6

834 40 13
                                    

"Hoshi hindi. Ayoko."

"Please sena."

"Ayoko nga hoshi"

Nag tatalo kami ngayon sa harap ng bahay ko dahil gusto nya ako isama sa halloween party nilang magpipinsan.

Like hello? Ano naman gagawin ko dun. Tyaka bakit kailangan isama pa ako.

By the way, it's already been 3 months since i knew hoshi and i must say na kilalang kilala ko na sya wala na syang maitatagong baho sakin.

"Sena. Sige na *buing buing*" hinampas ko naman sya.

"Aray!"

"WAG KA MAGPACUTE! NO IS A NO!!"

Agad ako pumasok sa loob at hinayaan si hoshi sa labas. Ang kulit kasi kaurat. Gagawin pa akong make up artist! Ni hindi nga ako makapaglagay ng sarili kong kolorete sa mukha.

"SENAAAAA" sigaw nya sa labas. Ah! Nako hoshi tatamaan ka talaga sa akin!

Nilabas ko sya ulit at nakita kong nakapout sya. Bakit ba kasi ang kyut kyut ni hoshi?

"For the last time hoshi ayo-"

"Pagseselosin natin si mingyu. Then kapag nagselos sya, he is all yours." Sumeryoso bigla ang mukha nya.

"Ha? Bakit?"

"He's courting my crush. I gotta admitt. Selos ako. Nagseselos ako to the point nagagalit ako sa kanya." Wow.

Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya kaya napasandal ako sa dibdib nya.

Niyakap nya ako at hinalikan sa buhok.

"Huy. Manyak ka." Bulong ko sa kanya.

"Pagseselosin natin si mingyu. Ngayon na. Andito sya. " lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si mingyu na naglalakad papunta sa amin.

"Hey. Ano to?" Tanong ni mingyu nang nakalapit na sya.

"Wala. Wala-" pinutol na naman ako ni hoshi sa mga sasabihin ko.

"I am courting your bestfriend. Jealous?" Hinawakan ni hoshi ang kamay ko at itinaas nya iyon sa ere.

"No. Good for you two. May ipapakilala din ako sa inyo. Alam kong kilala mo to hyung." Excited nyang inilabas ang cellphone nya at itinapat sa amin ang itchura ng isang babae sa screen.

"Nililigawan ko yan." Proud na sabi nya.

"Si lea." Bulong ni hoshi.

"Oo si lea. Classmate mo to diba hyung? Dadalhin ko din sana sya sa halloween party natin kasama si sena kaya lang nayaya mo na pala sya. Sige see you around." Sabay takbo nya papunta sa bahay nila. Nabitawan ko ang kamay ni hoshi at yumuko.

"See? Ang imposible ng gusto mo mangyari hoshi." Umiling iling ako.

"Hindi. Maniwala ka sena. Mamimiss ka nya. Hanggang marealize nya na gusto ka na niya. Okay? Pareho tayo magbebenefit dun." Sabay tulak nya sa akin ng mahina.

"Okay. Itatry natin. Pero! Pag hindi nagwork, let's stop at aminin na lang natin sa kanila ang totoo."

"Deal"

Inilahad nya ang kamay nya at agad ko iyon tinanggap.

i've dealt with the most stupid deal ever. It's because of love. Urgh.

Kinagabihan, nasa kwarto lang ako at nakikinig ng music sa pc ko. Parang soundtrip habang nakahiga. Wala naman kasi ako gagawin.

Isa pa, ayoko kumain.

Ano isusuot ko sa halloween party na yan? First time ko lang kasi pupunta and honestly i have no idea.

Nagring bigla ang phone ko at agad ko naman sinagot.

"Hello"

"Hi sena a.k.a soon to be my fake girlfriend" narinig kong tawa ni hoshi sa kabilang linya.

"Ano na naman hoshi?"

"Wala lang. May naisip ka na bang costume?"

"Wala pa. Ikaw?"

"Wala din. "

"Ano ba bagay sakin hoshi?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko nag hmm sya.

"Bukas sasabihin ko sayo. For now,good night muna" then nagpaalam na sya saka ko binaba ang tawag.

Kinabukasan nakita ko syang nakaabang sa kanto namin. Lagi naman simula nung naging magkaibigan kami, di na kami nagkakahiwalay, i mean parang sya na ang bestfriend ko imbis na si mingyu. Siguro okay lang naman kay mingyu.

Di naman ako kawalan sa kanya.

"Huy hoshi!" Palo ko sa kanya sa likod.

"Sena!" Tulak nya sa ulo ko.

"So? May naisip ka naba?" Tanong ko sa kanya.

"Tinawagan ko si woozi, sya ang gagayahin ko habang ako naman ang gagayahin nya. Kaya tulungan mo akong magkulay ng buhok mamaya ha?" Sabay akbay nya sa akin at lalo pa inilapit ang mukha sa tenga ko.

"Oo sige. Eh teka wala pa ako naiisip na costume" ngumiti naman sya sa akin at ngayon hinahawakan na ang kamay ko.

"Gusto mo mag harley quinn? Bagay sayo yun. Tutulungan din kita magkulay mamaya sa buhok." Tumigil na kami sa tapat ng gate ng school namin. Binitawan ko na ang kamay nya pero hinawakan nya ulit ang kamay ko.

"Bakit hoshi?" Bigla na lang nya ako hinalikan sa pisngi.

"Kailangan mapaniwala natin ang iba na akin ka talaga. Sige kita na lang tayo sa uwian." At naglakad na sya paalis.

Hinawakan ko ang parte na hinalikan nya.

Di ko alam pero nakaramdam ako ng di ko maitindihan. Parang bumilis ang tibok ng puso ko at sa hindi mapaliwanag na saya sa puso ko.

Nagising na lang ako sa pag dedaydream ko sa gate nang biglang mag bell. Kumaripas ako ng takbo papuntang classroom.

------------------------------

"Senaa!" Tawag sakin ni reiko sa malayo. Tumakbo sya papunta sa akin at niyakap ako.

"Reiko.."

"Pupunta ka sa halloween party nila dokyeom? Niyaya nya ako eh." Tumango tango ako.

"Ano costume mo? Wala pa kasi ako napipili. Ah alam ko na. After class mall tayo?"

"Ah sorry reiko may kasama na kasi ako eh."lumungkot mukha nya.

"Ganun ba. Sayang naman. Sige kita na lang tayo mamaya sa party!" At umalis na siya.

Pumunta ako ng rooftop. Di na kasi ako sumasabay kela dokyeom pag lunch. Andun kasi si mingyu. Hanggang ngayon iwas padin ako sa kanya.

Sumandal ako sa railings habang tinitignan ang buong view ng city. bigla na lang nagbukas ang pinto sa rooftop at nakita ko si sehun. Class president ng section nila reiko.

Naramdaman kong tumabi sya sa akin at sumandal din sa railings.

"Nice view isn't?" Napatingin naman ako sa kanya. Bakit ako kinakausap nito. And teka? Diba masungit to?

"A-ah oo. " bumukas ulit ang pinto at lumabas ang mga lalaking nagtatawanan.

Tambayan ba nila to? Dapat di na ako pumunta dito in the first place.

Agad ako umalis sa rooftop para di na nila mapansin ang presensya ko.

"Sena." Tawag sakin ng isang tao na iniiwasan ko ng ilang araw na. Si mingyu.

Paano sya napunta dito?

"Mingyu bakit?"

"Totoo ba kayo ni hoshi hyung?" Tumango tango ako.

"Ah ganun ba. See you later sa party" ang weird nya. Is it working na ba? I mean yung plano ni hoshi? Ambilis naman ata?


my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon