Hindi ko alam ang gagawin ko, kung hahanapin ko ba si Jessa o tatanggapin ko na talaga na ikakasal na kami ni Natasha.

Hindi ko naman alam kung saan ko hahanapin si Jessa, ang alam ko kasi ulila na sya. Hindi ko akalaing may lolo pa pala sya. Wala naman syang nabanggit sa akin noon.










Jessa's POV


"Ma'am, kakain na po."

Sabi nung maid sabay katok sa pinto ng kwarto ko.

"Susunod na po ako."

Inayos ko yung sarili ko. Binuksan ko ang pinto, hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako ngayon. Na bahay ko na rin tong mansyon na ito.

Nakita ko si Lolo at Josh na nakaupo sa lamesa. Umupo ako sa tabi ni Lolo.

Napansin ko ang mga nakahain. Ano 'to? Parang mga pagkaing wala pa sa bokabularyo ng tiyan ko.


"Ang dami naman po nito lo, baka di natin maubos."

"Wag mo ng alalahanin yan, basta kumain ka lang ng kumain hija."

Napatingin ako sa kapatid ko na sarap na sarap sa kinakain nya. Tinikman ko na rin yung mga pagkain at oo, ang sarap talaga. Ngayon lang ako nakakain ng ganito hahahah.

"Hija, alam kong hindi ka pa sanay sa ganito pero may ipapakausap sana ako sayo."

"Ano po yun?"

"Gusto kong pag aralan mong imanage ang kompanya, dahil pag namatay ako ikaw lang ang mag mamana nito."


Muntik na ko ng maibuga ang kinakain ko.

"Lolo naman, wag kayong magsalita ng ganyan."

"Totoo ang sinasabi ko apo, kung papayag ka, gusto kong pag aralin ka sa America. Doon matutunan mo ang lahat lahat, kung pano imanage ang kompanya at kung paano kumilos tulad ng mga mayayaman."

Nagulat ako sa sinabi ni Lolo. AMERICA? KOMPANYA? MAYAMAN? hindi pa nga ako makamove on na mayaman na kami tapos pupunta agad ako sa America?



"Gusto ko sanang mangyari to bago ang birthday mo. Nakita ko kasi sa birth certificate mo. Ang plano ko kasi, sa birthday mo, I'll introduce you to public as my grand daughter at tagapagmana ng Empire Group. "

"Pero bibigyan pa kita ng panahon para pag isipan yan."

Dugtong pa ni Lolo. Hindi ako sanay sa ganito, sa buhay mayaman, sa lahat lahat.

Natapos ang tanghalian namin at bumalik ako sa kwarto ko. Napansin ko ang isang malaking salamin sa gilid ng kama ko.



Tiningnan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa.

Siguro nga tama si Lolo, darating ang panahon na ako na lang ang maiiwan dito. Ako lang maaasahan nyang magpapatakbo ng kompanya. Pero sa America? Bakit kaylangan pang doon? Masyadong malayo.

"Apo"

Nagulat ako ng biglang pumasok si Lolo sa kwarto ko.

"Pupunta muna ako sa office. Eto, magshopping ka, bilhin mo ang mga gusto mo. Babalik din ako agad okay?"

Niyakap ako ni Lolo saka umalis. Binuksan ko ang wallet na ibinigay nya sa akin. At..


O----O

May 10K sa loob nito. Seryoso? ipangshoshopping ko talaga to? Sabagay, luma na yung mga damit ko.

Nagpalit ako ng damit at lumabas na ng kwarto para pumunta sa mall.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora