9

807 38 1
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko. Idinilat ko ang mata ko at tumingin tingin sa paligid.

Hindi ko to kwarto.

Kinapa ko ang tabi ko at napalingon ako. Si hoshi. Oo nga pala nakatulog kami dito sa kama nya.

He looks so cute kapag natutulog parang bata. Basta cute. Hindi ko napigilan pisilin ang pisngi nya.

"Ang cuuute!" Dumilat agad ang mata nya at hinawakan ang kamay ko.

"Ganyan ka ba mang gising. Well. Tignan natin kung binuksan na nila ang kwarto ko. Patay talaga sakin ang mga yun" bumangon na sya sa kama at pumunta sa pinto.

Bumangon na din ako at hinubad ang jacket ni hoshi. pumunta na din ako sa pinto para sundan sya.

"Lock padin. Kelan ba nila tayo papalabasin." Sumandal sya sa pinto at sinuklay ang buhok gamit ang kamay nya.

Bakit ang gwapo nya pag bagong gising?

Ay! Ano ba sena! Noooo! Si mingyu lang okay? Wag na kay hoshi!

Nakakainis. Ang weird ko na ata.

"M-magpalit ka nga ng damit." Pumasok sya sa isang walk in closet at binato sa mukha ko ang t-shirt.

"Go change. Nakikita ko taba taba mo" agad ko tinakpan ang tyan ko. Naka crop top pala ako. Aish!

"Bastos!" Sabay sarado ko ng pinto ng walk in closet nya.

Lumabas na agad ako pagkatapos ko magpalit ng damit nya. Tinanggal ko na din ang mga tali sa buhok ko.

"Ugh hoshi may make up remover ka o basta makatanggal lang ng make up" hinila nya ako basta sa banyo at binato ng towel.

"Alam mong wala akong ganun lalaki ako diba." Naparolyo na lang ang mata ko at naghilamos na.

--------------------------------

"Idea ni jun yun!" Naka head lock na si woozi sa mga braso ni hoshi.

Nakalabas na kami kasi pagkatapos ko mag hilamos at agad na sinugod ni hoshi si woozi.

"Tapos pumayag ka naman liit!" At sabay kinutusan nya ito.

"Mingyu kunin mo gitara ko!" Utos ni woozi kay mingyu.

"Hala hyung!" Angal ni mingyu.

May dumating para tawagin kami para kumain daw. Agad na pinakawalan ni hoshi si woozi at hinawakan ang kamay ko.

"Hoy hoshi!" Napalingon kaming dalawa at nakita naming tumatakbo sa amin si woozi na may dalang gitara. Saan nya nakuha yun?!

Agad na kumaripas ng takbo si hoshi.

"Patay." Bulong ng isa sa kanila.

"Ugh whatever. Tara na bumaba!" Nanguna na si seungkwan, at sumunod na ang iba. Naiwan ako sa likod kasama ni...mingyu.

"So..kayo na talaga no?" Napalingon ako sa kanya.

"Ano naman ngayon kung kami na? Does it bother you?" Sagot ko sa kanya.

Oo nga! Wala ka pake diba dun ka sa lea mo.

"I actually care. Because you are my bestfriend. So goodluck the two of you." At nanguna na sya maglakad sa akin.

This is useless. This deal is useless.

Kanya kanya kaming upo sa dinning table nilang malaki. Tumabi sakin si hoshi. Kaharap namin ang mama nya.
"Sorry about his cousins, sena. Ganyan talaga sila pag nagkasama sama."paliwanag sakin ng mama ni hoshi.

"Okay lang po yun" naramdaman ko nag 'tsk' si hoshi.

"It's not okay." Sabay tingin nya sa mga pinsan nya.

"Okay okay!" Itinaas ni jun ang dalawa nyang kamay.

"I never thought na seseryosohin nila yung plano. I was joking about it." Paliwanag nya.

"And i am tipsy." Bulong ni woozi.

"Bawal pa uminom ang underage."sagot ko kay woozi. Tumalas ang tingin nya sa akin at tumawa ng mahina si hoshi sa tabi ko.

"Oh no. Hindi mo sinass si woozi hyung because it's my job!" Sigaw ni seungkwan.

"Well, i just did sassy boo." At bumelat ako sa kanya.

Nakalimutan kong nasa harap pa pala ako ng magulang ni hoshi.

"We will leave you guys. Nice meeting you sena." At umalis na silang mag asawa.

"Ano magandang gawin ngayon?" Tanong ni dino.

"ARCADE!" sigaw nila sabay sabay.

Kanya kanya silang umakyat sa taas para magpalit ng damit. Naiwa na lang kaming dalawa ni hoshi sa la mesa.

"Hoshi."

"Hmm?"

"Let's stop. Please. It's useless." Nabitawan ni hoshi ang kutsara nya at tumingin sa akin.

"No sena! I told you i want my girl back!" Tumayo sya at aalis na sana pero di ko na napigilan.

Bakit ba gustong gusto nya makuha si lea? Hindi naman hahanap ng iba si lea kung gusto nya kay hoshi.

"She doesn't want you hoshi. Hindi sya maghahanap ng iba kung gusto ka din nya! Just stop hoshi! It's useless! Can't you see masaya na sila? If you really love lea then let her go!" I snap.

That's it. From now on, di na kami magkaibigan ni hoshi. I should stay away from him.

"I'm going home." Basta na lang ako lumabas ng bahay nila at naglakad papunta sa gate. Bakit ba kasi ang layo layo ng distansya ng gate nila sa bahay nila.

"Sena." May pumigil sa kamay ko. Si mingyu.

bakit parang nag eexpect ako na si hoshi yung pipigil sa akin at hindi si mingyu? Something's not right.

"Just leave me alone. Pumunta ka sa lea mo-" natigilan ako dahil basta na lang nya ako hinalikan.

Naitulak ko sya sa gulat. Tumitig sya sa akin na para bang may gusto pa syang sabihin.

"I'm sorry. I'm sorry kung...di ko narealize na gusto din kita,thanks to hoshi hyung. Dinedeny ko kasi na di kita gusto dahil best friend kita. Di ko na kaya. I just...love you too sena." Napaatras ako sa gate at lumapit sya sa akin.

"Mingyu..." he hug me.

"It's alright. I heard everyting. " hinalikan nya ako sa noo.

"Date me, sena." Tumingin sya sa mata ko ng seryoso. Should i date my bestfriend?

"Pano si lea?this is not right mingyu"

"She likes hoshi. Ginagawa lang namin kung ano ginagawa nyo samin." I hug him back.

"Yes. I would like to date my bestfriend."

"Tara uwi na tayo" hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon. Binuksan na nya ang gate para makauwi na kami.

I thought hindi gagana yung deal namin ni hoshi.

I guess he was right afterall.

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon