Umpisa ng Paghahanap

21 1 0
                                    

Ruth's POV:

dahil sa hiling ko kay Reyna Anastacia na magtungo kay Samantha...

muli kaming nagkasama ni Samantha...

at tama nga ako,may something nga na ganap rito kay Samantha...
dahil may mala Hercules pala na umaaligid sa kanya..

kaya ng makausap ko ito ng kami lang ay pilit ko itong pinapaamin at tinutukso sa ganap sa kanila ni Tausog...

at halata ang kilig nito...

napagpasyahan namin na hanapin sina Caliex at Caszil..
nagtungo muna kami sa Engkantasya dahil yun rin ang ibig ni Reyna Anastacia...
kasama namin si Tausog at sina Marikit at Danaya.

at sa utos ng Reyna Anastacia ay kasama namin si Danaya,Marikit at Tausog para hanapin sina Caliex at Caszil...

pero bago kami umalis ay binasbasan muna kami ni Reyna Anastacia...
at binigyan kami ng mga sandata na maaari namin gamitin proteksiyon sa aming mga sarili...

sinimulan na naming maglakbay para hanapin ang mga kaibigan namin...

sina Marikit at Danaya ay nakasunod sa amin sa anyo na diwata...
kung pagmasdan sila ay napakaganda ang matitingkad at makukulay nilang mga pakpak...
kung pagmamasdan ay tila mga ordinaryong mga paru-parong naghahanap ng mga madadapuang mga bulaklak...

habang si Tausog ay sa anyong tao...
sinabi nito na tumatagal ang pagiging anyong tao niya hanggang isang buong araw...
may dala-dala naman din ito na langis na pampahid nito para siya magbagong anyo...

matapos ang mahaba-haba namin na paglalakbay ay nagpahinga muna kami...

ng bigla nalang may pumalibot sa amin na mga hunters...

nais nila kaming dakpin ngunit hindi namin hahayaan na gawing bihag kaya gamit ang mga sandata na naikukubli namin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng reyna ay nilabanan namin ang mga ito...

at dahil sa kakayahan din ng dalawang diwatang kasama namin ay nakatulog ang mga kawal na hunters...
at gamit ang inumin na dala ni Tausog,isang inumin na nakakapagpapaamo ay naging sunod-sunuran sa amin ang apat na hunters...

ngayon ay kasama na namin ang mga ito na tinungo ang siyudad ng Pulang...

hindi kami nahirapan na makapasok sa Siyudad dahil sa kasama naming mga Hunters...

na sa siyudad na kami ng biglang nagkagulo...

ayon sa ilang mamamayan ay may nakita daw na isang Halimaw at pinaghahanap na daw ito...

may lumapit sa amin na isang matanda kasama ang kanyang apo na sa tingin ko ay naglalaro sa walo o sampung taong gulang...

" mga ining,iho bisita ba kayo sa Palasyo ng Hari? "
tanong nito...

isa sa kasama naming hunter ang sumagot dito para sa amin...

" kung ganon ay mag-iingat kayo,at may gumagalang halimaw ngayon dito..! "

" halimaw ho? "
tugon ko sa babala nito...

" nakakatakot na halimaw,ang anyo daw nito ay katulad ng sa isang gorilya.may napaka-itim na mga balahibo,mapupulang mga mata at mahahabang mga kuko...-o siya at papanhik na kami sa bahay at baka magpakita pa muli ang halimaw...mag-iingat kayo!"
saad ng matanda...

" nakakatakot naman! totoo nga kaya yung halimaw na sinasabi nila? "
wika ni Samantha na halatang naapektuhan sa kwento,napakapit pa ito sa braso ni Tausog...

" sa pagkakalahad ng matanda sa anyo ng halimaw ay hindi ka dapat matakot dahil walang ganoong uri ng nilalang...kung mayroon man marahil ay isa itong sinumpa para magdusa sa ganoong anyo..."
pangusap ni Tausog...

natinukso ko naman...
na ikinapula ni Samantha...
si Tausog naman ay nangingiti lang...
agad tuloy ito na bumitaw sa pagkakakapit nito sa braso ni Tausog...

at tatanggi-tanggi sa tukso ko...

sa bahay ng isang hunter na kasama namin kami tumuloy...

ng kami kami na lang ay natanong ko kay Tausog kung hanggang kailan ang bisa ng gamot na pinainum namin sa mga hunters...

at ayon kay Tausog tumatagal daw ito hanggang isang linggo...

kinabukasan ay nag-umpisa kami na libutin ang siyudad baka sakali na mahanap namin sina Caliex at Caszil..

ng mapadpad kami sa isang gusali na ayon sa kasama naming hunters ay tambakan ng mga gamit ng mga nahuhuli nilang mga salamangkero..

napakadami ng bantay roon na akala mo'y may mga kayamanan na nandoon..

at mukhang minamalas kami.dahil araw pala ng paglilibot ng hari,paraan ito para alamin ang kalagayan ng kanyang nasasakupan.
at kung may mga masasamang kaganapan sa siyudad...

napakadaming mga kawal na hunters ang nakapalibot sa iba't-ibang sulok ng siyudad at nakabantay sa hari...

kunting maling galaw lang namin ay siguradong wala kaming ligtas...

kailangan namin mag-ingat...

bumalik muna kami sa tinutuluyan naming bahay,iwas na din sa mga kawal at sa hari...
ngunit wala talaga kaming lusot dahil nagbabahay-bahay din pala ang kawal ng hari..
mabuti na lang at pinalabas ng kasama naming hunter na mga manlalakbay kami at nakituloy lang sa kanya..
at pinabulaanan pa nito na hindi kami salamangkero...
na mukhang kumagat naman...
at napaniwala ang mga tagapagsiyasat...

noong kami na lang sa silid ay nag-anyong tao na sina Marikit at Danaya...

at isang plano ang napagdisisyonan namin at iyon ay ang pasukin ang silid kung saan sinabi na tinatambak ang mga kagamitan ng mga nadadakip na mga salamangkero...

at dahil nakakapagbagong anyo sina marikit bilang mga paru-paro ay sila na ang gagawa ng hakbang...

at iyon nga ang ginawa nila...

-------___--------

"Danaya napakaraming baston ng mga salamangkero,at walis tingting na gamit ng mga ito para makapaglakbay ang narito... "

" tama nga Marikit tambakan nga ito ng mga kagamitan ng mga salamangkero! "

ito ang naging usapan ng dalawang diwata...
ngunit may isang bagay ang nakuha ng atensyon ni Danaya..
ito ay ang gabutil na tipak ng pamilyar sa kanila na bato...
at hindi lang ito basta bato dahil kung hindi sila nagkakamali ay tipak iyon ng makapangyarihang bato na simasagisag sa engkantasya...
na ngayon ay nasa kamay na ni Dalisay...

nakadikit ito sa isang baston..

kaya minabuti nila na dalhin ito...

matapos makabalik sa silid kung nasaan sina Samantha ay nagpaalam muna si Danaya,babalik ito ng Engkantasya para ipakita kay Reyna Anastacia ang natagpuan...

Dream of the PastWhere stories live. Discover now