CHAPTER 16:

14.4K 379 6
                                    

Maagang gumising si Patty ng araw na iyon dahil susunduin sya ni Lucas para magkape. Dahil 7am pa lang naman ay naisipan nya munang mangapit-bahay muna kay Nathan. Lumabas sya ng bahay at pumunta sa bahay ng kaibigan. Pinindot nya ang passcode ng bahay nito at pumasok na pagkabukas.

  "Nathan?"

Tawag nya sa pangalan nito. Walang sumasagot. Pumunta sya sa kwarto nito para tingnan kung nandoon ito pero walang tao.

  "Asan na yung lalaking iyon?"

Sabi nya sa sarili nya. Hinalughog nya ang buong bahay nito pero wala talaga. Kumuha sya ng chocolate drink sa ref nito. Dahil wala ito ay lumabas naman lang sya ng bahay nito. Tamang-tama dahil pagkalabas nya ay nasa tapat ng pintuan nya si Lucas.

  "Kuya Lucas?"

Napalingon ito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya.

  "Good morning Pat!"

Bati nito sa kanya.

  "Good morning din. Kanina ka pa ba dyan? Pasensya na kuya Lucas, hinanap ko lang si Nathan, kaso wala eh, mukhang pumunta na ng resto nya."

Sabi nya dito.

  "Ah, okay. So? Lets go? Lets some breakfast?"

Sabi nito sa kanya.

  "Ah, yeah! Tara!"

Sang-ayon naman nya. Naka casual outfit lang ito. At ganoon din naman sya. Pagkalabas nila ng condo ay naglakad-lakd muna sila.

  "Kumusta ka naman Pat?"

Sabi ni Lucas sa kanya.

  "Ah, okay naman kuya."

Sabi nya.

  "Lucas na lang, from now on Lucas na lang ang itawag mo sa akin? Okay?"

  "Eh, sigurado ka?"

  "Yes."

Sabi nito sa kanya.

  "Okay, sige, sabi mo yan. Lucas."

Natatawang sabi nya. Habang nagkukwentuhan sila ay hindi nya mapigilang isipin kung saan si Nathan. Palagi kasi itong pumupunta sa bahay nya para doon magluto ng breakfast o kaya itetext sya. Pero wala syang natanggap ni isa. Pagkatapos nilang maglakad-lakad ni Lucas ay pumasok sila sa isang coffee shop. Pagkaupo nila ay umorder sila agad ng makakain.

  "May I get your order mam, sir?"

Sabi ng lumapit na waiter sa kanila.

  "Twinning's black tea with skim milk and blueberry muffin please."

Sabi nya sa waiter. Nilista naman iyon ng waiter.

  "How about you sir?"

Baling nito kay Lucas.

  "Black coffee without sugar ang egg omelet."

Sabi ni Lucas. Nilista muli ng waiter ang order nito. Umalis na ito at naiwan na sila.

  "Pat? May itatanong sana ako."

Biglang tanong ni Lucas sa kanya.

  "Ano iyon?"

  "May gusto ka ba kay Nathan?"

Nagulat sya sa tanong nito.

  "Kuya Lucas naman! Ah-I mean Lucas. B-bakit mo naman natanong iyan?"

Sabi nya. Bigla syang kinabahan sa tanong nito.

  "Wala lang, kasi di ba? You've been bestfriends since highschool? Tama ba? Hindi ka ba naiinlove sa kanya?"

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora