9:30 na sa cellphone ko.

Mukhang napasarap yata ang tulog ko kagabi.

Inayos ko ang sarili ko at agad na bumaba para kumain na ng almusal.


"Uhm, asan po si Lolo?"

"Ay maaga pong umalis ang lolo nyo at may aasikasuhin daw po sa office, pero inihabilin nya po sa akin na sabihin daw sa inyo na mag impake na daw po kayo para sa flight nyo bukas."

"Sige po salamat."



Bukas na nga pala ang flight ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Pero kaylangang sanayin ko na ang sarili ko, lalo pa't ako ang magmamana ng kompanya pagdating ng panahon.

Matapos kong kumain ay bumalik agad ako sa kwarto para ayusin ang mga dadalhin ko.

Binuksan ko yung malaking cabinet at tumambad sa akin ang sandamakmak na damit. Sakin ba to lahat? Ang dami.

Napansin ko ang isang purple na maleta sa may gilid, kinuha ko ito pati na rin ang ilan pang mga damit. Binuksan ko ang maleta at pinuno ito ng mga gamit ko, kinuha ko rin yung bag na binili ko sa mall at doon ko naman niligay ang cellphone, wallet at iba pang mga personal na gamit.

Matapos kong mag impake, napagpasyahan kong puntahan muna ang kwarto ni Josh para makausap sya. Baka kasi isang araw magtaka na lang yun at wala na syang ate.

Binuksan ko ang kwarto nya at naabutan ko syang nanunuod ng TV. Oo, may TV sa loob ng mga kwarto namin. Bongga diba?

"Josh?"

"Bakit ate?"



Napatingin sya sa akin, hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

"Aalis na kasi si Ate bukas."

"Po? San ka pupunta? Iiwan mo na ako?"

"Magaaral lang si ate saglit pero babalik di agad ako."

"Ah, basta ipangako mong babalik ka ate."

"Promise."

Sinabayan ko syang manuod ng tv. Mamimiss ko din ang bulinggit na to, ngayon lang kasi ako mahihiwalay sa kapatid ko.


Maya maya, lumabas na ako ng kwarto nya. Nag ayos ako saglit saka lumabas ng mansyon.

"Ma'am san po kayo pupunta? Hatid ko na po kayo."

Sinalubong agad ako ng driver at pinagbuksan ng pinto ng kotse. Syempre hindi pa ako matunong magdrive kaya kaylangan may kasama akong driver. Inistart nya na yung sasakyan at umalis na kami ng mansyon.



"Kuya paki hinto muna sa tabi."

Binaba ko yung bintana ng sasakyan. Alam nyo ba kung nasaan kami? Syempre hindi. Hahaha. Andito kami ngayon sa tapat ng bahay ni Bryle.

Kahit papano, gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon. Pero bigo ako, mukhang walang tao sa bahay nila.

"Tara na po kuya."


Sabi ko sa driver, sinabi ko na rin sa kanya ang address ng bahay na sunod naming pupuntahan.

Makalipas ang ilang minuto. Andito na kami sa bahay ni Natasha.

Napansin ko ang isang lalaking nakatayo mula sa balkonahe ng bahay, si Bryle. Nakatingi sya sa malayo na para bang may iniisip. Maya maya, biglang lumabas si Natasha at niyakap sya mula sa likod.



"Manong ihatid nyo na po ako pauwi."



Ayoko ng makita pa ang mga susunod na pangyayari. Alam kong masasaktan lang ako. Mas minabuti ko ng umuwi.

30 minutes din kaming naipit sa traffic bago pa makabalik ng bahay.

Naabutan ko si Lolo na may kasamang isang babae.

"Jessa, hija, san ka naman nanggaling?"

"May dinaanan lang po."

Napansin kong tumayo yung babae mula sa sofa.



"Oh by the way, I want you to meet Carla. She's my personal assistant. Hindi kita masasamahan sa America dahil masyado akong busy sa opisina, that's why Carla is here to go with you."

Nakipagshakehands ako sa kanya. At para makilala namin ng lubos yung isa't isa, sumabay na sya sa aming kumain ng hapunanan.

Mabait naman pala tong Carla na to. Kinwento nya sa akin lahat ng mga naging experience nya sa America. At tingin ko naman marami akong matututunan sa kanya.




"Si Carla ang magguguide sayo sa US, ituturo nya sayo ang tamang pagkilos, pananamit, pagkain at kung ano ano pa. Kasama na doon ang pag mamanage ng kompanya."

Nagkatinginan kami ni Carla at sabay napangiti.

Matapos ang hapunan, nagpaalam na din si Carla sa amin. Napagkasunduan naming sa airport na kami magkita.





"Nakapag impake ka na ba?" - tanong ni Lolo

"Opo, kanina pa."

"Sige matulog ka na, maaga tayong gigising bukas. Syempre gusto kong ako ang maghahatid sa apo ko sa airport."

Nagtawanan kami ni Lolo. Niyakap ko sya ng mahigpit.




"Salamat lo, hindi ko po kayo bibiguin. Magaaral po ako ng mabuti doon."

Mamimiss ko lahat lahat ng nandito sa Pilipinas, kasama na doon si ano... alam nyo na kung sino. Umakyat na din ako sa kwarto ko, sabi nga ni Lolo, maaga kaming gigising bukas.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now