epilogue

919 40 6
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tunatama sa mukha ko. Nakalimutan ko na naman isara kagabi.

Tumingin ako sa nagmamay ari ng brasong nasa bewang ko. Ang gulo gulo ng buhok nya, nakanganga pa.

Nilaro ko ang buhok nyang napakatingkad sa kulay. Soft,fluffy. Hindi pa din nya sinasabi kung ano shampoo nya.

"Cute!" Pinisil ko ang pisngi nya. Just like before, pinisil ko ang pisngi nya dahil sa kacutan nya.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan yun.

"Bumangon ka na. Mahuli ka pa sa kasal ng pinsan mong si jun" pero hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap.

"10 minutes more." I hug him back.

We are now living together and we are engaged. Yes engaged na kami ni soonyoung. I was shock at first dahil di ko talaga ineexpect lalo na ang lugar kung saan sya nagpropose! Hindi ko alam bakit ko mahal tong saltikin na to!

/flashback 5 months ago/

Nasa tapat ako ng resto naghahantay kay hoshi. Mag didinner date daw kami.

Nung una nainis ako dahil hindi nya ako sinundo sa trabaho ko lalo na pinaghahantay nya ako! 30 minutes late na sya! Babatukan ko talaga yun pagkarating nya.

Nagring bigla ang phone ko. Tinignan ko ang caller at si mingyu lang. Mang aasar lang to panigurado.

"O?" Bored kong sagot.

"Sena! Pumunta ka agad sa **** hospital ngayon na!" Rinig mo ang panic sa boses nya.

Nagtaka ako bakit pati ako kasama? Bigla akong kinabahan. Wala pa si hoshi.

"A-ano meron?"

"Si hoshi! Si hoshi naaksidente!"

Agad ko binaba ang tawag nya. Nagpara agad ako ng taxi.

"Manong sa **** hospital pakibilis please."

Nanginginig ang mga kamay ko. Naluluha na din ako. Di ko alam ang gagawin ko pag nawala si hoshi. Ang liit kasi ng mata eh.

Kaya pala kanina pa sya wala.

"Miss andi-" di ko na pinatapos ang driver at binato ko na sa kanya ang bill ko sabay tumakbo sa loob ng hospital.

Palinga linga ako ng tingin dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Sa panginginig ng tuhod ko napaluhod ako sa gitna ng busy portion ng hospital.

I just can't get up. No one's here to pick me up. He's one of them; lying on the hospital bed. Sleeping peacefully with wounds on every parts of the body.

"Sena!" Agad ako inangat ni dokyeom. Nayakap ko na lang sya dahil di ko kayang tumayo ng maayos.

"Hoshi-i k-ko" hinagod ni dokyeom ang likod ko.

"Halika ka na. Sige na sena." tumango tango ako at sinuportahan nya ako sa paglalakad.

Nakarating na kami sa tapat ng room ni hoshi. Lahat sila nasa labas. Gloomy ang expression.

"Pasok ka na sena." Bumitaw sa akin si dokyeom pero pinigilan ko sya.

"B-bakit ganyan itchura nyo?" Pero walang sumasagot. Tumalikod sa akin si mingyu at niyakap sya ni ashley.

"Mingyu? Ano?" Hindi sya makatingin sa akin. Lahat sila iniwas ang tingin sa akin maliban kay woozi.

"Dead on arrival sena."

Dead? On arrival?

My whole world stop spinning. Yung para bang di mag sink in sa utak ko na...na wala na ang hoshi ko.

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon