My heart is still the same..

Pinagmasdan ko pa siya at wala sa sariling napangiti ng kaunti. May kaunting stubble na siya but it doesn't make him less handsome.

"Tinted naman tong kotse mo diba?" tanong ko sakanya habang nakatingin parin kay Dylan. Mukhang inip na inip na ito sa sobrang traffic. Naka shades pa siya.

"Yup" mahina niyang tugon. 

"Dylan!" napalingon ako nung makitang nakababa na ang bintana sa tabi ni Jerem at lumingon sakanya si Dylan. 

Mukhang nagulat si Dylan at ngumisi ito kay Jerem.

"Sup bro! Kababalik lang namin from New York." masayang bati niya at nakita kong napa face palm si Jade.

"I'm good. Let's catch up soon" sabi niya at nakita kong nag green na ang stop light.

Bago paandarin ulit ni Jayden ang kotse ay napatingin ako ulit sakanya at napaawang ang bibig ko nung makita ko siyang nakatingin sakin. Parang tagos na tagos ang tingin niya sa akin pero imposible.. tinted ang kotse ni Jayden.

Pinilig ko ang ulo ko at tumingin sa harap.


"See you later at lunch" sabi ko kay Jayden at Jerem. Tumango naman ang dalawa at pinaandar na ni Jayden ang kotse niya.

"Let's go" sabi ko at pumasok na kami ni Jade sa loob ng condo. Si Jade ang kumausap doon sa front desk habang ako ay nag tingin tingin.

"Just bring my luggage outside" napatingin ako sa nagsalita. Natigilan ako nung makita ko si Stephanie. Mukhang natigilan din siya. 

Jasmine umayos ka! You are not the same Jasmine before.

"Hello" yun ang una niyang bati sa akin. Ipinakita ko naman ang pinaka pormal kong ngiti sakanya.

"Hi" sambit ko gamit ang tono ko kapag kausap ko ang mga kliyente ko.

"Well, I can see that you've reached what you want to reach before. A famous model I can see" sabi niya at ngumiti naman ako. 

"Thank you for that. I am sorry dahil wala akong narinig na balita about you" nakangisi kong sabi at lumapit na si Jade sa akin.

"Well that is okay. You should wait for Dylan. Papunta na siya dito para naman mag ka kumustahan kayo" tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya.

So siya pa rin after all?

Wala akong pakielam.

Wala naman talaga akong dapat ipakielam.

Sino bang niloloko ko? Of course I am jealous! After all this years ay hindi naman nag bago ang nararamdaman ko pero base sa sinabi niya ay sila na ata. 

"No need, we need to go." sabi ko at nilampasan na siya. 

Kinuha ko ang gamit ko at tumuloy na kami ni Jade papuntang elevator.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Jade at ngumiti naman ako sakanya.

"I need to" sabi ko at sumakay na sa loob ng elevator.

Tinungo namin ang unit namin. Magkatabi lang kami ng unit gaya ng napag planuhan.

Pag ka pasok ko sa unit ko ay napangiti ako. I feel so independent, sa New York kasi ay kila mommy pa rin ako nakatira. Napakaganda ng ambiance dito at maganda ang taste ni Ate Pin.

Linibot ko ang tingin ko dito at lalo akong napangiti nung makita ang balcony. Lumapit ako dito at lalo akong natuwa dahil hindi ko katapat ang mga buildings- Manila bay ang kaharap ko.

"Jas!" tawag sa akin ni Jade kaya napatingin ako sakanya dahil nasa balcony din siya. Pero mukhang natigilan siya dahil sa bagay o taong nasa likod ko.

Dahan dahan akong lumingon at nagulat ako dahil nandito si David.

Napatingin ako kay Jade na nag madaling pumasok sa unit niya ulit.

"Hi Jas" napalunok ako at ngumiti. Lumiliit ang mundo sa amin. 

"Hello David." kung nandito si David ay mataas ang tyansa na nandito din si Dylan. I hope not.. I am not still ready.

"Dylan is not here" natigilan ako sa sinabi niya. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"I know.." mahina kong sabi at mapait na ngumiti.

"If you don't mind, I need to go" sabi ko at tuluyan ng pumasok sa unit ko.

I should have expected this.. but by simply hearing his name makes my heart beats fast.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now