Chapter 13:

13.9K 399 6
                                    

Nasa isang coffee shop ngayon si Patty kasama ang bestfriend na si Julian, isa itong BEKIkang. Bukod kay Nathan, ito palagi ang kasama nya, nagdalang na nga lang ang kanilang pagkikita dahil nga paminsan-minsan ay sa ibang bansa sya naassign. Kaagad nya itong tinawagan kanina dahil na miss nya na din ang bruhang ito. At isang pang nakakapagpagulo ng isip nya ngayon ay iyong nangyari kaninang umaga, hindi sya makapagconcentrate sa ginagawa kaya naman binulabog nya ang buhay ng kaibigan. Pero hanggang ngayon ay di pa din nya makalimutan ang nangyari.

*flashback*

Pumunta sya sa laundry room para kunin ang bathrobe nya, pasayaw-sayaw pa sya dahil nakapasak sa tenga nya ang earphone. Naka bra and underwear lang sya dahil sya lang naman ang tao sa loob ng condo nya. Papunta na sana sya ng kwarto nya para maligo nang makita nyang may tao sa sofa, kaya agad nagpanic sya at napasigaw.

  "WHAT THE FVCK!!"
Si Nathan pala iyon, gulat na gulat din ang kaibigan at kaagad naman itong tumalikod sa kanya. Napatakip sya sa katawan nya dahil sa suot nya.

  "Fvck! Sorry Patty! I didn't know that--"
Sabi nito sa kanya na nakatalikod pa din. Pumasok na sya sa kwarto at naglock, isinuot nya ang damit, pati ang bathrobe.

  "Sa susunod Nathan kumatok ka o magdoorbell ka naman! Hindi porket alam mo ang ang passcode ng unit ko ay papasok ka na lang nga basta basta!!"

*end of flashback*

   "Aaaahhh!!"

  "Hoy bruha!! Wag kang sumigaw dito!"

Binatukan sya ni Julian dahil sa ginawa nya.

  "Aray ko! Bruha ka din!"

Sabi nya dito habang hinihilot ang ulo nya. Lakas talaga makabatok nito.

  "Bakit ka kasi sumisigaw dyan? Mahiya na naman mare!"

  "Eh kasi naman Julian!"

  "Eh kasi ano? May nangyari ba? May nangyari na sa inyo Nathan?!"

Gulag na gulat na tanong nito saka humagikgik.

  "Gaga! Wag kang green minded!"

Mahinang sinabunutan nya ito.

  "Eh malay ko ba kung ano iyang dinadrama mo? Hindi ako si madam Auring para manghula, mas maganda ako sa thundercat na iyon no!"

Maarteng sabi nito sa kanya.

  "Eh kasi naman bakla!"

  "Ano nga kasi? Puro ka drama dyan! Kung sinabi mo na ang hinihimutok mo dyan eh di finish na!"

Maarteng sagot ng kaibigan nya. Bumuntong hininga sya.

  "Okay okay, sasabihin na."

Lumapit naman ang kaibigan nya sa kanya. Binulong nya dito ang nangyari.

Walang ilang minuti ay tumili ito.

  "OH MY GOOOOOOSSSHHH!! TRULALEY?!"

Kinikilig na sabi nito. Tinakpan nya ang bunganga ng baklitang kaibigan.

  "Ano ba Julian! Yung bunganga mo!"

Saway nya dito. Pero kinikilig pa din ito, kinakagat kagat nito ang straw at impit pa ding tumitili. Well, hindi naman nya masisi ito.

  "So anong drama ko te nung nakita ka nyang ganun lang yung suot mo?"

Tanong nito. Namula ang magkabilang pisngi nya nang muling maalala ang nangyari.

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now