CHAPTER 5:

16K 474 13
                                    

Pagdating nila sa restaurant ni Nathan ay napansin nyang walang tao. Nagtaka sya.

"Oh? Bakit walang katao-tao itong resto mo? Eh diba palaging puno to?"

Sabi nya dito pero hindi nito sinagot ang tanong nya, ngumiti lang ito.

"Halika na."

Inakbayan sya nito at pumasok na sila sa loob ng resto. Pagpasok nila ay nakapatay ang mga ilaw.

"Nathan? Ano ito?"

Sabi nya kay Nathan at nagulat sya nang biglang may sumigaw at nagbukas ng ilaw.

"WELCOME BACK PATRICE!!"

Bumungad sa kanya ang mukha ng mga magulang, kapatid, at mga malalapit na kaibigan nya. Pati ang Fontalejo Princes.

"P-paano nyo nalaman na ngayon na ang uwi ko? I mean ang alam nyo bukas pa diba?"

Sabi nya sa mga ito. Walang sumagot sa mga ito bagkus ay tumingin ang mga ito kay Lucas. Tama nga ang hinala nya. Dahil si Lucas lang naman ang kasama nya sa private plane. Alangan naman ang piloto di ba Patty? Shunga lang?

"Hehe. Sorry Pat from telling them."

Sabi sa kanya ni Lucas.

"Bakit baby, di mo ba nagustuhan ang surprise namin?"

Sabi ng Daddy nya. Umiling sya.

"No Dad, I just don't expect this. Thank you guys."

Sabi nya, naiiyak na sya dahil sa surprise ng mga ito. Niyakap sya ng mommy at daddy. Doon na sya napaiyak ng todo dahil namiss nya ang mga ito. Halos ilang buwan din sya sa Italy.

"I miss you all guys."

Sabi nya.

"We miss you too Patty."

"Okay! Group hug!!"

Narinig nyang sigaw ni Yuan, pinsan ni Nathan. Naramdaman nyang naggroup hug na nga dahil bumigat na.

"Okay tama na. Di na ako makahinga."

Sabi nya. Bumitaw naman ang lahat.

"Tama na yan! Kumain na tayo! Lalamig na ang pagkaing niluto ni Nathan."

Sabi ng mommy nya. Bumaling sya kay Nathan na nakaakbay pa din sa kanya.

"Nakapagluto ka pa talaga?"

Sabi nya dito na nakaakbay pa din sa kanya.

"Oo naman kambal. Basta ikaw, gagawin ko lahat. Kaya nga naka chef uniform pa ako dahil wala na akong time na magpalit."

Sabi nito sa kanya.

"Kaya pala amoy ulam ka kambal."

Sabi nya na bahagyang inamoy ang damit nito.

"Gwapo pa din naman ako kahit amoy ulam. Hahabulin pa din ako ng mga babae."

Sabi nito sa kanya at kinindatan sya.

"Loko. Halika na nga. Nagugutom na ako."

Hinampas nya ito ng marahan sa braso.

**********

"Akala namin anak magtatagal ka pa sa Italy."

Sabi ng tatay ni Patty sa kanya.

"Natapos po kasi namin kaagad yung project namin kaya pinayagan na kami ng team leader namin na umuwi na."

Sabi nya dito habang kumakain sila.

"Ano namang feeling na kasama mo ang mga kalansay Patty?"

Sabi sa kanya ng kapatid nya na sa si Mari.

"Ano ba namang klaseng tanong yan Mari, kita mong nasa harap tayo ng pagkain."

Saway ng mommy nya sa kapatid nya. Nagtawanan naman ibang naroon.

"Wala ka bang nakilalang gwapong Italiano doon?"

Tanong sa kanya ni Eric, bunsong kapatid ni Lucas at Nathan. Natawa sya sa tanong nito.

"Hmm? Meron naman Eric."

Sumakay na lang sya sa biro nito.

"Ooohhh!! Sino Patty? Magkwento ka naman!"

Sabi naman ni Yuan, pinsan ni Nathan. Magsasalita na sana sya nang biglang nagsalita si Nathan.

"Walang nakilala si Patty doon dahil busy sya sa paghuhukay ng kalansay doon, nasa underground catacomb sila kaya walang gwaponh lalaki doon."

Sabi ni Nathan at dinagdagan ng pagkain ang plato nya. Pinalo nya ang kamay nito.

"Uy, wag mo namang tambakan ng pagkain ang plato ko, hindi ko na mauubos yan eh."

Saway nya dito. Tiningnan sya nito ng masama.

"Ooohhh! Mukhang may nagseselos."

Sabi ni Yuan. Binatukan ito Liam na kapatid nito.

"Wag ka nang mang-asar Yuan."

"Aray Liam ah, masakit."

Hinilot ni Yuan ang ulo nito at natawa naman ang iba sa kulitan ng dalawa.

"Actually may nakilala si Patty."

Biglang sabi ni Lucas. Napatingin ang lahat dito, pati sya ay nagulat sa sinabi nito. Anong pinagsasabi ni Kuya Lucas?

"Meron nga Lucas?"

Tanong ng mommy nya.

"Opo tita."

"Eh sino iho?"

Tanong naman ng daddy nya. Eh sino nga bang nakilala ko?

"Ako po."




A/N: HALAAAAAAA!!! ANONG IBIG SABIHIN NI LUCAS? haha! What a cliff hanger. Abangan ang susunod na kabanata. ;)

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks ;)

P.s.
Oi Lucas! Wag mong landiin si Patty, ako na lang. Hahahaha! XoXo

(Lucas: baka mahalin mo na ako miss author kapag ikaw ang nilandi ko. Hahaha! Jk. ;))

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now