CHAPTER 11:

14.1K 412 5
                                    

Napagdesisyunan na ni Patty na tumira na muli sa condo nya, simula noong magkolehiyo sya ay natuto na syang maging independent sa sarili. Isa pa ay may gagawin syang feedback paper about sa pinuntahan nila noong nakaraang buwan sa Italy.

"Patty, sigurado ka ba anak na doon ka na ulit sa condo mo titira?"

Tanong ng mommy nya sa kanya.

"Opo mommy, namimiss ko na din po iyong condo ko eh. Pero wag po kayong mag-alala, palagi akong dadalaw dito sa bahay."

Paglalambing nya dito.

"Hay nako ma! Lilipat lang yan sa condo dahil namimiss nya na si kuya Nathan, palagi na silang magkikita."

Pang-aasar naman ni Mari sa kanya. Tiningnan naman nya ng masama si Mari.

"Oh? Bakit ka ganyan makatingin sa akin ate?"

Pang-aasar lalo nito sa kanya.

"Oo nga anak? Magkababata kayo ni Nathan, hindi ka ba man lang nagwapuhan o nagkagusto sa kanya? Eh yung mga ibang babae nga dyan ngumiti lang si Nathan ay nagkakandarapa na sila, ikaw wala man lang."

Sabi ng mommy nya.

"Pero kung makapagPDA akala mo mag dyowa.

Segundan naman ni Mari. Hinampas nya ng unan ang kapatid saka umupo ng maayos.

"Ma, bestfriend ko lang po talaga si Nathan, parang kapatid, tsaka napakaimpossibleng magkagusto iyon sa akin, alam ko ang tipo nya pagdating sa mga babae."

Sagot nya sa mga ito.

"Walang impossible sa mundo anak. May mga astronout na ngang pupunta sa Mars, kayo pa kaya ni Nathan?"

"Mom anong connect ng Mars sa aming dalawa ni Nathan?"

"Eh basta, ikaw umintindi Patrice."

Sabi ni mommy. Natawa na lang ako sa sinabi ni mommy.

"Pero ate, seriously, what if manligaw si Nathan sayo? May chance ba?"

Tanong ulit sa akin ni Mari, nakatutok pa din ako sa tv, pero wala akong maintindihan sa pinapanood ko. May pag-asa nga ba sayo Nathan? Tanong nya sa isip nya. Meron ba? Meron ba?

Bigla nyang naalala ang mga lambingan at kulitan nila.

"I love you kambal."

"Che! Wag ka ngang ano Nathan!"

"Wag ano"

"Basta! I love you ka ng i love you dyan, eh hindi naman kita boyfriend."

"Bakit kailangan bang maging boyfriend mo pa ako para lang masabihan kita ng i love you?"

"Hindi naman sa ganoon."

"Gusto mo ligawan kita?"

Sabi nito sa kanya, napatingin sya dito. Seryoso ang mukha nito.

"Anong pinagsasabi mo dyan Nathan?"

"I said gusto mo bang ligawan kita?"

"Loko mo Nathan."

Nanlaki ang mga mata nya nang biglang lumalapit ang mukha nito sa kanya.

"Oy, anong ginagawa mo?"

Sabi nya dito, napalunok na lang sya. Parang matutunaw sya sa mga titig nito sa kanya. Kumabog ng husto ang puso nya. Nang malapit na malapit na ang mukha nito ay napapikit na lang sya.

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now