Enkantasya

37 4 0
                                    

Ruth POV:

Matapos ang pagtama sa akin ng salamangka ni Amnesio ay napadpad ako sa isang napakaganda na lugar.
mga bulaklak na may iba't-ibang kulay at amoy na amoy ko ang napakabangong halimuyak ng mga ito...

napanganga ako sa pagkamangha tila na sa paraiso ako...

sa pagkamangha ko ay nag-umpisa kong lakarin ang kabuohan ng lugar,patungo sa isang talon na nakikita ko mula sa aking kinatatayuan.

narating ko ang talon at mas namangha pa akong lalo sa ganda nito.
ilang saglit lang ay may nakita akong ang mga naggagandahan na paru-parong lumilipad patungo sa akin..

ngunit sa isang iglap ay biglang nagbagong anyo ang mga ito bilang mga binibini...

sa gulat ko ay napamura ako.
at napaatras mula sa tinatayuan ko sa gilid ng tubigan,

at nahulog nga ako sa ilog,shit! ang lalim mabuti na lang at marunong ako lumangoy.

pero nagulat ako ng inabot sa akin ng dalawang napakagandang binibini ang tig-isang kamay nila,with matching ngiti pa sa akin...

sa ekspresyon ng mga mukha nila ay nakikita ko na walang bahid ng kasamaan ang mga ito,kaya hindi ko tinanggihan ang pag-abot nila ng tulong sa akin.
iniahon nila ako mula sa ilog
at ng makaapak ako sa lupa ay nagwika ang isa sa mga ito.

" ipagpaumanhin mo kung nagulat ka man namin,ngunit kanina ka pa namin minamatyagan ni Marikit.
ng mabatid namin na hindi ka masamang tao ay nagpasya kami na magpakita sa iyo! "

napakamalumanay at kay sarap sa pandinig ang kanyang tinig,tila musikang nakakaakit para bang nung marinig ko ito ay gumaan ang buong sestema ko...
napakamahiwaga,ano nga bang hiwaga to?

hindi ko maiwasang hindi mapangiti,hawak ng isang magandang binibini ang aking kamay at ginabayan ako sa aking paglalakad habang ang kasama nitong tinawag niyang si Marikit ay nakasunod lang sa amin...
pinagmasdan ko ang mukha nito at talagang napakaganda nito,babae ako ngunit sadyang nakakaakit ang kanyang ganda iyong pagnakita siya ng kahit sino man ay maakit sa kanyang mala anghel na itsura ..

sa paggabay nila sa akin ay huminto kami sa paglalakad at muli ay hinawakan ako sa kamay at giniyang muli...
ngunit nabigla ako ng lumusot kami sa isang lihim na lagusan na hindi ko naman batid kung saan o anu ang naghihintay sa akin sa kabila..

ng mapasok namin ang naturang lagusan ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
isang malaking palasyo.
as in yung parang sa movie lang ang peg!,yung may reyna,hari at prinsesa.di ba ang bongga!!!

nagtataka man ay hindi ko nagawang magsalita o magtanong.
namangha lang talaga ako,nanlaki ang mata ko at napa O ako...

ngingiti-ngiti naman ang dalawang binibining naggiya sa akin...

" narito ka sa Enkantasya,at nais kang makita ng aming reyna'ng si Anastacia.sana ay magbigay galang ka sa kanya Ruth. "
malambing na sabi ni Marikit...

ahh..teka tama ba ang narinig ko?
kilala niya ako!..

" kilala niyo ako? "
takang tanong ko!

" batid namin lahat ng tungkol sa iyo at sa mga kasama mo Ruth!
magmula pa lamang ng makarating kayo sa panahon na ito."
napanganga ako sa nalaman ko kayMarikit...
they mean matagal na nila ako este kaming titignan at minamatyagan...
pero bakit?

" ipapaliwanag sa iyo ng kamahalan ang lahat! sumunod ka sa akin Ruth. "
utos sa akin ng isa pa,na hindi ko pa alam ang pangalan.si Marikit naman ay nag-iba na ng direksiyon...

napakalawak talaga ng palasyo,ilang minuto narin kaming naglalakad...
at sa bawat na dadaanan namin ay hindi ko maiwasang hindi mamangha...
may mga nagkikintaban na mga kagamitan na gawa sa gold at nagniningning na mga diyamante at ilan pang mamahaling mga bato...
may mga humahalimuyak sa bango na mga bulaklak,at mga paru-parong lilipad-lipad at yung iba ay nagbabagong anyo bilang mga tao...

sa wakas ay tumigil nadin kami sa paglalakad...
nahiya naman ako dito sa kasama ko,dahil kong hindi dahil sa akin ay lumipad na ito at hindi naglakad ...
pero ano bang magagawa ko,hindi ko naman kasalanan na hindi ako nakakalipad.pero mukhang ang saya maging katulad nila...
etchusera ko....

sa kakalinga-linga ko ay hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala ang Reyna...
nagbigay galang ang kasama ko at natigilan ako sandali bago naisipan na magbigay galang din...
napakaganda ng Reyna,yung suot niya napakagarbo at may kurona.ano ba to! syempre reyna nga diba? hehe....

nagsalita ito...

" tumayo ka! Ruth "
maotoridad na utos ng Reyna...
na tinutukoy ang pagyuko ko...

agad naman ako na tumayo ng tuwid at humarap sa kanya...

" Danaya maari ka ng umalis! "
wika ng kamahalan...
na sinunod naman ni Danaya,
nagbigay galang muna ito bago umalis..

doon ay naiwan kami ng Reyna..

pinalapit ako nito,sa tapat niya ay mayroong lagayan ng tubig at sa pagtingin ko sa tubig na nandon ay may nakikita akong mga imahe...
at nagulat ako sa kung sino ang nakikita ko mula roon...

si Samantha?
at mukhang nanganganib siya dahil wala siyang malay na pasan sa likod ng isang kalahating tao at kabayo...
napatakip ako sa bibig ko sa nakita ko...

" Ruth huwag kang mag-alala mababait ang mga nakatagpo sa iyong kaibigan "
pagpapagaan sa loob na wika ng Kamahalan...

" Kamahalan ma-walang galang po,pero batid ko na po na sinusubaybayan niyo po kami ng mga kasama ko,magmula ng mapadpad kami sa panahon na ito!
ngunit bakit po?
ano po ba ang dahilan ng lahat ng mga nangyayari sa amin..
paano po ba kaming napadpad sa panahon na ito? "
sunod-sunod na tanong ko...

lumakad ang Kamahalan pabalik sa pag-upo sa kanyang truno...
at sa tingin ko ay sasagutin niya ang mga tanong ko...
pero nakakatakot naman kasi walang ka emo-emosyon ang mukha niya...
" gosh "
pabulong na sambit ko...

Dream of the PastOnde histórias criam vida. Descubra agora