2

1.1K 40 4
                                    

"Gisingin mo kaya?"

"Ehh ikaw na lang."

"Pano ba kasi napunta yan dyan hoy mingyu ikaw siguro may kasalanan!"

"Wala akong alam dyan ha! Pasaway talaga tong si sena."

"SHHHH! wag kayo maingay nagigising na sya!"

Nagising ako sa mga ingag sa paligid ko. Hay may pasok na naman. Kinapa kapa ko ang tabi ko pero di ko mahagilap ang phone ko. Until, dumilat ako at nakita ko ang ilang pares ng mata nanonood sa akin.

Nasa sasakyan ako.

Nakatulog ako.

SHET! SINUNDAN KO PALA SI MINGYU!

Hinanap agad ng mata ko si mingyu at nakita ko sya. Masama ang tingin nya sa akin at parang sinasabing "magpaliwanag ka na" na look. Jusko naman tanga tanga bakit ka nakatulog sen.

"Gising na ba sya?" Tanong ng isa sa kanila na kakarating lang. Mukha syang banlag. Hahaha joke. Maliit kasi ang mata at ang cute ng ngiti.

Agad ako hinila ni mingyu habang inaadmire ko pa ang lalaking kasama nila. Baka pinsan nya.

I never admire such a young man besides mingyu. Char napaenglish tuloy ako.

Nang makalayo kami, humarap sya sa akin.

"Bakit ka sumunod sen sabi ko manatili ka lang dun diba?" Napahilamos naman sya. Bakit ang big deal sa kanya na sumama ako?

"Bakit ba? Bakit ayaw mo ko isama?"

"Kasi puro lalaki kami sen. Babae ka at puro kami lalaki. " yun lang ba talaga? I am not convinced.

"Yun lang ba mingyu?" Tumingin sya sa akin at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang mukha ko.

"May iba ka pa bang gusto marinig?" Umiling ako.

"Andito ka naman na, magstay ka na." Hinawakan nya ang kamay ko.

Sa totoo lang mingyu oo may gusto pa akong marinig. Alam ko kahit imposible pinaasa mo ko ng saglit. Pero at least you let me stay with you.

Bumalik kami sa grupo ng mga lalaki na kasama nya which is mga pinsan nya. Isa isa silang ipinakilala sakin ni mingyu maliban kela dokyeom at minghao dahil mga kilala ko naman yun.

Pero may isa pang nawawala. Nag kuha daw ng kahoy pero babalik din.

Sa dami nila, ang natandaan ko na lang, si seungkwan, woozi, at jun. Maaalala ko rin naman mamaya yun eh.

"Hoy. Hoshi!" Tawag nila sa lalaking akala ko banlag. He really caught my attention.

"Okay na ba kayo mingyu?" Tumango tango si mingyu. Pinunasan nya ang kamay nya at inilahad sa akin.

"Hi. I'm hoshi. " at ngumiti sya sa akin. Tinanggap ko ang kamay nya pero hinila nya ako at niyakap. Omg ang cute nya.

"Hoy hoy! Wag mo nga manyakin bestfriend ko!" Tulak nya kay hoshi.

"Yakap lang eh. Sayong sayo na!" At pinulot nya ang mga kahoy at pumunta na sa ibang lugar.

Sena ano ka ba! Kaya nga sumunod ka dito para makaamin ka kay mingyu hindi lumandi sa pinsan nyang cute! Urgh!

Hawak lang ni mingyu ang kamay ko for the whole time. At lalo na yung puso ko, ambilis bilis ng tibok. Bwisit ka talaga mingyu.

Nagulat ako nang bigla na lang nya binitawan ang kamay ko at hinubad ang shirt nya. Alam ko dapat sanay na ako pero kasi... hello may nararamdam na ako sa bestfriend ko. I feel awkward.

Nasa ilog na pala kami hindi ko alam. Masyado ako naoccupied sa paghawak nya sa kamay ko na parang sa kanya umiikot mundo ko.

Hindi ba? Sena?

"May pamalit ka diba? Tara na swimming tayo weeew!!!!" Sabay talon nya sa ilog. Andun na pala lahat sila. Maliban sa mukhang banlag-

"Ayaw mo rin maligo?" Napatingin ako sa likod. Si hoshi at ang kanyang eyesmile na naman.

"Mamaya na lang siguro." Sagot ko sa kanya. Umupo sya sa batuhan at ginaya ko na din sya. Nakaharap kami sa ilog kung saan nagkukulitan ang mga pinsan ni mingyu.

"Di ka ba nagtataka kung bakit wala girlfriend na pinapakilala si mingyu?" Dahil malamang, ayoko! Di ako papayag unless ako yun.

"Hindi. Sapat naman na sigurong kami lang ang magkasama. Sapat na sa kanya ako lang ang kasama nya" may bahid ng bitterness ang tono ko. Di ko idedeny yun.

"Woah. Do you like him?" Lumapit sya sa akin ng kaunti at umusog naman ako. Abnormal ba to? Eh kakakilala ko lang dito bakit ko naman sasabihin sa kanya diba.

"Teka lang. Ano ba pake mo." Irap ko sa kanya. Ang tsismoso pala nito.

"Because you sounded like a jealous friend. Jealous. Friend. J-e-a-l-o-u-s." Tumayo na ako at hinubad ang pang itaas ko. Tumingin ako sa kanya at napaawang ang bibig nya. I smirked.

"Like the view huh." At tumakbo na ako papuntang ilog. Litse talaga. Nakakainis yun ah. Binabawi ko na yung sobrang pag aadmire sa kanya dahil napaka tsismoso ng kumag.

Maya maya nakaramdam ako ng may nakahawak sa bewang ko. Pinilit kong alisin ang kamay sa bewang ko pero bumabalik padin. Sino ba tong kumag na to?!

Bigla na lang umahon at si mingyu lang pala. Magkalapit lang ang katawan namin. Nasa bewang ko padin ang kamay nya at di nya padin inaalis.

"Uhm.. mingyu ang kamay mo.." inalis nya din agad ito pero di naaalis ang tingin nya sa akin.

Why is he staring like that to me. Lalo akong...nahuhulog.

"You like me sena, don't you?" He smirked. Namula agad ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Sena. I'm not stupid. Nahahalata ko. Please... whatever you feel towards me, stop it." Napatingin ako sa kanya.

"K-kapal naman ng mukha mo. H-hindi kita gusto no. M-makaahon na nga!" Lumangoy ako pabalik at dinampot ang damit kong nasa tabi ni hoshi kanina.

"Sena!" Tawag sakin ni mingyu pero di ko na pinansin yun.

Nasasaktan ako. How could i stop this if andito na to? Wala naman ako magagawa. Hindi ko rin naman ginustong mainlove sa kanya.

"Sena!" Hanablot nya ang kamay ko at iniharap nya ako sa kanya.

"Stop crying sena." Kinapa ko ang pisngi ko. I am crying. Inalis ko ang kamay nya from wiping my tears away.

"Just leave me alone mingyu. Alam mo na eh. Sira na friendship natin." At umalis na ako.

Nakarating ako kung na saan ang mga sasakyang nakapark malapit lang sa ilog. Buti walang tao dito. I could cry all i want now.

Umupo ako sa gilid ng isang pick up truck na sasakyan at umiyak. I don't care kung mapahagulgol ako wala naman makakarinig.

"Hey." Boses ni hoshi. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"What are you doing here?"

"Umiiyak ka sa tabi ng kotse ko habang nasa loob ako. Malamang i'll get curious kung sino ang nasa tabi nun diba na umiiyak."

"Whatever."

"You told him about your secret?"

"Matagal na pala nyang alam. nakakasar ang unfair. Magmamahal na lang maling tao pa!" Hinila nya ako patayo at isinakay sa loob ng sasakyan.

"Hey. Hindi maling tao si mingyu. You just met him because may purpose sya sa life mo. Stop crying okay. You'll get over it" sabay pat nya sa ulo ko.

Mingyu. Bakit...

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon