11

811 34 2
                                    

"Hey. Sure ka ba na di ka sasama? I'm not comfortable with it." Inakbayan ako ni mingyu at inilapit lalo sa kanya.

"Paano naman yung single dito." Parinig ni minghao.

"aba problema mo yun" sagot ni dokyeom sa kanya.

"I'm fine with it. Sure na ako. Wag ka masyadong makulit." Pag aasure ko sa kanya.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Pero may tao dun.

Yung taong iniwasan ko ng isang linggo.

Si hoshi.

"Uy hoshi hyung! Bakit ka andito?" Tanong ng dalawa sa kanya. Nanatili kaming nasa likod ni mingyu.

Anong ginagawa nya dito?

"Tss ano ba di kayo pakay ko umuwi na nga kayo." Irap nya sa dalawa.

"Ano ginagawa mo dito hoshi hyung." Tanong naman ni mingyu sa kanya.

"Oh. I see na kayo na. Salamat sakin, diba sena?" Tumingin naman sya sa akin.

Yung mata nya, parang galit na di ko maitindihan. Bakit ka ba ganyan hoshi?

"Bakit? Idea mo to diba? O ano nangyari sa inyo ni lea?" Umiwas sya ng tingin.

"Ano? Sumagot ka."

"She doesn't like me. Nagagalit sya sa akin dahil sakin daw kaya ayaw na ni mingyu sa kanya." Napatingin naman ako kay mingyu na hindi naman makatingin sakin ngayon.

"Sabi mo mingyu si hoshi ang gusto nya?"

"Sena. Ayoko kay lea. I'm just...jealous. mahal nga kasi kita sena and it hurts na mas malapit ka kay hoshi hyung kesa sakin that time. I left her because of you."

"No mingyu. Let's just talk tomorrow." At pumasok na ako ng gate. Isasara ko na sana pero pinigilan ni hoshi ang pag sara.

"Don't ignore me." Itinulak nya ang gate at pumasok.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo hoshi? You ignore me for 1 week why can't you continue doing that?"

Tumawa sya ng walang humor.

"i don't know. Ako dapat ang natulungan pero ikaw pa tong natulungan. It's unfair, don't you think?"

I don't get him. Ano ba gusto ni hoshi.

"Edi suyuin mo ulit. Masaya na ako kaya pwede ba umalis ka na. Gusto mo magpasalamat ako? Thank you. Thank you for everything. Now umalis ka na" pagtataboy ko sa kanya.

"You don't get it. Hindi mo ako natulungan. Instead, you are breaking my heart in million pieces because you don't like me." And lumabas na ng bahay.

Okay. Ang gulo na talaga. Akala ko ba si lea gusto nya? I'm just his friend? Na tutulungan ko syang maging kanya si lea.

I'm confused right now. Same with ny heart.

Mingyu, gusto pa ba talaga kita?

O si hoshi na?

Ambilis naman ata? Pero magulo padin! I'm so confused right now.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng tshirt at leggings. Should i call minghao now? Nakinig ako sa mga problema nya nun, ako naman dapat ngayon.

Tinawagan ko si minghao habang nagsusuot ako ng sneakers.

"Hello sena?"

"Ah minghao labas tayo ulit. Same place."

"Ah sige papunta na ako"

Agad ako bumaba at lumabas ng bahay. Nakita ko palabas na din si minghao kaya tumakbo ako palapit sa kanya at umakbay sya sa akin.

Tumigil kami sa dati naming inupuan sa park. Umupo ako at umupo na din sya na nakaharap sa akin.

"Spill it." Sabi nya.

"I'm confused minghao. Hindi ko alam kung sino na gusto ko. Alam mo namang matagal ko na gusto si mingyu. But hoshi.."tumigil ako at tumingin ako sa kanya.

"What about hoshi hyung? Friends lang kayo...diba? Tapos yung deal deal na yan? Diba?"

"I don't know! Nasasaktan ako nung tumingin sya sa akin ng ganun. Mingyu lied but i feel like okay lang yun. But hoshi making these things so confusing i can't understand any of it. What should i do minghao?" Pinunasan nya ang pisngi ko.

Umiiyak pala ako? Bakit hindi ko naramdaman?

"Listen to your heart. If you feel na mas satisfied ka kay hoshi hyung, then, you like him more than mingyu." Maya maya tumayo na kami at naglakad na pauwi.

Listen to my heart. Pag andyan naman si mingyu ganun padin naman. Pero kay hoshi, kakaiba. I don't know it feels good but it feels so wrong.

Inisip ko ang mga ginawa para sakin ni mingyu, i just think that i love him pero hindi nagrereact ang puso ko. Sabi kasi nila pag mahal mo na ang isang tao, nagloloko ang pintig ng puso mo. Haha ang lalim but it's true. You feel secure with him. His stares makes you feel comfortable. His touch makes you feel warm.

I just think that i love mingyu because close kami! Tama!

I think...

Hoshi.

I like hoshi.

should i break up with mingyu? Hindi ganun kadali yun.

Tinawagan ko si mingyu. Ilang rings lang bago sya sumagot.

"Uh hey. Bakit?"

"Sasama na ako sa birthday ni dino."

"Really? I thought ayaw mo?"

"No. Sasama na ako"

Nagpatuloy ang pag uusap namin hanggang sa mag paalam na syang matutulog.

He is a great guy actually kaya nga kami bestfriends diba. Caring too. I just can't take it na ako ang unang una na babasag sa puso nya. Ako pa naman ang pinagkatiwalaan nya bukod sa mga pinsan nya.

Hindi na ako makikipag break. i like him from the start so why should i do that diba?

It's confusing.

Makikinig na lang ako sa sarili kong utak. Ayoko makinig sa puso ko. I don't want to hurt mingyu.

Humiga na ako at natulog na.

-------------------------

"Ma! Pa! Alis na ako!" hindi ako nasundo ng tatlo ngayon dahil may lalakarin daw sila. Half day nga lang si mingyu at dokyeom eh. Ewan ko kung saan punta nun.

Bago ko buksan ang gate, inayos ko muna ang sintas ko. Hay bwiset. Bakit kasi nasira pa yung flats ko. Kailangan ko tuloy magsuot ng sneakers. Mukha akong nag bubulakbol tignan eww.

Well ganun na nga.

Bubuksan ko na sana ang gate pero naalala ko na may nakalimutan akong dalhin. Ang tinapay. Shempre naglalakad ako habang kumakain!

Agad ko binuksan ang pinto ng bahay at tumakbo papuntang kusina. Nagmadali akong kumuha ng dalawang pirasong tinapay at tumakbo na palabas.

Binuksan ko na ang gate. Finally.

Pero may taong nakatayo sa harap ng gate.

Tumibok ng mabilis ang puso ko. How? When? This is wrong. It feels like i'm cheating on mingyu.

"Sena." Tawag nya sa akin.

"H-hoshi."

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon