CHAPTER 7:

14.1K 416 7
                                    

"Teka? Nasaan na iyon?"

Wala na sa likod nya ang lalaki.
Saan nagpunta ang loko? Pumasok na lang sya sa loob ng resto baka nasa loob na ito.

"Nathan? Uy! Asan ka?!"

Tawag nya dito, pero walang sumasagot sa kanya.

"Nasaan na ba iyon?"

Napakamot na lang sya sa ulo nya. Narinig nyang kumakalampag sa kitchen. Kaya naman pumasok sya doon. Nakita nga nya si Nathan doon at nilapitan nya ito.

"Uy, nandyan ka lang pala. Di ka sumasagot."

Sabi nya dito at kinalabit, pero di sya nito pinansin na parang walang naririnig.

"Uy, okay ka lang? Ano na namang nangyayari sayo?"

Kinalabit nya ulit ito. Pero patuloy lang ito sa ginagawa nito.

"Bahala ka nga dyan. Sige ka may ibibigay pa--"

Di nya natapos ang pagsasalita nang biglang magsalita si Nathan.

"Close na pala kayo ni kuya Lucas?"

Tanong nito sa kanya.

"Ha? Close? Ni kuya Lucas?"

"Alam kong hindi ka bingi para ulitin ang sinabi ko Patty."

Sabi nito sa at tumitig sa kanya.

"Ako pa talaga ang bingi ngayon?"

Sabi nya dito.

"Wag mo ibahin ang usapan Patty."

"Hindi ko iniiba ang usapan Nathan! Ikaw itong parang ewan! Ano naman kung close kami ng kuya Lucas mo? Wala namang masama ah! Kaibigan ko sya at parang kuya na ang turing ko sa kanya!"

Sigaw nya dito. Naguguluhan talaga sya dito.

"P-pasensya na. Di ko dapat ginagawan ng issue iyon."

Hinging patawad nito sa kanya.

"Di mo talaga dapat lagyan ng issue kaming dalawa ni kuya Lucas."

Sabi nya dito. Lalabas na sana sya sa kitchen nang hawakan nito ang braso.

"Hey don't go kambal."

Sabi nito sa kanya. Nakatitig sa kanya si Nathan with matching puppy eyes. Dinuro nya ang noo nito.

"Aww! Ang sakit kambal ah!"

Hinilot nito ang noo.

"Dapat lang yun sayo no! Gawan mo ba kasi ng malisya ang kuya mo."

"Eh kasi dati hindi naman ganyan kayo ka close ni kuya Lucas, dati tayo yung ganoon ka close. Parang ngayon hindi na."

Sabi nito sa kanya. Umakbay sya dito.

"Aysows! Nagtampo ang kambal ko. Hindi bagay sayo magtampo Nathan kaya tigilan mo na yan okay?"

Sabi nya dito at pinisil ang tungki ng ilong nito. Ngumiti ito sa kanya.

"So ano na kambal?"

Tanong nito sa kanya.

"Ano?"

"Yung alam mo na?"

Ngumiti ito ng makahulugan.

"Ang alin nga?"

"Yung recipe."

"Sabi na nga ba."

Inirapan nya ito. Niyakap sya nito sa bewang.

"Sige na kambal. Ibigay mo na sa akin para maluto ko ba at ikaw ang unang makatikim."

Sabi ni Nathan sa kanya. Siguro kung hindi nya ito bestfriend ay bibigyan nya na ang mga yakap nito sa kanya. Inalis nya ang kamay nito sa bewang nya.

"Bukas ko na ibibigay sayo, nasa ilalim ng maleta ko, mahirap magkalkal."

Sabi nya dito. Nagpout naman ito with matching puppy eyes.

"Bukas ah, promise mo yan."

"Opo."

"Kaya mahal kita kambal eh."

Sabi nito sa kanya at ninakawan sya ng halik sa pisngi.

"Hoy Nathan! Di porket magbestfriend tayo ay magtetake advantage ka na sa akin."

Sabi nya dito. Kumunot naman ang noo nito.

"Anong take advantage? Hindi kita tinitake advantage, halik pangkaibigan lang iyon, walang malisya iyon."

Sabi nito sa kanya.

Eh wala naman palang malisya Patty! Anong inaarte mo dyan? Sows!

Pinilig nya ang ulo nya.





A/N: woooo!! Masyadong malisyoso si Patty. Wahihi! ;)

Please read/ VOTE/comment so I can hear your feedbacks ;)

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now