12

800 35 5
                                    

"H-hoshi"

napaatras ako sa gate. Isasara ko sana ulit nang bigla nya iniharang ang paa nya.

"Don't"

"Umalis ka na hoshi. Malelate na ako." Itinulak ko sya at madaling sinara ang gate bago maglakad ng mabilis. Good thing naka sneakers ako. Aba may pakinabang ka pala ngayon.

"Sena sorry kahapon. Wala lang yun please kalimutan mo na yun" nasa gilid ko sya pero di ko sya pinapansin.

"Sena. " inakbayan nya ako pero inalis ko ang kamay nya sa balikat ko.

"What do you want hoshi? Stop being friends with me. " binigyan ko sya ng isang tingin na para bang gusto ko talaga sya mawala.

"Sena! Ang hirap! Ang hirap magpanggap na di kita gusto! From the very begining,nung camping! Gusto kita! I just made this stupid deal and stupid reasons for you to be affectionate with me! I just want your love! puro ka kasi mingyu! I don't even like lea!"

Nanigas ako at unting unti tumingin sa kanya. He is staring me like he is hurt. Well,stupid sena he is hurt.

"You want me to leave you alone?! Fine! You will not see me ever again! Maging masaya ka sana sa buhay mo kay mingyu. I don't even stand a chance at all." At unting unti na syang naglakad palayo hanggang sa hindi ko na sya makita pa.

Parang pinipiga ang puso ko. Why are you reacting that way heart?! Stupid heart! Well i made my decision, mas pinili ko si mingyu.

Kesa sayo hoshi.

I think it's for the best naman diba? I feel so down.

Pagkapasok ko sa school, agad ako umupo. Di ko na pinansin pa ang nangyayari sa paligid ko.

I just feel empty suddenly.

Lumipas ang mga oras na lutang ako. Hindi ako nakikinig sa mga teacher ko buti na lang di nila ako napapansin.

Lunch na pala. May biglang humila sa akin patayo, si mingyu.

"Babe. Kanina pa kita tinatawag ha. Ano ba nangyayari sayo? Lutang ka lagi. About yesterday, i'm sorry." Niyakap nya ako at niyakap ko sya pabalik.

"Okay lang. Just...forget it. Nag lunch ka na?" Umiling sya at itinaas ang plastic na nasa kamay nya.

"Binili ko to. Dito na lang tayo kumain. Baka humingi na naman si dokyeom." Umupo na ako at umupo na din sya sa tabi ko. Isa isa nya inilabas ang mga binili nya.

Smells yummy, but i don't have the appetite.

Inilapag na nya sa harap ko ang pagkain at nagsimula na sya magkwento. I'm not listening.

Hoshi keeps running in my mind.

"Seriously sena. Something is wrong. What is it." Humarap ako sa kanya.

"Mingyu kelan birthday ni dino?"

"Bukas. Bakit? Yun ba iniisip mo? Don't worry. Nandun naman ako." Hindi. Iba ang iniisip ko. Lalo na yung mga binitawan nyang salita mismo sa harap ko.

I can't forget those emotions in his eyes.
----------------------

Natapos ang araw namin sa school at ngayon hinahatid na ako ng tatlo.

"minghao! The curly one!" Asar ni dokyeom at mingyu. Nagbago kasi ng buhok si minghao at mukha syang poodle.

"Ya! Wag nyo nga guluhin!" Taboy nya sa kamay ni dokyeom

"Bakit kasi nagbago ka ng hairstyle. Ang cute kaya nung ice cream." Sabi ko sa kanya.

"Babe, hindi ba ako cute?"nagpacute sa akin si mingyu. Ginulo ko ang buhok nyang brown.

"Minghao is cuter babe." Sagot ko sa kanya.

"Cute? Si minghao cute?! You'll regret saying that!" Bigla nya ako tinusok tusok sa tagiliran.

"Ya kim mingyu!!!!" Agad ako tumakbo palayo sa kanya habang hinahabol nya din ako.

Aish! Kainis naman mingyu na to! Alam na alam kung paano ako pasusukuin!

"Hoy bang reselina!" Did he just scream my full name?!

Unti unti akong humarap sa kanya. Agad sya tumigil at itinaas ang ang dalawang kamay sa ere.

"White flag na okay?!" Sigaw nya. Sinuntok ko namab sya sa balikat nya.

"Kelan kaya ako magkaka girlfriend." Biglang nagsalita si minghao.

"Wag ka ngang inggitero." Inakbayan na ako ni mingyu at nagpatuloy kami sa paglalakad pauwi.

Tumigil na kami sa tapat ng gate ko at hinalikan sa mingyu sa pisngi.

"Bye" at isinara ko na ang gate.

Agad ako umakyat at naghanap ng isusuot ko para bukas. At after pa nun yung camping naming mga representatives ng bawat schools.

Nakakastress ako pa talaga napili.

Nag impake na ako ng gamit na gagamitin ko para sa camping na yan. Dahil tatlong araw lang naman kaya isang pantulog lang ang dala ko at mga iba pang damit na komportable.

Habang naglalagay ako ng mga damit, may nahagip ang mata ko na isang tshirt na puti. Hindi ko yon tshirt lalo na hindi kay mingyu yun.

Kay hoshi.

Should i give it back? Sa birthday na lang ni dino bukas. Ayoko na pumunta pa sa bahay nya.

Kailangan ko pa palang bumili ng gift. Hindi ko naman ganung kilala si dino eh. Siguro damit na lang no?

Agad ako nag bihis at umalis na ng bahay para pumunta sa mall.

Hindi naman malayo ang mall dito sa bahay namin kaya nilakad ko na lang.
Habang naglalakad ako, may bumubusina sa likod ko. Anlaki laki ng daan bakig di ka dumaan dyan ako pa bubusinahan mo.

Hindi ko na lang pinansin ang bumubusina sa akin.

"Hoy bingi ka ba" hindi ko padin sya nilingon. Last time i check nasa side walk ako hindi sa kalsada.

"Aish this girl." Narinig kong nag open ang pinto ng sasakyan nya at naramdaman kong may nakahawak sa braso ko.

"S-sehun?!" Like sehun,the president ng klase nila reiko?! How did he..

"Oo ikaw nga. Bingi ka ba?!"

"Eh bakit ba?!"

"Wala. Tatanungin ko lang kung saan ka pupunta." Hindi ko namalayang nabatukan ko sya.

"Aray! Naku pasalamat ka wala tayo sa loob ng campus!" Naparolyo ang mata ko.

"Edi salamat." At naglakad na ako ulit pero napigilan nya ako.

"Saan ka pupunta?"

"Mall." Tipid kong sagot.

"Good. Dun din punta ko. Let's go." Basta na lang nya ako hinila.

"Hoy ano sa tingin mo ginagawa mo and are we close?" Pero nanatili syang nakahawak sa kamay ko.

"No. We are not. Now get in while i'm being nice." Sinunod ko na lang sya. Baka masaksak pa ako ng deadlt weapon nya.

Joke lang.

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon