CHAPTER 2:

20.6K 497 7
                                    

Habang naghihintay si Patty na tawagin ang flight nya ay nagdadraft sya ng article nya about sa research nya sa Italy. Habang abalang-abala sya sa pagtipa sa laptop nya ay nagulat sya dahil may tumapik sa balikat nya.

"Ay butete!"

Napalingon sya sa likod nya.

"Patty!"

"Kuya Lucas!"

Si Lucas pala, ang nakakatandang kapatid ni Nathan. Parang kuya-kuyahan nya na ito. Umupo ang lalaki sa tabi nya.

"Bakit nandito ka sa Italy kuya Lucas?"

Tanong nya dito.

"I had a business meeting here."

Sabi nito sa kanya. Tiningnan nito ang laptop nya.

"Doing an article for you research?"

Tanong nito sa kanya.

"Yeah."

Tumango sya at inadjust ang salamin nya.

Napansin nyang naka business suit pa ito at may maliit lang na backpack na dala.

"Nasaan ang maleta mo kuya?"

"Ah, wala. Kaninang umaga lang ako dumating dito dahil may urgent meeting akong pinuntahan. Pasakay na ako ng eroplano nang nakita kita dito."

"Kaninang umaga ka lang nandito at uuwi ka na ngayon? Wow! Iba talaga kapag mayaman! Ginagawang Makati na lang ang ibang bansa."

Saludo talaga sya dito.

"So, halika na? Sumabay ka nasa akin."

Alok nito sa kanya.

"Sasabay? Bakit may sarili ka bang eroplano?"

Tanong nya dito. Ngumiti ito sa kanya at kinuha ang maleta nya at tumayo na.

"T-teka, seryoso ka ba talaga kuya Lucas?"

Sumunod sya dito.

"Come with me and see."
Okay na din ito para hindi hassle. Wahaha! Lihim syang napangiti dahil matagal na syang may crush dito. Paano naman kasi ay sobrang bait at sweet nito sa lahat. Kahit malayo ang age gap nila ay gusto nya ito. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito. Sabi nya sa isip nya. Nakarating sila sa hangar ng airport. Humarap si Lucas sa kanya.

"We're here."

Nakangiting sabi nito sa kanya. Tumamad sa kanya ang isang private plane. May eroplano nga sya.

"Sa iyo 'to kuya Lucas?"

Napanganga sya sa pagkamangha.

"Well, it's our family's private plane. Yes it's also mine."

Sabi nito sa kanya.

"Wait for me here."

Iniwan sya muna nito sandali sa isang tabi. Lumapit ito sa mga trabahador sa hangar. At nagulat sya dahil marunong pala itong mag-Italian. Aakalain mong isa itong Italiano dahil parang sanay itong magsalita ng Italian. Sinenyasan sya nitong lumapit, pumunta sya sa direksyon nito.

"This is my friend, she will come with me, and we will be leaving now."

Sabi ni Lucas sa staff ng hangar.

"Yes, Mr. Fontalejo."

"Patty, ibigay mo sa kanila ang ticket at passport mo."

Sabi sa kanya ni Lucas, sinunod naman nya ang sinabi nito. Inabot nya ang ticket nya at passport.

Pagkaraan ng kalahating oras ay pinaakyat na sila sa private plane. Hindi nya mapigilang mapamangha sa dahil sobrang ganda ng loob nito.

"Grabe kuya Lucas, di ko akalaing may private plane kayo."

Sabi nya kay Lucas.

"Hindi mo naman tinatanong eh. Umupo ka na."

Umupo sya sa isang upuan doon. Para syang nasa hotel dahil sa ambiance. Nagsalita na ang piloto sa speaker para sabihing magtetake-off na sila.

"Teka, alam ba ng family mo na uuwi ka na?"

Biglang tanong ni Lucas sa kanya.

"Oo, nasabi ko na, pero di nila alam na nakasakay ako sa private plane mo."

Natatawang sabi nya dito.

"Eh, si Nathan alam ba?"

Umiling sya sa tanong nito.

"Bakit di mo sinabi?"

"Nako kuya, busy iyon sa mga babae nya, ayokong istorbohin ang taong iyon."

Umismid sya. Natawa na lang si Lucas sa sinabi nya. Umayos na sya ng upo at sinuot ang seatbelt dahil magtetake-off na ang eroplano. Ang pinaka ayaw nya kapag sumasakay ng eroplano ay ang pagtake off nito. Pumikit sya ng mariin. Naramdaman nyang may humawak sa kamay nya.

"It's gonna be okay Patty."

Sabi sa kanya ni Lucas. Ngumiti na lang sya at tinago ang kilig. Parang kamay ng babae ang kamay ni kuya Lucas. Hay! Ano ba yan!




A/N: uyyy!! Kinilig ako kay Lucad at Patty! Wahihi! Hindi po talaga sila ang loveteam dito. Echoss lang iyon. Hehe! Abangan ang mga susunod na kaganapan. ;)

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. ;)

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon