si Dalisay laban sa Enkantasya

27 3 0
                                    

Ruth's POV:

marami akong nalaman kay Reyna Anastacia...isa na doon ang tungkol sa kanyang kapatid na si Dalisay...
ang kasamaan nito at ang gustong pagpapatalsik nito sa kanya at ang pakikipaglaban nito laban sa Enkantasya kasama ang kampon nito...

at nalaman ko din na ito ang kumokontrol at tinuturing na Bathala ng angkan ni Amnesio,ng mga masasamang salamangkero.

at ang mas nakapagigil sa akin ay ang tungkol sa katotohanang ito ang may kagagawan kung bakit napunta kami sa panahon na ito.

ginamit nito si Amnesio, at ang Salamangka ni Amnesio.

at lahat ng ito ay para lamang sa ninanais nito na paghihiganti sa Enkantasya...

ayon kay Reyna Anastacia gagamitin ni Dalisay ang kambal na sina Caliex at Caszil maging ang kambal na sina Amnesio at Marindok...
para maisakatuparan ang kanyang mga plano...

kailangan nito ang dugo ng dalawang kambal para sa kanyang kinakamit na mas malakas na kapangyarihan...

nanganganib sina Caliex at ang bestfriend ko na si Caszil at kailangan gumawa kami ng paraan para magapi at mapigil ang kasamaan ni Dalisay...

nakita ko mula sa mahiwagang tubig ang kinaroroonan ni Samantha ngunit hindi ang kay Caszil at Caliex dahil sa may kung anong kapangyarihan ang pumipigil na magawa ito ni Reyna Anastacia.
tanging mga salamangkero/kera lang ang may kakayahan na gawin ito...

mas namangha pa ako sa kayang gawin ng mga engkantada dahil bukod sa pagmamatyag ay kaya din nila na makausap ito....

at kinausap ko nga si Samantha na gamit ang mahiwagang tubig...
habang si Samantha naman ay nakikita ako mula sa isang bao ng niyog na may lamang tubig.

nagulat pa si Samantha ng marinig ang boses ko,at sinabihan ko siya na tumingin sa bagay na may laman na tubig...

at doon nga ay nakapag-usap kami,,sinalaysay ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko mula kay Reyna Anastacia at sinabi ko din sa kanya na huwag siya na mabahala dahil mababait ang mga Taurous...ayon na rin kay Reyna Anastacia.

at pati ang mga hangarin ni Reyna Anastacia...

pero may napansin ako kay Samantha parang may kakaiba sa kanya...
parang ang saya niya bago ko pa man sabihin sa kanya na mabubuti ang mga Taurous..

uhmm...i smell something interesting na nangyayari..
ano kaya yun?

makikipagchikahan pa sana ako pero nakakahiya na sa Mahal na Reyna...
kaya nag end na lang ako ng conversation..

ang mahalaga lang naman ay naipaalam ko kay Samantha ang dapat niyang malaman...

nagpasalamat ako sa Mahal na Reyna bago ako lumabas para makalibot sa palasyo...

napakaganda talaga ng lugar na ito,parang isang paraiso...
kung sana ay kasama ko lang si Caszil ang bestfriend ko na akin ding iniibig...
pero noon pa man ay batid ko na, na hindi ako mahal ni Caszil tulad ng pagmamahal ko sa kanya...

sinabi niya sa akin ang totoong siya?,ang totoong pagkatao niya...
na hindi kami talo,dahil tulad ko humbre din ang need at gusto niya...

pero tanggap ko na iyon,
sadyang kahit ganoon siya ay bakit hindi ko parin mapigilan na mahalin siya....

hindi naman mapagkakaila na gwapo at makisig ito,at higit sa lahat mabait at matalino.

pero sadyang mapaglaro ang pagkakataon,kung sino pa yung almost perfect na,na lalaki ay malalaman mo pa na homosexual ito...

di ba ang saklap maglaro ni Tadhana...

sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Danaya at Marikit....

nakangiti sila sa akin at sinamahan nila ako sa aking paglilibot...

nabanggit ko sa kanila na gusto ko na magkapakpak katulad nila...

at maaari daw na mangyari iyon

ngunit kailangan lamang daw na tanggapin ko ng buo ang pagiging isa sa kanila...
kailangan ko na kainin ang itim na kanin para tuluyang maging isang engkantada...

kapalit nun ay hindi na ako makakabalik pa sa totoong mundo at sa panahon na pinagmulan ko...

makakaya ko kayang isakripisyo ang pamilya ko,
marahil ngayon ay nag-aalala na sila sa akin...

tsaka ko lang naisip ang pamilya ko,dahil na rin siguro sa daming nangyari...

miss na miss ko na sila...
kailan ba matatapos ang panaginip na ito...

kung sana nga panaginip lang lahat ng ito...
pero hindi ehh...
totoo ang lahat,
totoo ang mga nangyayari...

isang buntong hininga ang napakawalan ko,na ipinagtaka ni Danaya at Marikit...

" Bakit Samantha ano ang iyong nasasaisip? "
tanong ni Danaya...

" namimiss ko lang ang pamilya ko,ano na kaya ang nangyayari sa kanila.sana ay ayos lang sila! "
malungkot kong wika....

naintindihan naman nila ako...
at nagpaalam na ako sa kanila na gusto ko muna na mapag-isa...

---------------
--------------+

whoa....
nakakapagod din pala mag-isip..
hehe...

sa mga mali ko.
mga wrong grammar
at mispelling pagpasensiyahan nio na lamang...

thanks na din para sa mga nagbabasa ng kwentong ito...
kung meron man...

vote niyo nalang kung nagustuhan niyo ito...

hindi ako palaging online
so kung may comment man hindi ko marereplayan...
yun eh kung meron man...
hehe...

pero sana atlst may comment...
diba?

kung mag-online man ako para lang magpublish ng update...
hehe.....





Dream of the PastWhere stories live. Discover now