Chapter 25-Unknown Number

Magsimula sa umpisa
                                    

"Shhh...'wag kang matakot honey.Tinatakot ka lang niyan.At kung sino man siya,i swear I'll send him to hell." ramdam ko ang pagtiim bagang niya kahit 'di ko nakikita ang reaksyon ng mukha niya.

Bigla akong napaisip.Takot nga ba ako?Siguro oo.Ewan.Natatakot siguro ako dahil kapag mamatay ako,paano na lang ang aking ipinangako sa mga parents ko na bibigyan ko ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

Sa ngayon,walang ibang tutulong sa akin kundi si Mico lang.I need him.Mas higit na kailangan ko siya ngayon dahil sa mga pangyayaring into.Siya na lang ang matatakbuhan ko.Siya na lang ang mahihingian ko ng tulong.Siya na lang ang pag-asa ko dahil maimpluwensiyang tao siya.Ngayon pa.Ngayon ko siya kailangan lalo na't alam ko na ang pwede niyang gawin.He has a money.He has a power.Magagawa niya ang lahat sa pamamagitan ng kayamanan niya.

Kung tutuusin,makakaya ko rin ang magbayad ng malaki para matunton ang mga taong nagbabanta sa buhay ko.Pero takot ako.Dahil mag-isa lang akong makikipaglaban.Hindi ko yata kaya kapag wala si Mico.

Ngayong nandito na siya sa piling ko,gusto ko na lang na iasa sa kanya ang lahat.Ang dating Violet na matapang ay nawala na.Nawala na dahil sa nagmahal ito kay Mico.Si Mico na nagpabago ng buhay niya.

"Violet,are you okay now?"

Bumalik ang diwa ko ng dahil sa tanong niya.Inalis niya ako sa pagkakayakap sa kanya at ipinagtama niya ang mga paningin namin.

Nababanaag sa mukha niya ang sobrang pag-aalala.

Tumango ako sa kanya palatandaan na kumalma na ako.Kung ano mang dahilan ni Mico kung bakit nagpanggap siyang bodyguard ko 'yon ay 'di na mahalaga sa ngayon.Kalilimutan ko muna 'yon.

Napansin kong nagdial siya sa phone ko.

"Damn!" mura niya pagkatapos tanggalin ang phone na nasa tainga niya.

"S-sino ang tinatawag mo Mico?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.Nakakatakot kasing magalit siya.

"The asshole that owned this f*cking unknown number." tiim bagang na sagot niya sa akin.

"Bakit kailangan mo pang mag-call back." mahinahon na tanong ko.

"To locate them or him.Kailangan ko silang ma-track Violet." saad niya.

Napaisip ako.Pwede nga naman 'yan.Sa sinabi ni Mico ay nagka-interes ako.

"So ano na ang nangyari?Na-contact mo ba?" mabilis kong tanong.

"It's out of coverage.It means,sadyang ginagamit lang ang number na iyon sa pananakot sa iyo Violet.But I'll try to locate it again.Let see if what the best thing that I can do." pagkasabi niay ay hinila na niya ako.

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay niya.Ni hindi na ako nagtanong kung ano ang gagawin nami sa taas.

Maya pa ng kaunti ay nakarating kami sa isang kwarto.Binuksan niya ito kaagad at bumulagta sa akin ang kulay asul na mga bagay.Mula sa mga beedshets at kurtina ay light blue into.Halatang lalaki ang nagmamay-ari ng kwarto.

"This is my bedroom hon." sabi niya.Pero seryoso pa rin ang mukha niya.

Malaki ang kwarto na ito.Napansin ko rin na may mga kagamitan ito kagaya na lamang ng mini refrigerator, telebisyon,gadgets na nakalagay sa isang table.

Agad niya akong hinila papunta sa isang table na naroon ang mga gadget.Nandito din ang laptop.Kaya agad niya itong binuksan.

May kung ano siyang kinalikot sa kanyang laptop.Pinagmamasdan ko lang siya.

"Shit!I can't." bulong niya.Kaya napakunot ako ng noo.

"Ano bang nangyayari Mico?" tanong ko.

"Hindi ko ma-locate ang nagmamay-ari ng unknown number na 'yan Violet dahil walang signal 'yan.Damn!" inis niyang isinara ang laptop.Kahit ako ay bigla ding nanlupaypay.

"Mico?" bumalik ang kaninang takot ko na humupa na.

"You better rest first Violet." hinawakan niya ang mga kamay ko at iginaya ako sa kama. "Sleep ka na hon.I love you." marahan niya akong inihiga pagakatapos niyang halikan sa mga labi. "'Wag ka ng mag-alala.Ako na ang bahala.Magtiwala ka sa akin hon.Hindi ko hahayaan na may mangyari sa 'yo." pabulong na saad niya sa punong tainga ko.Pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

"Mico,hindi ako makakatulog ng naka-ganito lang.'Di ako nakabihis oh." reklamo ko ng maalala na hindi pa nga talaga ako nakabihis.

"It's okay hon.Mabango ka pa rin kahit 'di na maliligo eh." kinindatan niya ako at nginitian ng pilyo. "Gusto ko lang na makapag-pahinga ka.Kahit naman 'di ka pa nakabihis at nakaligo,'di magbabago ang pagmamahal ko sa 'yo.Tandaan mo 'yan Violet.Kaya matulog ka na,okay?" patuloy niya.

At heto na naman ako.Kinilig sa mga sinabi ng isang Mico Aragon.

"I love you Mico." nakangiti kong pahayag sa kanya.

"I love you too Violet." hinalikan niya ang likod ng palad ko.Pagkatapos n'on ay ipinagsaklob niya ang mga kamay namin.Hinalikan pa niya ako ulit sa mga labi. "Goodnight hon." bulong pa niya.

Pumikit na ako ng aking mga mata.Naramdaman ko na lang na gumalaw ang gilid ng kama.Ibig sabihin,naupo siya doon.

Kaya nakatulugan ko na ito.Nakatulog ako na nakangiti at nagpapasalamat na may isang Mico na nagmamahal sa akin.

"S-sino ka?" garalgal kong tanong sa taong bigla na lamang humila sa akin.

Nanginginig ang buo kong katawan sa takot.Halos nanigas pa ako sa nasaksihan ko.

"Dito ka magtago.Dali.Dito sa halamanan.Hindi ka nila makikita." saad niya sa akin habang itinutulak niya ako sa loob ng halamanan na malago.

Nagtama pa ang mga mata namin. "Sino ka nga." ulit kong tanong.

"Ssshhh...'wag kang maingay.Maririnig nila tayo." saway niya sa akin.

Kahit naka-bonnet siya ay nakikita ko pa rin ang maganda niyang mata na para bang naka-ngiti.

"'Wag kang matakot.Ligtas ka sa akin.Hindi kita pababayaan." saad niya ulit.

Kaya dahil napanatag ako,hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa may halamanan.

Agad akong napadilat ng mga mata ko.Nanaginip ako.Napanaginipan ko 'yon.

AN: Please read.

Hindi po ako magaling sa action.Kaya wag po kayong magreklamo na hindi detalyado ang pagkakasulat ko sa mga kaganapan.Haha.peace na po.Wag kayong humingi ng matinding aksyon.Kasi hindi talaga ako magaling diyan.Ang gusto ko lang gawin sa kwentong ito ay ang magpakilig at maisakatuparan ko lang ang twist o plot nito.

Thanks a lot people.Sana maintindihan niyo ako.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon