"He broke up with me," walang paliguy-ligoy na sabi niya.

Napalinga ako sa kanya. "Sino? Si Michael o si Spencer?" may halong pang-uuyam na pag-intriga ko sa kanya.

"Spencer is not my boyfriend," paglilinaw niya.

Napangisi ako. Oo nga pala. Sex buddies lang sila. At magkaiba iyon sa boyfriend. Walang commitment. Walang break up.

At ano pa ba ang ie-expect niya? Matapos ma-witness ni Michael 'yung panloloko niya, inaasahan pa rin niyang ipagpapatuloy pa nito ang relasyon nila? May hangganan din 'yung tao. Nagsasawa rin kaya kailangan nang sumuko.

"Ano namang sabi mo?" tanong ko.

"Nothing. I just let him."

Alangan namang umangal ka pa. Ang kapal naman ng mukha mo niyon.

Buti nga at opisyal nang nakipaghiwalay si Michael kay Hina. Ibig sabihin ay na-realized na niyang tama na ang pagiging dakilang martyr, ayaw na niyang paulit-ulit na masaktan, at tanggap na niyang hindi sila para isa 't-isa. Hindi na rin kasi maaayos ang lahat. Hindi si Hina ang deserving na babae sa kanya, sa pagmamahal niya at sa effort niya. Kahit nga respeto. Pero atleast, sa puntong iyon, sa kahuli-hulihang pagkakataon, nagkaroon sila ng closure at nauwi naman sa mabuting usapang tuldukan ang meron sila. Hindi man maganda ang kinahinatnan ng relasyon nila, kahit paano, wala nang samaan ng loob. Sa pamamagitan niyon ay mabilis na makaka-move on si Michael.

"So, ibig sabihin si Spencer ang pinipili mo?"

Mapait na ngumiti si Hina. "I love him."

Parang mapapatid ang ugat ko sa leeg sa pagkairita sa kanya. Pero pinanatili ko ang pagiging kalmado. "Eh, si Michael, ano bang nararamdaman mo para sa kanya noong kayo pa?"

"I like him."

Sarkastikong napatawa ako. Ang sarap bangasan ng mukha niyang umaaktong sincere at may paawa effect pa. Parang siya pa ang naging biktima sa sitwasyong ito. "Si Spencer, love? Si Michael, like?" Si Spencer na pampalipas oras lang siya ang minahal samantalang si Michael na boyfriend ang waley. Aba, matindeng haliparot!

"Michael and Spencer are different from other men. Michael wanted me not because of sex. Spencer, though he is pervert, we never had sex. Well, just some play and make out. But I felt something more for Spencer. I really love him."

Napailing-iling ako. "Sa tingin ko hindi naman pagmamahal 'yung nararamdaman mo para kay Spencer. Ewan ko kung ano. Hindi ka naman niya nasa-satisfy sa sex, 'di ba?" Ewan ko lang din kung ano naman ang tunay na nararamdaman niya kay Michael dahil niloloko niya ito. Naalala ko na iniwan pala silang mag-ina ng daddy niya kaya siguro ang paglalaro sa mga lalaki ang naging pagrerebelde niya paraan upang makaganti sa mga ito. At si Michael ang isa sa nabiktima na kung tutuusin ay ito lang yata ang nagkaroon ng magandang intensyon sa kanya. Kung sino pa ang loyal, siya pa ang sinasaktan. Tungkol naman kay Spencer, siguro ay may thrill si Hina para rito dahil hindi pa niya ito naaangkin ng lubusan kaya siguro hindi pa niya ito pinapakawalan.

"I don't know. Kay Spencer ko lang kasi naramdaman ang ganitong feeling. That all I want is to be with him only. Na kahit ganoon ang ugali niya and he only treats me as one of his fuck girls, even there 's something wrong with him, even he 's cold to me and unresponsive, gusto ko pa ring nagkukwento sa kanya..."

"Nagkukwentuhan pala kayo?" putol ko sa sinasabi niya.

Napilig ni Hina ang ulo. "Why?"

"Wala." Akala ko kasi puro sex lang ginagawa niyo.

Napadiretso ako ng upo at napahinga ng malalim. Niligpit ko na ang mga libro. Thanks dahil ganyan ka. Madali nang mapapasa akin si Michael.

Tumayo ako at binitbit ang mga book.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon