ang pagtatagpo

39 2 0
                                    

tinungo nga ni Caliex kung nasaan ang labi ng ina...

doon ay nakita nito ang tita victoria niya..
na gulat na gulat ng makita siya

nakatitig ito sa kanya na tila ba kinikilala siya...
nahinto lamang ang titigan ng mga ito ng may nagsalita sa likuran ni Caliex...

" sino kayo? "
tanong nito...

at mas nanlaki ang mata ni Victoria ng makita kung sino ang nagsalita...

at hinarap naman ni Caliex ang nagsalita sa kanyang likuran...
at laking gulat nito ng makita ang taong kawangis na kawangis niya...

kapwa nakatingin lamang sa isa't-isa ang dalawa na hindi makapaniwala sa nakikita...

at doon lamang nagsalita si Victoria

" Caliex anong ginagawa mo rito? paanong-? "
naputol ang sasabihin ni Victoria ng magsalita si Caliex...

" Tita bakit niyo nagawang ilihim sa akin ang tungkol sa ina at kakambal ko? "
galit na turan nito...
at muling hinarap ang kakambal..

" kung sana noon ko pa nalaman,kung sana noon ko pa kayo nakita,noon sanang buhay pa ang ating ina...di sana naramdaman ko ang pagmamahal niya..patawarin mo ako kakambal ko? "
buong pusong wika ni Caliex sa kakambal...

" hindi mo kailangan humingi ng tawad,dahil wala kang kasalanan! masaya ako na makita ka and im sure ganon din ang nararamdaman ni mama..."
wika naman ni Caszil sa kakambal na hindi narin napigilan ang pagpatak ng mga luha...

" patawarin niyo ako,pero maniwala man kayo sa hindi ginawa ko ang lahat para hanapin si Carmela at ang kapatid mo Caliex,at ng makita ko na siya tsaka naman nangyari ito...Caliex ito sana ang nais kong sabihin sayo...nagkasundo na kami ni Carmela na magkikita kayong mag-ina kasama ang kakambal mo !"
paliwanag ni Victoria na naputol ng magsalita si Caszil...

" naaalala ko na! ikaw yung kausap ni Mama bago siya maaksidente! "

" tama!, ako ngayon.. nabigla din ako ng makita ko sa news ang nangyari kay Carmela... "
sagot ni Victoria na labis na nalungkot base narin sa mga luhang unti-unting dumadaloy sa mga pisngi nito...
subalit kaakibat nito ay ang konsensiyang may nalalaman siya sa kung sino ang posibleng may gawa nito kay Carmela...
ngunit hindi na niya ito sinalaysay sa kambal...nais niya munang siguraduhin ang kanyang hinala...

nagyakapan ang tatlo sa harap ng labi ni Carmela...
ng magkalas sa pagkakayakap ay umupo sa unahang linya ng upuan...
at doon ay nag-usap
kapwa maraming tanong sa isa't-isa ang kambal at nais nilang punan ang mga taon na hindi sila nagkita at nagkasama...

samantalang nagpaalam muna si Victoria at may kinausap sa kanyang telepono...

ngunit hindi pansin ng lahat ang itim na usok na sumasakop sa kanilang paligid...

nasa labas na noon si Victoria at may kausap sa telepono ng biglang kumulog at kumidlat tila ba may nagdidiwang ng isang okasyon sa kalangitan...
at bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan,bagaman tumigil ang dagundong ng kulog at ang pagsayaw ng mga kidlat ay nagpatuloy naman sa pagbuhos ang malakas na ulan...
na ipinagtaka ng lahat dahil kanina lamang ay napakaaliwalas ng panahon...

nagpasya ang kambal na ipa cremate ang labi ng kanilang ina...
at nangako naman si Victoria na siya na ang mag-aasikaso ng lahat...

sa pagkikita ng kambal ay nabawasan ang lungkot ng bawat isa...
ito ang huling hiling ni Carmela sa anak na si Caszil ang hanapin niya ang kanyang kakambal at ngayon nga ay natupad na ito...
madaming napagkwentuhan ang kambal at isa na nga rito ang tungkol sa pagbalik sa nakaraan at nasabi rin nila na bahagi ang pangyayari ngayon sa kanila sa kanilang nakaraan...
at dahil sa kanilang napag-alaman ay sabay na nilang haharapin ang kaakibat na sumpa ng Amnesio's Box...

sa kanilang muling paghimbing ay muli silang bumalik sa kasalukuyan...
at iba ito sa karaniwan nilang paggising...matapos makapag-ayos sa sarili ay nagkita ang dalawa...
ngunit bago pa man sila magkita ay nakita nila ang mga babae sa kanilang buhay si Ruth at si Samantha...
kaya't sinama na nila ito sa kanilang pagkikita...
sa isang pribadong restaurant nagpasyang magkita ang dalawa kasama ang dalawang babae...
tulad ng kanilang napagkasunduan ay dinala ni Caszil ang Amnesio's Box...

ngunit kakalapag lamang ni Caszil sa box ay biglang may usok na lumabas mula rito na ipinagtaka nilang apat...
at sa di inaasahan ay nilukob silang apat ng itim na usok mula sa Amnesio's Box....

at naglaho ang apat sa naturang restaurant...
na labis na ipinagtaka ng mga empleyado ng restaurant..
ayon sa mga ito ay hindi naman nila nakitang lumabas ang mga ito...at ayon din sa salaysay ng dalawang guardiang nakapwesto sa Employees entrance at custumers entrance na hindi nga lumabas ang mga ito...

kumalat sa television at pahayagan ang pangyayari at maging sa social media sites ang kuha ng cctv ng naturang establishaminto na talagang pinagkaguluhan ng lahat....

makikita sa kuha ng cctv na matapos ilapag ni Caszil ang maliit na kahon ay biglang umitim ang kuha ng video at sa ilang segundong pagbalik ayos ng kuha ay wala na ang apat at tanging ang maliit na kahon at mga naiwang bag ng dalawang babae na lamang ang naiwan sa lugar...

at nasa kamay nga ng pamilya Valdes ang naturang kahon...

naging malaking palaisipan para sa lahat ang pagkawala ng apat...

Dream of the PastWo Geschichten leben. Entdecke jetzt