CHAPTER 19:

15.3K 376 12
                                    

A year later...

Isang taon ang lumipas, sa loob ng isang taon marami ang nagbago. Naisipan ni Patty tumiwalag na sa international archeological field na pinagtatrabahuan nya, ang dahilan nya ay susubukan nyang patakbuhin ang negosyo ng pamilya nila. Pero bukas pa din sya sa ideya sa paminsan-minsang volunteer sa pagtuturo ng kahalagan ng mga world archeological sites para kahit papaano ay mapakinabangan nya ang talento nya sa field na ito kung saan sya eksperto. Blogger na din sya at isang photographer, marami syang natuklasan sa sarili nya na akala nya ay hindi nya kaya dati. Pero iisa bagay ang hindi nagbago sa puso nya.

  "Ms. Patrice, nasa labas ho si Mr. Lucas Fontalejo, gusto daw po kayong makausap."

Untag ng secretary ni Patty sa kanya.

  "Ah, ganoon ba. Let him in."

Sabi nya. Tumango ito at lumabas na din. Wala pang ilang sandali  ay pumasok na din si Lucas.

  "Hey Pat! Busy?"

Tanong nito sa kanya. Lumapit ito sa mesa nya.

  "Sort of Lucas. What brings you here?"

Tanong nya. Ngumiti ito.

  "Hey! Such formality."

Sabi nito sa kanya. Ngumiti sya.

  "Pasensya na, nasanay na eh. Oh? Ano balita?"

  "Uhm, gusto ni mom and dad na magdinner tayo lahat mamaya."

Sabi ni Lucas sa kanya. Tumango naman sya.

  "Okay, sige. What time?"

  "Around 7. Sa bahay."

Sabi nito.

  "Okay, ako lang ba?"

  "Isama mo pati parents mo and yung sister mo."

Sabi nito. Nagtaka naman sya.

  "Bakit? Para saan?"

  "I don't know. Basta isama mo na lang."

  "Okay. Bakit ka nga pala dumaan dito?"

Tanong nya.

  "Ah wala, para sabihin iyon."

Sabi nito. Kumunot ang noo nya.

  "Iyon lang?"

Tumango naman ito.

  "Hah! Ayos ka din. Sana nagtext ka na lang o tumawag."

Sabi nya. Tumawa lang ito at tumayo.

"Wala lang, trip lang. Uhm, okay ka lang ba?"

Tanong nito sa kanya.

  "Oo naman? Bakit?"

  "Wala naman. Sure ka?"

Tanong ulit nito.

  "Labas na Lucas. Nang-aasar ka na naman. Nahawa ka na Nathan."

Bigla syang natigilan sa sinabi. Out of nowhere ay nasabi nya iyon.

  "You miss him?"

Tanong ni Lucas. Hindi nya iyon sinagot bagkus ay binalik na ang tanong dito.

  "You miss him?"

  "Yes, I miss my brother. I bet you do. A lot."

Walang prenong sabi ni Lucas. Okay. Paano mo nalaman?

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt