Ang Paliwanag

52 3 0
                                    

sa muling paggising ng kambal sa present time ay napuno sila ng katanungan...

tinungo ni Caszil ang kakilalang marunong magbasa ng kapalaran...nagbabaka sakali na may paliwanag ito patungkol sa kanyang mga panaginip...

agad ay lumapit ito sa ginang na manghuhula ng makapasok sa isang silid ay pinaupo sa isang silya kaharap ang naturang ginang na sa pagitan nila ang isang lameseta na mayroong matingkad na kulay ng mantel at isang kung tawagin ng ginang na bulang kristal...

" Ano ang nais mong malaman hijo? "
tanong ng ginang na hindi man lang tumitingin sa kinakausap...

ngunit ng tingnan siya ng ginang ay tila nahintakutan ito...
at pautal na nagwika...

" akin na ang mga palad mo Hijo! "
at binasa ang guhit ng palad ng binata na ka'moy may nakasulat na mga letra...

" Hijo hindi madali ang landas na iyong tinatahak,mga katanungan na gumugulo sa iyo at tanging ang pagsilip sa nakaraan lamang ang magbibigay ng kasagutan...
isang sakripisyo ang iyong pag-iisipan at bawat pagpapasya ay may kalakip na pagtatapos...."
wika ng ginang at agad binitiwan ang mga palad ni Caszil...

" ano po ang ibig ninyong sabihin? "
makuryusidad na tanong ni Caszil..
ngunit sa halip na sumagot ang kausap ay naglatag ito ng tarot cards....
at pinapili siya...

matapos makapili si Caszil ay niligpit ang ibang barahang hindi napili ng binata...
at isa-isang binuklat ang napiling baraha...
bawat baraha ay mayroon itong paliwanag...
tungkol ang mga ito sa iisang punto at iyon ay ang kamatayan...

" Po? ibig niyo po bang sabihin ay mamamatay ako? pero ano po ba ang tungkol sa mga panaginip ko? naguguluhan po ako? "
sunod-sunod na tanong ni Caszil...

" Hijo walang panaginip dahil ang lahat ay totoo,ang lahat ay parte,parte ng iyong nakaraan! "
paliwanag ng ginang na tumayo at may kinuha sa isang tokador.isa itong libreto at binuklat ito sa harapan ni Caszil at isang imahe roon ang labis na nagpagulo sa isipan ni Caszil...

" isang maliit na kahon,ang isinumpang kahon...na sa kung sino man ang bagong magmamay-ari ay siyang magpapatuloy sa sumpa..."
nakakahilakbot na paliwanag ng Ginang...

" ipagkaloob mo sa akin ang kahon at tutulungan kitang matigil ang sumpa!.."
dagdag ng ginang...

ngunit bawat paliwanag ng manghuhula ay hindi mapagtugma-tugma ni Caszil lalo lamang nadagdagan ang kanyang mga katanungan at mga gumugulo sa kanyang isip...

" Salamat ho! pero hindi ko maiibigay sa inyo ang kahon bukod sa naguguluhan ako ay wala na ho sa akin ang kahon patawad po subalit aalis na ho ako...! "
pagsisinungaling ni Caszil..

pagkatalikod pa lang nito ay muling nagwika ang ginang..

"mga nagdaan na maaring makakapagpabago ng iyong kasalukuyan at hinaharap.huwag mong antayin na pagsisisihan mo ang lahat!, bago mahuli ang lahat ipagkaloob mo sa akin ang kahon! "

ngunit matapos marinig ang kanyang babala ay nagpatuloy na lumabas ng maliit na silid ang binata...

SAMANTALA...

si Caliex ay binabasa ang kasaysayan ng Amnesio's box
at hindi makapaniwala sa kanyang nalalaman...

kataga ni Amnesio...
" sa bisa ng aking majika ako ay magbabalik sa nakalipas...upang iligtas ang aking angkan at isinusumpa ko pagbabayarin ko lahat kayong pumaslang sa aking mahal sa buhay...!!! "

at isang maliit na kahon ang kanyang ginawang pamamagitan...
mula sa kawalan ay lumitaw ang itim na usok at naging sisidlan nito ang maliit na kahon...
subalit sa hindi inaasahan ay natutunton ng mga hunters ang kanyang kinaroroonan...
nanlaban man si Amnesio ay napaslang parin ito...

ngunit sa sandaling babawian na siya ng buhay ay isang kataga pa ang kanyang binitiwan...

" aking mga kalahi sana ay maipagpatuloy niyo ang aking paghihiganti "

at muli ay isang itim na usok ang pumasok sa naturang kahon..
magkakabisa lamang ang kanyang hangarin kapag sa oras na mapasakamay ng isang may dugo ng babaylan o black whitch ang kahon...

^^^^^^

" kahon? ngunit wala naman sa akin ang sinasabing kahon! paanong mararanasan ko ang kababalaghang ito? "

tanong ni Caliex sa sarili...

bigla ay sumulpot sa likuran niya si Nicko...

" oh Pare kumusta ang pagbabasa mo sa libro? nasagot ba lahat ng katanungan mo? "
tanong ni Nicko na umupo pa sa tabi ni Caliex...

" hindi pare eh! lalo lang akong naguluhan...siguro hindi dahil sa Amnesio Box ang tungkol sa mga panaginip ko!? ,Teka sino ba ang author nito? "
si Caliex na napasandal sa sofa at muling kinuha ang inilapag na na libro...

" actually unknown yung author,at ayon sa kwento kwento ilan sa mga libro na nabili ay naglalaho na ng parang bula...
pare may sa demonyo ata ang librong yan? "
sagot ni Nicko...

" ewan ko sayo Pare' dami mong alam? oh...yung libro mo baka pag nawala yan sisihin mo ako..."
patawang wika ni Caliex at tumayo sa kinauupuan at tumungo sa refrigerator ng kaibigan..kumuha ito ng dalawang boteng beer at ihinagis sa kaibigan ang isa...

Dream of the Pastजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें