10

851 34 2
                                    

1 week na ang nakakalipas nung huling pagkikita namin ni hoshi. He never called, text, or kahit magpakita lang sakin. Wala. It's a good thing. Baka naging busy na sila ni lea.

Wala na rin naman akong pake.

Nagpromise ako sa sarili ko na i will stop being friends with him dahil kuntento na ako kay mingyu. Which is now my official boyfriend.

At first, medyo nakakapanibago. Masasanay rin naman ako. I'm happy he loves me back to.

Am i?

"Sena! Nasa baba si mingyu!" Katok ni mama sa pinto ko. Pumasok sya at agad umupo sa kama ko.

"Ikaw bata ka aminin mo nga, kayo na nung mingyu no? Sabi ko na eh magkakatuluyan kayo ng batang yan!" Sabay palo nya sa akin.

"Aray naman ma! Labas na mag aayos ako."tinulak tulak ko sya palabas.

30 minutes ako nag ayos bago lumabas ng kwarto at para shempre, salubungin ang boyfriend ko.

"Kumain muna kayo." Aya ni papa.

"Late na kami tito. Tagal mo kasi" sisi ni mingyu sa akin.

"O sige mag ingat kayo umuwi ng maaga ha sena!" Paalala nila bago lumabas ng bahay.

Hinawakan ko ang kamay ni mingyu habang naglalakad at ngumiti sya sa akin.

"Nalaman nila minghao kagabi. Yung tungkol sa atin. Kung nakita mo lang ang mukha nila." Sabay tumawa sya.

"Ganun ba."

"Im curious. Ano nangyari sa inyo ni hoshi hyung nung nilock nila kayo sa kwarto nya?" Agad ko nabitawan ang kamay ni mingyu.

You don't want to know.

"Ah...eh.. natulog" habang yakap nya ako. Ayoko na sabihin yun.

"Ah. I trust you anyway." Sabay halik nya sa pisngi ko.

Nakarating kami na kami ng school. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dun. This is new. Bakit?

Agad na lumapit sakin si reiko.

"Senaaa~ alam mo na ba?" Umiling ako. Ano bang meron.

"Ikaw daw representative ng school natin this upcoming event. Iba't ibang representative ng iba't ibang school makakasama mo! Magcacamping ata kayo eh!" Hala bakit ako?

"Oh" napatingin sya sa kamay namin ni mingyu at tumingin sya sa akin.

"Ano yan? Kala ko ba kayo ni hoshi?"

"Ano..reiko.." dumilim ang tingin nya sa akin.

"Let's talk sena." Agad nya ako hinila at dinala sa rooftop.

Bakit ba sya nagagalit.

"Reiko?"

"I like mingyu." Deretso nyang sinabi sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

"But i like dokyeom."

"Stop it reiko." I snap at her.

Ano ba ginagawa nya kay dokyeom? Ginagamit nya lang ba?

"You don't understand sena. I-i like them both. I don't know why." Humarap sya sa akin.

"I don't care and please don't talk to me anymore reiko." At umalis na ako sa rooftop.

Bumalik ako sa classroom namin ni mingyu. Tumabi ako sa kanya at inakbayan nya ako.

"Ano daw?" Umiling ako.

"I have something to tell you later. Ngayon, andito na si mam. Mamaya na lang." Humalik sya sa pisngi ko ng patago at umayos na ng upo.

Hindi ako makapag focus sa lecture. Naiinis ako kay reiko. Akala ko ba gusto nya si dokyeom bakit ngayon si mingyu naman.

Naalala ko yung araw na pinahiram ako ni reiko ng uniform. Iba ang tingin ni mingyu, parang gusto nya si reiko.

Aish! Ewan ko. Ewan ko sa kanila. Akin lang si mingyu.

Sa ngayon.

"Miss sena nakikinig ka ba?" Tanong ng teacher sa akin.

"Ah.. medyo masama lang pakiramdam." Tumayo ako at pumunta ng cr.

Hanggang lunch break andito lang ako sa cr. Nagvibrate ang phone ko. Tinext na ako ni mingyu.

Naalala ko may sasabihin daw sya sa akin.

"Kitain na lang kita sa rooftop"

Agad akong lumabas at naglakad papuntang rooftop. Nakasalubong ko pa si reiko na naka hawak sa kamay ni dokyeom. Tumingin ako sa kanya na may halong pandidiri.

Umakyat na ako ng rooftop at nakita ko si mingyu nakasandal sa railings.

"Hi babe." Sabay halik nya sa noo ko. Niyakap ko naman sya at niyakap nya ako pabalik.

"Ano yung sasabihin mo sa akin?"

"Ah yun? I think you deserve to know this. I think reiko likes me?" Tumingin naman ako sa kanya.

Dapat ko bang sabihin ang nalalaman ko? Pero ano yung mga tingin nya kay reiko nun?

Nevermind. At least i have him now.

"She have dokyeom. Don't bother" sumandal ako sa dibdib nya.

Sumaglit lang kami dun dahil gusto nyang kumain ng lunch. Agad kaming bumaba at umupo sa usual table namin sa canteen.

Pero hindi na kami tatlo dun.

Kasama na si reiko.

Naparolyo ang mata ko. Ginagamit nya lang si dokyeom. Ewan, pero yun ang labas sa akin. At wag na wag nyang isipin na agawin sakin si mingyu.

Bakit parang okay lang sakin yung thought na mawawala rin naman si mingyu sa akin? Urgh. Simula talaga nung nakilala ko yang hoshi na yan-

Right. I shall never speak about him.

"Babe." Nasa tabi ko na pala si mingyu hindi ko namalayan. Nakakunot ang noo nya.

"Ah thank you"

"Okay ka lang ba talaga?"

"Oo don't worry." At niyakap ko sya.

"Oo nga pala. Nagyaya na naman si dino. Birthday nya daw kasi at yun yung wish nya daw. Bata pa talaga" iling ni dokyeom.

"Hindi naman nalalayo edad mo dun" irap ko sa kanya.

"Pupunta kaya si seungcheol hyung?" Seriously sino ba yung seungcheol na yun at laging gloomy ang mga mood nila kapag pinag uusapan na nila yun.

Ah right. Sinabi na sakin ni minghao kung sino yun.

He seriously need to move on. I mean, inisip nya ba mga pinsan nya. Ugh nevermind di ko na problema yun.

"Sama natin ulit yung dalawa" turo sakin ni dokyeom at kay reiko.

"Sige"

Ibig sabihin andun din si hoshi? Edi andun sya. Bakit? Masaya sya sa lea nya.

Masaya na sya dun.

"Hey. Okay ka lang ba talaga?"

"I'm not. Di ako makakapunta kela dino. Ikaw na lang. I'm sorry" paalam ko sa kanilang dalawa.

"Why? May gagawin ka ba? Sama na lang ako di na lang ako aattend" sagot ni mingyu.

"No. Pinsan mo si dino and you should be there. I will be fine." Pag aasure ko sa kanya.

"You should be."

Nag ring na ang bell. Lunch break is over.


my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon