Prologue

71K 1.1K 44
                                    

"Get out." Nagtitimping anito habang kuyom ang kamao. Mariing nakapikit at hinihilot ang kanyang sentido gamit ang daliri sa kanang kamay.

Humihikbing tumayo ako sa kama. Pinilit kong punasan ang masaganang luha na siyang patuloy sa pagtulo mula sa mga mata ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa paghikbi ko at sa mga emosyong pilit kong pinipigilang kumawala na siyang magdudulot ng malakas na paghagulgol. Bumaling ako sa kanya at hindi ko napigilan ang lalong pagbigat ng emosyon ko. Muli ko pang pinunasan ang luha ko bago nanginginig ang kamay na lumabas ng kwartong nakalaan para sa aming dalawa.

Nang oras na maisara ko ang pinto ay kaagad kong narinig ang ilang pagkabasag ng mga gamit mula sa loob. Doon na tuluyang kumawala ang malakas na hikbi mula sa labi ko. Tuloy tuloy sa pagpatak ang mga luha ko habang unti unting nanlambot ang mga tuhod ko. Lumapat ang likuran ko sa kahoy na pinto at pinilit kong takpan ang bibig ko gamit ang dalawang palad ko.

Humihikbi ako habang unti unti akong napapaupo sa sahig dahil sa panghihina. Patuloy ang tunog ng pagkabasag ng mga gamit sa loob at ang mas nagpaluha sa akin ay ang galit na sigaw ng pinakamamahal kong asawa.

Darwin I'm sorry, I'm sorry, I'm very sorry.

Countless Tears (UNEDITED)Where stories live. Discover now