ang sumpa kay Litisha!

33 3 0
                                    

Caliex POV:

" Litisha kung hindi mo mamasamain,bakit ka nga tinakwil ng iyong angkan? "
mapangahas na tanong ko...

pero ngumiti lang ito ng mapakla tanda na naiinis siya at ayaw niya na pag-usapan.
tumingin ito sa akin ng matalim kaya humingi ako ng paumanhin sa aking kapangahasang panghihimasok sa kanyang buhay..

" bakit ba nais mong malaman? Cal-Cal."
bakit ba di niya mabigkas ng maayos ang pangalan ko,kung hindi Caltek,Calsek pambihira naman talaga pinapapangit niya ang cool kong pangalan...

" Ca,Liex."
may diin na
pagtuloy ko sa pagbibigkas niya sa pangalan ko...

" ahh...mabuti pa kong Saltek na laang ang itawag ko sa'yo at madali lamang bigkasin..."
siete naman ohh...Saltek naman ngayon...napahawak nalang ako sa aking noo...

" Bahala ka na nga! "
at inungusan ko na siya sa paglalakad,paano kasi ay nakahinto siya...

" oyy...Saltek antayin mo ako? "
sigaw nito sa akin na agad naman din na nakasunod...

" galit ka ba? oyy...Saltek antayin mo naman ako? '

pero hindi ko parin siya pinansin sa halip ay mas binilisan pa ang paglalakad ko...

pero napagod ako at binagalan nalang ang paglalakad kaya pantay na kami...
nakabusangot parin ang pagmumukha ko...

tumahik kami pareho ng ilang minuto...
bago ko siya muling tinanong...

" litisha saan nga pala tayo pupunta? kanina pa tayo naglalakad,ilang eskinita na ang napasukan natin.malayo pa ba tayo? "
yamot na tanong ko...

" huwag ka ng mayamot at narito na tayo...! "
kakatanong ko lang tapos narito na kami, ano to? niloloko ba ako nitong babaeng to! pambihira talaga ohh...

" dito? ehh...dulo na ng bayan to ahh? tanging malaking bato ang nasa harap natin ano naman ang gagawin natin dito? "
inis na turan ko...

" Huminahon ka nga Saltek,"
at tinabig ako palayo sa malaking bato na nakadikit sa isang ibaba ng bangin...

di ko na tanaw ang tuktok nitong bangin,nagpalinga-linga muna siya sa paligid...
tinitingnan kong may tao ba sa paligid,ng wala naman itong nakita ay itinapat ang mga kamay sa malaking bato at nag usal ng mga salita...

" ABRA KA DABRA, ABRI...! "
wika nito at sa isang iglap ay nahawi ang malaking bato at bumungad sa amin ang isang kweba...

mabilis naman siya na pumasok at mabilis din ako na pinasunod...

ng nasa loob na kami ay nagsalita muli ito...

" ABRA KA DABRA, SIRA."
at muling nagsara at tumakip ang malaking bato sa pasukan ng kweba...

" whooa Astig!!! "
mangha ako don ahh...
ako kaya,kaya ko kaya magsalamangka....
ang cool talaga non...

siete ang dilim naman...
ng sa isang bigkas lang ni Litisha ng salitang SIGA ay biglang lumiwanag, nagkasindi ang mga lamparang nakadikit sa gilid ng kweba...

namangha na naman ako at sinuri ko pa talaga yung lampara...

astig,gawa sa shells ng malalaking clams ang mga ito..
bumuka lang pala ang ito sa pagkakataklob kaya nagsipag-ilaw....

pero ang mas nakakamangha eh.. hindi dahil sa apoy ang liwanag kundi dahil sa mga perlas na nasa loob ng Clam at ang dami...

siete!, kung ibibinta lahat ng to siguradong malaking pera ang katumbas...

ng magawi kay Litisha ay tingin ko ay nakaupo na siya sa upuang bato,nasa palagay ko ay sadyang nandoon na kasabay ng kweba...

lumapit naman ako sa kanya at umupo sa isa pang bato sa harap niya...

" litisha?,pasensya na kong nangahas ako kanina na alamin ang nangyari sayo?.kung bakit ka nagawang itakwil ng pamilya at kauri mo... "
puno ng senseridad na wika ko...

matapos marinig yung sinabi ko ay tumayo siya...
at bigla nalang na tinanggal ang pang-itaas niyang saplot...

pigil hininga naman ako at pinipigilan siya sa binabalak niya...

ngunit ng makita ko ang katawan niya ay nagulat ako...

iba ito sa inaaasahan ko na makinis at nakakaakit na katawan...

dahil puno ito ng makakapal na balahibo na tulad ng sa isang unggoy..

napatakip ako sa bibig ko ng makita ang kalagayan ni Litisha...

" isinumpa ako ng aking sariling pamilya..! ,matapos nilang malaman na umiibig ako sa isang lalaking bunga ng isang kasalanan..at hindi lang nila ako basta isinumpa dahil binalak nila akong patayin maging ng aking kalahi...
mabuti na lamang at nakatakas ako!..."
malungkot na kwento nito,dama ko kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan ni Litisha...

hindi na nga napigilan pa ni Litisha ang kanyang pagluha..
nandoon ako pero hindi ko alam kung paano siya mapapatahan at paano mababawasan ang kanyang nadaramang sakit...

ni kailan hindi pa ako nagpatahan ng babae,so i have no idea how to give comfort to a girl...
( wow english! is it right? hehe....)

nanahimik lang ako,hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko...

sisilip silip ako sa babaeng kasama ko,na ngayon ay nakahiga na sa higaan na alam kong matigas,paano ba naman kasi isang malaking bato ito na na flat lang ata ng panahon...

hindi ko na naririnig ang hikbi niya,siguro ay hindi na siya umiiyak...

pagkatingin ko sa kanya ay nakapikit ito at mukhang nakatulog na...

mahina ko siyang tinawag ng tatlong beses ng hindi siya sumagot ay nagpasya akong libutin ang kabuuan ng kweba...
'wala lang curious lang ako kung ano pa ang meron dito'

sa paglalakad ko ay narating ko din ang dulo,siguro dulo na kasi dead end na eh!...

siete!, nasaan na ba ako?
dead end na to ahh?
kaliwa,kanan?
saan ba ako pupunta...
sinunod ko yung instinct ko kaya sa kaliwa ako pumunta..
at mukhang tama nanan ata ako kasi may natatanaw akong liwanag...

ng marating ko na ang kinaroroonan ng liwanag ay nadismaya ako dahil hindi ito ang lugar kong saan ko kasama si Litisha..

ano to labasan?

may maliit kasi na butas kung saan nakakapasok ang kaunting liwanag...

teka ano nga ulit yung password para magbukas ang pintong bato?.

talagang inisip ko pa talaga,

ARA KA DABA BARI?

bakit ayaw gumana?

sinubukan ko ulit...

ABA KA ASA KA PA?
natatawa ako sa pinagsasabi ko..

at biglang may bulb na lumitaw sa isip ko ng biglang maalala ko ang password...

ABRA KA DABRA,ABRI?
at sa wakas bumukas na...

pero iba ata to sa pinasukan namin...
saan ba to?

lumabas ako at akmang babangitin ko ang password para isarado pero biglang sumulpot si Litisha at siya na ang nagsalita ng password..

" buti na lang nasundan kita,ano ba kasi ang nakain mo at naisipan mong suyurin ang kweba ng mag-isa...? tsaka paano mo to nabuksan? mga katulad lang naming Salamangkero ang nakakagawa non? "
sunod-sunod na tanong ni Litisha...

ano ba yan! syempre sinabi ko yung password...

" ang totoo hindi ko din alam? "
sabi ko na lang...

hindi ko na sinagot kung ano ang dahilan kong bakit ko pinasyal ang loob ng kweba,kasi wala naman akong dahilan,siguro dahilan na din yung nacurious lang ako...
pero mukangtanga (as in mukhang tanga) lang ehh kung sabihin ko!...








Dream of the PastWhere stories live. Discover now