si Marindok

24 4 0
                                    

Caszil's POV:

nakita ko na kung sino ang dayong ginagamot ni Nana Amaya,at kilala ko nga ito..
si Amnesio ito pero bakit parang iba,bakit ang bilis humaba ng buhok niya?

hindi kaya,dahil sa Salamangka? itatanong ko na lang kay Amnesio kapag nagkamalay na siya...

" nana Amaya kumusta naho ang lagay ni Amnesio? "
tanong ko..

" isa ba siya sa mga kaibigan mo?"
tanong sa akin ni Nana Amaya...
na natigil sa pagsesermon sa kanyang apo,dahil dinala ako nito dito sa pagamutan...

" Opo! sa katunayan siya po ang nagligtas sa amin,mula sa masasamang salamangkero,sa mga mangkukulam..."
paliwanag ko at muli ay tiningnan si Amnesio na wala paring malay...

" sa ngayon ay naagapan ko na ang pinsalang natamo niya,subalit kailangan niya parin na magawaran ng gamot para tuluyang maghilom ang mga sugat niya."
ani Nana Amaya...

at nagising na nga ito..
isa-isa kaming tiningnan at akmang babangon,na nagpangiwi sa kanya...
sariwa pa ang mga sugat niya at mahina pa ang katawan niya...

kaya pinigilan ko siya at inalalayan para sumandal...
ngunit nabigla ako ng tinabig niya palayo ang kamay ko...

anong problema nito? tinutulungan na nga galit pa?
galit ba sa akin to?
sa isip ko...

" Amnesio magpahinga ka muna? mahina ka pa! "
nag-aalalang sabi ko...

" Talapandas?! huwag mo akong tawagin sa pangalang yan!!!.hindi ako si Amnesio?! lumayo ka sa akin Pangahas ka!? "
galit na bulyaw nito sa akin...

sa pagkabigla ko ay hindi ako agad na nakapagsalita...

" ginoo! kamusta ang iyong pakiramdam? "
tanong ni Nana...

pero imbes na sumagot ay umismid ito...

aba!!! ayos to ahh? siya na tinulungan may gana pang magsungit..tinawag pa akong talapandas.teka ano ba yung talapandas? hindi ko alam ang meaning nun pero nakakairita sa pandinig...letching to!, bigwasan ko to ehh!!!
gigil ko sa isip ko...

" siguro ay iwan mo na natin siya,para magpahinga "
suhistiyon ni Nana Amaya...

at iyon nga ang sinunod namin..

iniwan namin si Amnesio o si Amnesio nga ba?

umalalay naman muli sa akin si Damat.

pero bago pa man kami na tuluyang makalabas ng silid ay nagsalita ang pasyente ni Nana na ubod ng sungit...

" ikaw lalaking iika-ika! pumarito ka? "

napalingon kami sa kanya...
at ako ata ang tinutukoy niyang iika-ika....
letching to...!

inulit naman niya uli ang sinabi niya na tinuro pa ako...
ayos makaduro ahh...may utang lang?

inalalayan naman ako ni Damat papunta sa Talapandas,gumaganti lang tinawag niya akong talapandas ehh.tawagin ko din siya...pero yun nga lang sa isip lang...

ng makaupo na ako sa tabi niya ay muli namang nagpaalam ang maglola at iniwan ako sa masungit na taong to...

" bakit? at kunot noo na tiningnan siya.
sasabihin mo sa akin na hindi ka si Amnesio at kakambal ka lang niya na pinarusahan ka ng mga makapangyarihan dahil talipandas ka ganon? "
oh diba magamit lang ang salitang Talipandas hahaha...

" ohh ngayon bakit tumahimik ka?"
sarcastikong tanong ko!...

" tama ka! kakambal ko ang tinatawag mong Amnesio,at sa kagustuhang makita siya ay nangahas akong suwayin ang pinaglilingkuran kong Reyna at himala na lang na nabuhay pa ako matapos akong tamaan ng malakas nitong kapangyarihan... "
nanlaki yung mata ko ng mapagtanto ko na tama pala yung mga imbentong sinabi ko...

" nais kong makita si Amnesio,batid mo ba kong nasaan siya? "
malumanay na sabi nito...

" hindi ko alam kung nasaan siya,pero malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kong hindi dahil sa kanya baka inalay na ako kay Bathalang Dalisay..."

mukhang na bigla naman siya sa sinabi ko!...

" kung ganon ikaw pala ang hinihinging alay ni Reyna Dalisay! "

bigla naman akong naguluhan sa sinabi niya...
Reyna? di ba Bathala yun?

tumango na lang ako...

huminga siya ng malalim bago nagsalita...

" ako nga pala si Marindok,kamakailan ko lang nalaman ang tungkol sa kakambal ko,ng hindi sadyang narinig ko sa aking ina at ama na bihag ni Reyna Dalisay.. "
wika nito...

' kung ganon buhay pa ang mga magulang ni Amnesio na inakala niyang patay na! at bihag lang ng isang Reyna..."
tugon ko...
ayos! pang telenobela lang ahh...

" nandoon ako pero hindi ko magawang iligtas ang mga magulang ko,naging sunod-sunuran ako kay Reyna Dalisay,masyadong makapangyarihan ito,kaya niyang wasakin ang isang buong kagubatan kong nanaisin niya...
wala akong magawa laban sa kanya.."
ani Marindok...

pinagkonek-konek ko yung mga nalaman ko at isang tanong ang nabuo sa isip ko...

" ang Reyna Dalisay na pinaglilingkuran mo at ang Bathalang Dalisay na sinasamba ng mga itim na Salamangkero ba ay iisa? "

at ng sumagot ng Oo si Marindok ay napanganga ako as in na pa O ako...
after all this time iisa lang ang lumalabas na kontrabida sa kwentong ito at iyon ay si Reyna Dalisay...

humanda siya sa akin...dahil ibabalik ko siya sa hukay kung saan siya nababagay...

antapang! pero kahit ata dulo ng buhok niya di ko magagawang hawakan...

----------------
----------------

how was the story?
ok lang ba?

eh..yung pagiging writer-writeran ko kumusta naman...
hahaha....

sana maenjoy niyo tong story ko.
kung may nagbabasa man...
:)








Dream of the PastWhere stories live. Discover now