CHAPTER 1:

32.3K 575 19
                                    

Nagsimula nang iempake ni Patty ang gamit nya dahil bukas ay babalik na sya ng Pilipinas. Halos dalawang buwan din sya sa Italy para pag-aralan ang Catacombs of Palermo, isa syang archeologist. Trabaho nyang magsaliksik tungkol sa nakaraan at bigyang linaw kung paano nabuo ang sangkatauhan. Para sa ilan na hindi nakakaintindi sa kanya ay natatawa ang mga ito pero nagkikibit balikat na lang sya. Wala syang pakialam sa sasabihin nila. Habang nag-aayos sya ng gamit ay biglang nagring ang cellphone nya.

*Nathan Gwapo incoming call*

Huminga sya ng malalim at sinagot ang tawag. Pero bago pa sya magsalita ay nagsalita na ang lalaking nasa kabilang linya.

"Yo Italiana!"

"Nathan, bakit ka napatawag?"

Sabi nya dito. Nilagay nya sa balikat ang cellphone para maipagpatuloy ang pag eempake.

"How's Italia, mi amor."

Sabi sa kanya ni Nathan na may pagka Italian accent ang dating. Natawa na lang sya.

"Sira ulo ka talaga kahit kailan. Anong kailangan mo?"

"Ouch, sinasaktan mo ang aking damdamim kambal. Porket ba tumawag na ako, may kailangan na agad? Di ba pwedeng miss na kita?"

"Hay! Nathan, tigilan mo ako. Di mo ako madadala dyan sa pagpapacute mo, anong kailangan mo? Dali na."

"Hehe. Si kambal talaga, alam na alam ang estilo ko."

"Buti alam mo. So ano nga?"

"May nakuha ka bang ancient recipe dyan? Halos ilang buwan ka nang namamalagi dyan sa Italy."

Sabi nito sa kanya. Sabi ko na nga ba. Palagi kasing request nito na maghanap sya ng mga ancient recipe o kahit na anong idea na maidadagdag nito sa pagluluto, isa kasi itong Chef.

"Hindi foodtrip ang pinunta ko dito Nathan, sa Catacomb of Palermo ang assignment namin."

"Alam ko namang mahal na mahal mo ang paghuhukay ng mga kalansay. Pero wala ka bang nakuha kahit isa lang?"

Ginawa sya nitong food researcher. Ano kaya kung bigyan ko to ng recipe kung paano gumawa ng bone soup ng mga sinaunang cannibal.

"Wala nga Nathan, wag kang makulit."

Kahit di nya ito nakikita ay alam nyang binagsak nito ang balikat sa sinabi nya. Narinig nya itong huminga ng malalim at saka nagsalita.

"Okay kambal. Ang mabuti pa umuwi ka na dito."

"Bakit mo na ako pinapauwi? Napatrouble ka na naman ba sa mga babae mo ha kambal?"

Sabi nya dito.

"Hindi no, my flings has nothing to do with this. Nakakamiss ka na kasi kambal."

"Impossible, sa dami ng mga babae mo, panigurado nakalimutan mo na ako."

Sabi nya dito. Umupo sya sa kama at saka itinupi ang mga damit nya.

"Ikaw lang naman ang nag-iisang babae para sa akin kambal."

Sabi nito sa kanya. Narinig nya may nagsalitang babae sa kabilang linya.

"Sino yang kausap mo Nathan?"

Napakunot ang noo nya sa narinig.

"Sino yun Nathan?"

Tanong nya.

"Ah eh, wala yun. Hehe."

Narinig nya ulit ang boses ng babae.

"Nathan babe, patayin mo na yan. Let's continue what we're doing."

"Hoy Nathan! Sino yan?"

Hindi agad nagsalita si Nathan sa kabilang linya. Sabi ko na nga ba, busy na naman ito sa mga babae nya.

"Hello kambal, nandyan ka pa ba?"

Nagsalita na si Nathan sa kabilang linya.

"Oo, eto buhay pa. Sabi ko na nga ba, busy ka na naman sa mga babae mo."

"Wala iyon kambal."

"Ewan ko sayo Nathan! Sige na, ibababa ko na ito, may ginagawa pa ako."

"Okay, umuwi ka na dito kambal, miss na kita sobra."

Paglalambing nito sa kanya. Baliw talaga.

"Hindi na ako uuwi dyan."

"Walang ganyanan kambal."

"Sige na. Babye."

Sabi nya.

"Okay, babye. I love you kambal."

Sabi nito sa kanya. Pinutol na nya ang linya. Natawa na lang sya sa huling sinabi nito. Loko talaga! Napahiga na lang sya sa kama nya. I love you daw.





A/N: heyyyyyy!!!! It's good to be back!! Sana po suportahan nyo ang kwentong ito. Wahihi! Muli nating pagsaluhan ang gwapong playboy na si Nathan. Hehe! Peace Patty!^_^

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon