CHAPTER 14:

14K 408 15
                                    

Nang umagang iyon ay nakatanggap na naman ulit ng bulaklak si Patty. Ilang araw na syang nakakatanggap ng ganoon. Nagtataka na sya kung kanino galing ang mga iyon. Wala naman kasing nakapangalan. Saktong pagkakuha nya nang bulaklak ay lumabas si Nathan sa unit nito.

"Oh kambal? Kanino galing ang mga iyan?"

Lumapit ito sa kanya at kinuha ang mga bulaklak.

"Eh hindi ko alam. Basta tuwing umaga ay mayroon nang ganyan sa tapat ng unit ko. Akala ko ikaw nag nagpapadala ng mga ito."

Sabi nya dito. Kumunot ang noo nito.

"What?! No Im not. Hindi ako nagpapadala ng mga ito."

Sabi ni Nathan sa kanya. Para syang nakaramdam ng lungkot sa sinabi nito.

"Kung bibigyan kita ng bulaklak ay sa personal, hindi sa ganito."

Sabi ni Nathan sa kanya. Kinuha nya ang bulaklak sa kamay nito.

"Akin na nga yan! Akin itong mga ito."

Sabi nya, walang anu-ano'y pumasok din si Nathan sa bahay nya.

"Oh? Nagtetresspass ka na naman."

Sabi nya.

"Nakadamit ka naman eh."

Makahulugang sabi nito sa kanya. Napukpok nya ito ng wala sa oras gamit ang bulaklak na hawak nya.

"Bastos!"

Tumawa lang ito. Napasin nito may mga bulaklak sa vase nya.

"Dapat hindi ka tumatanggap ng bulaklak."

Seryosong sabi nito sa kanya.

"Eh? Bakit naman?"

Naguguluhanh tanong nya dito.

"Baka magkaallergy ka. O kaya may higad iyan. Akin na nga iyang hawak mo! Dapat dito ay itapon na. Baka kung ano pang meron sa mga ito. Baka may bomba, o hidden camera."

Sunod-sunod na sabi nito. Kinuha nito ang mga bulaklak sa vase pati ang hawak nya ay tinapon iyon sa basurahan nya.

"Oy! Bakit mo tinapon ng mga iyon!"

Bulyaw nya dito.

"Nag-iingat lang Patty. Mahirap na sa panahon ngayon. Magpasalamat ka na lang sa akin."

Sabi nito sa kanya. Tiningnan nya ito ng masama.

"Eh galing iyon sa admirer ko eh."

Pagmamaktol nya. Kukunin sana nya ang mga bulaklak nang bigla syang yakapin nito mula likod.

"Ibibili na kang kita ng bulaklak kung gusto mo, yung mas maganda pa sa mga iyan. Okay? Wag ka mo lang tanggapin ang mga iyon."

Sabi ni Nathan sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso nya sa ginawa nito. Halos marinig na din nya ng tibok ng puso nito. Para naman syang kinukuryente sa bawat paghinga nito sa dumadampi sa balikat nya.

"Nathan?"

"Hmm?"

Hindi pa din ito kumakalas sa pagkakayap sa kanya.

"Let me go."

"I don't want to."

Sabi nito sa kanya. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Mukhang bagong paligo ito dahil amoy na amoy nya ang aftershave cologne nito, nanunuot iyon sa nostrils nya. Parang inaakit sya. Parang mawawalan ng lakas ang tuhod nya pero dahil sa nakayakap sa kanya si Nathan ay may suporta sya.

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now