1

2K 40 7
                                    

Nakakainis naman tong si mingyu! May period na nga ako aasarin pa ako! Nakakabismud tuloy lalo! At dahil matangkad pa sya ano na lang ang abot ko diba?

"MINGYU!"

"Hahaha!"

Naghahabulan kami sa corridors ngayon dahil kinuha nya yung cellphone ko. Nahuli nya kasing may katext akong lalaki. Inaasar nya akong may boyfriend na ako kahit wala naman!

Nang nahuli ko sya talon ako ng talon makuha lang phone ko na syang binabasa nya ngayon. Bwiset! Scroll sya ng scroll sa messages!

"Sen, i want to see you now..hayup! Hahaha sen may tinatago ka sa akin!" Nang makakuha ako ng tiyempo, kinuha ko na ang phone ko at sinipa sya. Napaka tsismoso sa lablayp ko!

"Eh ang ganda naman pala ng bestfriend ko diba? Sino ba yan nang maupakan ko?" Nagigting ang bagang nya parang sira.

"Sus. Makaakto ka parang boyfriend ko." Naparolyo ang mata ko sa kanya. Inakbayan nya ako at naglakad na papuntang classroom namin.

"Kasi sen, bestfriend kita at kailangan ko protektahan ka sa mga manloloko" i suddenly feel my cheeks hot. Nakakainis naman si mingyu. Bestfriend ko lang sya at dapat ganun lang din ang maramdaman ko.

May limit dapat sa pagitan nyo ni mingyu, sena. Itigil mo tong nararamdaman mo. Itigil mo.

Oo mahal ko bestfriend ko. Ang clichè diba? Just like every typical love story. I was trying to divert my attention to someone but in the end si mingyu at si mingyu padin binabalikan ko.

Naiinis na nga ako eh, sa dinami dami pa ng lalaki bestfriend ko pa! Hindi ba nya nahahalatang nahuhulog na ako sa mga pinag gagagawa nya sa akin?! Urgh mingyu.

Umupo na kami at nanahimik sa upuan. akala pa nga ng iba kami na dahil madalas kaming maglambingan i mean lambingin ni mingyu! Ewan ko ba dyan bakla ata yan ayaw mag jowa. Samantalang ako naka ilan na makalimutan ko lang kung ano meron ako sa kanya.

"Ah sen, hindi ako papasok bukas. Kailangan ko kitain mga pinsan ko eh. Wala nagkaayaan na naman ulit" isang araw sila magsasama sama? Grabe naman magbonding tong mga to.

May naisip ako dahil ayaw ko rin pumasok bukas.

"Gyu? Gusto ko sumama." Kumapit ako sa braso nya. Napahilamos sya ng mukha.

"Hindi pwede sen. Puro lalaki mga yun. Lalaki lang pwede. Wag ka na makulit" pero pinilit ko sya. Papayag yan pag pinakita ko ang aking killing weapon sa kanya.

Aegyo.

"*buing buing* sige na mingyu oppa!" Napa mura naman sya sa tabi at tinuloy ko ang pagpapacute sa kanya. I'm so good at this.

"Wag ka makulit sen. Di nga pwede. Aish buti andyan na si mam sungit. Manahimik ka na ah." Napasimangot ako at itinuon na lang ang pansin sa klase.

Uwian na at ihahatid na naman ako ni mingyu. Kasama namin maglakad ang iba pang pinsan ni gyu. Si dokyeom at si minghao. Kasama rin namin nag aaral si dokyeom pero sa kabilang section sya samantalang si minghao sa isang chinese international school.

"Uy bukas ha mingyu."paalala ni dokyeom at minghao. Aba. Akala nyo di ako nakakasunod?

Well. I have plans.

Plans to follow my bestfriend. Wala talaga ako magawa sa buhay kapag wala si mingyu.

"Oo oo. Di ako nakakalimot." Sabay kamot ni mingyu sa batok. Inakbayan nya ako at napatingin sa amin si minghao.

"Siguro kung di ko kayo kilala iisipin kong kayo talaga." Naramdaman ko ang puso ko na lumakas ang tibok. Uhhh minghao. Bakit mo pa sinabi.

"Sus. Eto? Lalaki pa to sa lalaki eh." Sabay headlock sa akin. Aba gago talaga.

"Mingyuuu!!"

"Hahaha. Oy andito na tayo sa tapat ng bahay nyo sen. Pano ba yan? See you the day after tomorrow!" Sabay tulak sa akin sa may gate namin.

Kahit kelan ka talaga mingyu. Hayop ka talaga.

Hayop magpatibok ng puso ko.

Ang clichè mo naman sena. It happens in every wattpad stories you read. Wala na bang bago? I mean, for a change?

Nobody is perfect in my eyes but him. Sya lang talaga at wala nang iba pa. Di ko maitindihan sarili ko. Hindi ko naman maamin kasi malamang, pagtatawanan na nga ako aasarin pa ako. He won't feel the same towards me.

Because to him i'm just his sister. Little sister to be exact.

Nakipagdate na ako sa iba't ibang lalaki. Sya pa mismo nagset up. Pero no. Sure, they look so charming and could be my everything! Literally! But i really choose the guy who is incredibely stupid in many various ways i could think of.

He looks tough but he is nothing but a big sweet heart. Mahilig sya mag aegyo that's why i fell for him .

Pumasok na ako sa kwarto ko to pack my things.

Things to bring to follow my bestfriend, kim idiot mingyu.

Alam ko magagalit sya dahil puro lalaki sila at bawal babae pero sabi nya kanina mas lalaki pa ako sa lalaki. Aba. Magulo nga talaga. Argumentum ad misericordiam. Tama ba? Di ko na maalala ang tawag dun

(The author is struggling about her past lessons in retorika)

Wala akong pake kung magalit sya buo na ang desisyon ko sundan sya. Do not under estimate sena!

At isa pa, gusto ko na aminin. Kahit pagtawanan nya pa ako wala akong pake. Kailangan ko na aminin. It's either pansinin nya pa ako o ano. At least wala akong tinatago sa kanya.

Tinawagan ko si mingyu para malaman kung anong oras ang alis nya.

Nakakailang ring na bago sya sumagot. Baka nag aayos din.

"Bakit sen?"

"Ano oras ka aalis?"

"Maya maya. Miss mo na agad ako? Wag ganun sen" kapal ng mukha nito. Di kita mamimiss dahil sasama ako.

"Sige ingat ka ha."at pinatay ko na ang tawag. Time to go. Muwahahaha.

Bumaba na ako at sumigaw kela mama na nasa kusina na aalis ako, kela mingyu muna ako. Sanay naman na silang lagi ako nasa bahay ni mgyu at dun na din natutulog. They don't like it first dahil lalaki si mingyu but eventually nasanay naman sila.

Hindi naman malayo ang bahay ni mingyu dito. Tyaka isa pa, sasakyan ni minghao ang gamit nila.

Nang makarating ako, saktong nasa labas na ang tatlo. Naglalagay na sila ng gamit nila sa likod ng sasakyan.

"Teka may nakalimutan ako. Mingyu tulungan mo nga ako" hila ni minghao kay mingyu. Naiwan na lang si dokyeom sa labas.

Nag ring ang phone nya at lumayo layo muna. It's my chance! Agad ang tumakbo at inilagay ang gamit ko sa loob at itinago ang sarili ko.

Narinig kong bumalik na ang tatlo at natapos na sa paglalagay ng gamit nila.

Sumakay na sila at umandar na ang sasakyan. Napakaingay nila lalo na si dokyeom. Samantalang di ko marinig si minghao.

Nang tumagal, nakaramdam ako ng antok. Pero ayoko naman matulog dahil mamaya mahuli nila ako dito. Lalo na si mingyu lagot ako dun.

I tried to stay awake pero yung mata ko talaga eh. Nagfefail.

Until i fall asleep.

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon