan...kayat madali lang sa kanya ang matukoy ang naturang sasakyan...

" Manong pakihinto nalang po sa tabi.."
utos nito sa driver ng makita ang kanyang ina na may kausap na isang babae na sa tansiya niya ay kaedad lamang ng kanyang ina...

kung noong una ay hindi niya nakita ang nangyaring aksidente na dahilan ng pagpanaw ng ina ngayon ay gagawin niya ang lahat para pigilan ang mangyayari...

iyon ang nasa isip ni Caszil...

palapit pa lang si Caszil sa kinaroroonan ng Ina ng mapansin niya ang isa pang sasakyan na nakaparada sa di kalayuan...
napansin niya ito dahil sa tunog ng pagpapaandar nito sa makina...

malinaw niyang nakita ang mukha ng babaeng nagmamaneho rito...

at tumuon na muli ang kanyang pansin sa kinaroroonan ng ina at ng kausap nito...
naghiwalay na ang dalawa,pumasok na sa sasakyan ang babae at pinaandar na ito palayo.
habang si Carmela naman ay naglalakad na rin ngunit hindi na niya makita kung nasaan na ang ina...

sisigaw pa sana si Caszil para tawagin ang ina ng biglang may sasakyan na mabilis na dumaan sa harapan niya...
at huli na ang lahat para mapigilan niya ang sumunod na nangyari...
ilang hiyawan ng mga taong nakakita ang nagpadagdag sa kabang nararamdaman ni Caszil

patakbong nilapitan ni Caszil ang pinagkakaguluhan ng mga tao...

at pilit na dumaan para makita ang pinalilibutan ng mga ito...

at ang kaawa-awang kalagayan ng ina ang kanyang nakita
" Mama!!!!!,"

"ano ba tumawag kayo ng ambulansiya!?"
sigaw ni Caszil sa mga nakapalibot sa kanila...

ngunit pilit na itinaas ni Carmela ang kanyang mga palad at hinawakan ang mukha ng kanyang anak at pautal-utal na nagsalita...

" anak hanapin mo ang iyong kakambal "

" Po? anong ibig ninyong sabi- "
hindi na natuloy ni Caszil ang sasabihin ng bumagsak ang kamay ng ina mula sa pagkakahawak nito sa kanyang mukha...
at tuluyan na nga na binawian ng buhay ang ina...

" hindi Mama...hindi!!! hindi!!! "
sigaw ni Caszil sabay ng pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata at puno ng sakit ang kanyang nararamdaman...

" bakit pa kailangan kong masaksihan ang pangyayaring ito,sana hindi na lang!?
hindi ko man lang napigilan ang ang pagkamatay mo Ma! patawarin mo ako? Mahal na mahal kita...."
sambit ni Caszil sa harap ng pinaglagakang kabaong ng ina...

SAMANTALA......

kakababa lamang ni Caliex mula sa kanyang silid ng makita niya ang tita Victoria niya...

" Tita saan po kayo pupunta ? "
tanong ni Caliex rito...

" ahh... may kakausapin lang ako dito ka lang ok? "
sagot ni Victoria sa pamangkin...

ngunit lalabas pa lang ito ng tumunog ang cellphone nito...
habang kausap ang tumawag ay tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito...bahagyang
lumayo ito sa kinaroroonan ng pamangkin...
ngunit napansin ni Caliex na tila may pinagtatalunan ang mga ito...

matapos makipag-usap sa telepono ay mabilis na tinungo ang kotse sa garahe at umalis na...

tanging mga kasambahay lamang ang kasama ni Caliex sa mansion...dahil nagtungo sa Canada ang kanyang lolo at lola...
at umalis naman kanina lang ang tita Victoria niya...
ilang oras ng pagkakahiga sa kama ay
lumabas muna saglit si Caliex sa Mansion at tumungo sa may gate..sakto naman at kakarating lang ng Tita Victoria niya...
si Caliex na ang mismong nagbukas ng gate para kay Victoria...
pagkababang-pagkababa ni Victoria ay natuon ang pansin nito sa pamangkin...

" Caliex lets talk,may mahalaga akong sasabihin sa iyo!.. "

sa pagkakaalala ni Caliex ito yung time na may nais sabihin ang tita niya sa kanya ngunit hindi natuloy ng nagsisisigaw ang kanilang mayordoma ng may balitang napanood sa television....

at iyon nga ang nangyari

ayon sa balita isang ginang ang nasagasaan sa may park ng isang sikat na pasyalan...
nakita niya ang naging reaksiyon ni Victoria sa naturang balita na sa wari niya ay kilala nito ang ginang natinutukoy sa report...

" Tita? "
tawag niya rito ngunit agad nito na binunot ang cellphone sa bulsa at may tinawagan....
hindi na siya nito pinansin at naging busy sa kausap sa telepono nito...
at ilang sandali lang ay nagpaalam na may pupuntahan...
at binilinan ang kanilang mayordoma...sa hindi niya tukoy kung ano...

kung dati ay hindi niya pinansin ang mga nangyayari ngayon ay lumalim ang
curiosity ni Caliex at kinulit nito ang mayordoma...
tungkol sa mga napapansin niya...
ngunit wala siyang nalaman na kahit ano mula rito...
kayat naisipan niyang alamin kung sino ang babae sa balita...
binuksan nito ang komputer at nag search patungkol rito...
doon ay nalaman niya na ang naturang babae sa balita ay ang kanyang inang si Carmela...

nag flashback sa kanyang isip lahat ng kanyang mga hinuha sa mga nakaraang mga paggising niya sa kanyang nakaraan...

ang tungkol sa sinabi ng kanyang ama
at ang mga iba pang nagpaduda sa kanya...

" kung ganoon hindi nga ito panaginip,lahat ng mga nagaganap rito ay nangyari sa totoong buhay...ang lahat ay mula sa aking nakaraan... "
sambit ni Caliex sa sarili...

matapos ang reyalisasyon ay naisipan ni Caliex ang tumungo sa kinaroroonan ng labi ng kanyang inang hindi niya pa nakita at nakasama...




Dream of the PastWhere stories live. Discover now